Tuesday, June 21, 2005

meeting, drawing, jordan at nba

nagmeeting kami kanina, ako kasama ang charlie's angels plus one of their victim at isa ko pang officemate, hehehe., medyo mahabang meeting, nagumpisa, mga 1:30PM, ngayon lang natapos. ang sabi ko sa meeting. "ehem, ah, hehehe, ehem, yes, yup..." 2 hours akong nakatunganga, nakikinig, pangiti-ngiti, tumatangong kunwari alam ang pinag-uusapan. sila-sila lang naman nagkakaintindihan, isinama pa ako sa meeting, hehehe. ang ginawa ko na lang, kinopya ko lahat ng sinulat nila sa whiteboard. mali pala, hindi ko kinopya, pinicturan ko, kakatamad magsulat eh.

kung may talent lang akong kagaya ni benjo ay nagdrawing na rin sana ako. si benjo kasi yung taong kapag umattend ng meeting e akala mo nagsusulat ng notes, yun pala, yung kameeting na ang idinodrawing. how i wish i have that talent para nakapagdrawing na rin ako dun.

ang dami ko palang dapat iprepare sa darating na pagbisita ko sa bansang jordan. sales representatives and technical people from seven different regions daw ang aattend. makapagdala na rin kaya ng resume? para makapag-apply na rin, tuloy interview. hehehe.

tiningnan ko sa mapa, kapitbahay lang pala ng jordan yung iraq. makapagpahuli kaya sa terorista, nang makita nyo naman ako sa tv. hehehe. sasabihin ko kapag ininterview ako ng al-jazeera tv, "hello garci, make sure, panalo si GMA by about 1 million ha. magpulitikahan na lang kayo dyan, mga ulaga kayo! pabayaan nyo na kami ni tarongoy dito!!!... Inay, gwapo ba ako sa tv? "

comment on NBA finals... Spurs rocks!

yun lang.

No comments: