umamin na si PGMA, sya yung nasa tape. may konsensya pa rin naman pala sya. at nagsorry sya sa publiko. now, do we just forgive and forget??? pede ko syang patawarin if she'll face the consequences of what she had done. inamin nya, nagkasala sya, nagsorry sya, is that enough? saying sorry is easy, but to prove that you are really sorry is another thing.
so, anong gagawin??? para sa akin, she must resign. wala na syang credibility for me. e ano bang mangyayari pag nagresign sya? sinong papalit? e kaya nga tayo may constitution, e di yun ang sundin natin! kung ano ang nakasulat! snap election? yun ba ang nakasulat? ang alam ko, nung mag-aral ako ng philippine constitution nung college, kung mawala yung president for any reason, ang papalit ay yung vice president, pag nawala si vice president, yung senate president, kung mawala si senate president e si speaker of the house, pag nawala si speaker, si marhgil na! hehehe. di ako sure kung alin yung una, speaker of the house ba o senate president? ang mahalaga, yang apat na yan. so, kung magreresign si gloria, si noli de castro ang papalit. gusto nyo ba yun? wala tayong magagawa, yun ang nasa constitution.
ngayon, there are arguments naman na gloria's presidency is invalid since day 1 kung nandaya nga sya. ito yung nagbibigay ng "snap election" idea, since kung nandaya sya, hindi sya dapat andoon in the first place, di ga? ngayon, ano bang sinasabi ng batas tungkol dito? ang alam ko kasi, there is a time frame for election dispute, at naglapse na yun. e bakit ba naman ngayon nyo lang inilabas yung tape na yan eh?? so, kung susundin natin ang mga nakasulat, e kahit nandaya pa sya, her presidency is already valid. and the only way to kick her out is by impeachment, or kung kusa syang magreresign. pero kung maimpeach sya, or kusa syang magresign, we have no choice but to welcome noli de castro as the new president. nnnggggiii!!!! mas nakakatakot ata yun. but let's not judge him. malay mo, may talent pala syang itinatago???
ang tanong. is impeachment possible?? sa dami ng kasangga ni gloria sa kongreso at senado, ewan ko kung matuloy ang impeachment. syempre, haharangin yan. talagang malabo, kita nyo naman yung nangyari sa VAT, walang nagawa ang mga oposisyon, si gloria pa rin ang nasunod. so, para sa akin, malabo yung impeachment.
e yung resignation? tingnan na lang natin kung gaano kakapal ang mukha ni GMA. kung talagang makapal ang mukha nya, e paninindiganan nya na sya pa rin talaga ang presidente. kahit may malaking doubt sa mga tao kung sya talaga nga ang tunay na nanalo, lalo pa't umamin sya na sya yung nasa tape. tingnan na lang natin ang mangyayari. kahit ako ang presidente at kita kong wala na akong moral authority, hindi na ako iginagalang ng mga nasasakupan ko dahil sa kasalanan ko, e wala na akong magagawa kundi magresign. masyado namang makapal na ang mukha ko kung paninindigan ko pa rin na ako ang presidente kung hindi na ako iginagalang, di ga? so, resignation is just a matter of GMA's thick face.
kahit sino yatang nakaupo jan, wala na yatang mangyayari sa pilipinas. si erap, pinatalsik nila, si gloria ang iniluklok nila. tapos ngayon, puro naman sila anti-gloria. sino ba talaga ang gusto nila? suggestion ko, e kung yung presidente ng Bayan Muna? yung mga dakilang taong mahilig mamuno ng strike, e kung sila ang maging presidente. can they handle the responsibilities? si GMA nga, cum laude na, taas ng pinag-aralan, wala ding nangyari, sino pa kaya??
ang gulo! pati ako, nalilito na! ano kayang mangyayari??? abangan na lang natin ang susunod na kabanata.
No comments:
Post a Comment