hindi ko alam kung gaano na katagal may jueteng sa pilipinas. ang pagkakaalam ko lang e mula nang magkaisip ako, doon sa barangay namin e merong isang matanda na laging gumagala na may dalang papel na parang pang grade 1 na nakatupi ng ilang beses pahaba. sa kanya tumataya yung mga tao sa aming barangay. ngayon, di ko na alam kung nasaan yung matanda, at since tuwing weekends lang ako nakakauwi sa batangas e hindi ko alam kung may jueteng pa sa barangay namin o wala. with all the scandals and everything, i was asking, who's brainchild is jueteng? sino nag-umpisa? i researched on the internet at wala akong makita kahit sa wikipedia. ito lang article sa wikipedia eh. nakakapagtaka na sa papiso-pisong taya ng mga maliliit na tao e malaki daw ang kinikita ng mga "jueteng lords." may teacher pa nga ako nung elementary na dakilang mananaya rin sa jueteng, at tumatama sya ha! meron daw kumikita ng 7 Million pesos sa isang araw, isang jueteng lord sa batangas. wala akong direct knowledge, naririnig ko lang din sa mga sabi-sabi. i don't know kung totoo. pero kung totoo, baka naman pedeng maging jueteng lord ako, kahit isang araw lang? hehehe. aanhin ko naman yung 7 million pesos? ikakalat ko sa kwarto ko sa bahay at hihigan ko, hehehe.
ngapala, may mga bagong pictures sa photoblog ko.
featured site: Bug Me Not!
No comments:
Post a Comment