Wednesday, June 01, 2005

migration

nakachat ko nung isang araw ang isa sa iginagalang ko at pinagpipitaganan pagdating sa larangan ng IT, sino pa? e di yung nagbigay sa akin ng "break" para makapasok sa IT world after i decided leaving the academe and was rejected by numerous companies for 5-month period of my job hunting days. one of the topics that we have touched was about migration. ang dami kasing gustong magmigrate, kahit sya, they are planning to migrate to canada. here is a snippet of our chat:

marhgil : ic, bakit kayo lahat, gusto magmigrate? ako, walang kabalak-balak
*lon* : hmmm..projections mo para sa magiging anak moh
marhgil : i prefer seeing them grow here, sa pilipinas.
*lon* : will see.
*lon* : 5 years fr now
*lon* : kung ganun pa din yung naiisip moh.
marhgil : tingnan natin...

it seems that one of her reasons for migration is the future of her daughters and/or sons. hmmmm. sabi ko nga sa kanya, i prefer seeing my kids grow here in the philippines. but let me elaborate on the subject... i don't know if this will still be my stand after 5 years... sabi ko nga, tingnan na lang natin.

bakit wala akong kabalak-balak magmigrate? una, mas masaya dito sa pilipinas. kahit saan ka magpunta, you don't need any documents to prove that you are legally staying here. dito, tayo ang boss. ito ang bansa natin, bakit ko iiwan? siguro, pede akong magtrabaho sa ibang bansa (but as much as possible, i will not) pero to totally migrate and live there, hindi siguro. andito ang mga kamag-anak ko, bakit ko sila iiwan? sabihin na nating may magandang kinabukasan dun, dito ba sa pilipinas, wala? kanya kanyang diskarte lang yan, kung mali ang diskarte mo sa buhay, kahit saan ka pa manirahan, hindi ka uunlad. pero kahit andito ka sa pinas, kung may direksyon ka at may goal ka, maaabot mo rin ang iyong mga pangarap. ang dami kong kilala doon sa batangas, yumaman, umunlad ang buhay, pero ni minsan, hindi pa nakarating sa ibang bansa. ni hindi nga marunong mag-internet. sabi ko nga dati, STS lang yan... Sipag, Tyaga at Swerte. Sipag at tyaga, nasa tao yan, yung Swerte, ang magbibigay nyan, ang Dyos, kailangan lang, marunong kang tumawag. so far naman, in my 25 years of living, kahit may mga pagkakataon na minamalas ako, mas lamang pa rin ang swerte sa buhay ko. so, that's the reason. why will i migrate? e kaya ko pang umunlad at mabuhay ng maayos dito sa Pilipinas?

Adios.

No comments: