Wednesday, June 15, 2005

banggaan update II

dumating na yung inspector ng insurance. isa-isa tiningnan at pinicturan yung mga tama ng kotse. syempre, sinamantala ko na ang pagkakataon para mag-usisa kung paano ba ang kalakaran dito.

sabi sa akin, lahat ng kailangang papers, ako magsusubmit sa kanila. kunin ko daw yung photocopy ng policy nung nakabangga at lahat ng supporting papers nya including the photocopy ng driver's license. kasama syempre ang police report. since magkikita nga kami sa sunday para sa police report, tinext ko na yung nakabangga na dalhin na nya yung mga papers na kailangan ko sa kanya. lahat ng papers na kailangan ko, ipapaphotocopy ko na rin. so, after namin magmeet sa sunday, pede ko nang isubmit yung papers sa monday. sa toyota makati daw, meron na daw doon na in-house representative yung insurance, hanapin ko daw si luningning. after submission ng papers, maghintay daw ako ng 2 to 3 days para sa release ng LOA... letter of authority. after that, tatawagan daw ako ng toyota makati para maayos na yung kotse ko. mga 2 to 3 days din daw yung pag-aayos, papalitan daw yung bumper ng bago, aayusin lahat ng namis-align. ibabalik daw sa dati, dapat lang!

yun, hope everything runs smoothly.

featured blog: Chona in the City. I think, nananadya lang itong blogger na to, masayang basahin yung blog nya! siguradong kung si senyora makakabasa e puro red marks ito. hehehe.

4 comments:

Jdavies said...

chona's blog is really funny and surreal. natapos na ung blog ayaw na nung writer magsulat so last na ung post nyang un...

Anonymous said...

thanks for swinging by, hope you come by often :)

good day

DES CONLU said...

tnx for droppin by. hope to see more of you.=)

kukote said...

hope to see more of you too... tnx for dropping by!