ngayon lang ako nakapagpost ng weekend ah. kailangan kasi irelease ito sa kukote ko!
nangyari nung saturday... dahil schedule na ng maintenance nung kotse, kahit bingot pa yung likod e wala akong choice kundi dalhin na yun sa toyota para makapagpachange-oil. syempre, lahat sila ang tanong, anong nangyari? alam nyo na ang sagot, di ga? eto po yun. while waiting, tumambay muna ako doon sa showroom nila. ang init kasi sa labas, at least, sa showroom, nakaaircon, hehehe.
while waiting pa rin, may lumapit sa aking isang babaeng taga toyota, pamilyar ang mukha pero di ko maalala kung sino o saan ko nakita. sabi sa akin.. "sir marhgil, kumusta." ako naman, syempre, ngumiti, then sabi ko.. "mabuti naman, kelan ka pa dito sa toyota?" kunwari kilala ko rin sya. (hindi pa ako artista, sikat na ako, pano pa kaya kung nagartista ako.. hehehe). matagal na daw, tapos, nagkwento na sya, bale ahead daw ako sa kanya ng 1 year sa bauan high school. kaklase daw nya sina bing cordero. tapos tinanong nya ako, "kilala nyo sir si cris**ie mar*i*ez?" sabi ko, oo. tapos, ngiti sya ng nakakaloko. (ang alam ko kasi, crush daw ako nun, matagal na... walang halong yabang). tapos tinanong nya ako, "sir, may asawa na kayo?" sabi ko, "wala, single pa." sabi nya, "may pag-asa pa pala si cris**ie." tawa na lang ako... hehehe. tapos, tanong nya, "sa inyo sir yung kotseng vios. kelan nyo pa nabili?" sabi ko, "hindi po, wala po akong kotseng vios. altis po yung sa akin" (walang halong yabang, pure yabang), hehehe. yun, tapos konti pang kwento, nagpaalam na sya na hindi ko man lang natanong kung anong pangalan nya, hehehe. yun lang, natapos yung pachange-oil, dumiretso na ako sa mcdo bauan, may meeting daw kasi ang procyon.
dumating ako, 3:30PM, traffic kasi, ang usapan, 3:00PM. pagdating ko doon, si leoncio pa lang. nung makumpleto kami, nagpunta kami kina owen, doon na daw magmeeting. si owen kasi ay ang kaklase kong balikbayan, galing nigeria. kaklase ko yan since first year high school, tapos nung magmajor sa college, kaklase ko pa rin at sa first job as instructor sa AMA, kasama ko pa rin. hehehe. syempre kwentuhan, inuman, kainan at ang matindi ay naglaro kami ng tekken 5! yun na lang ginawa namin. naglaro ng ps2. nakapagmeeting pa ba kami? konti. nung makita ako ng ina ni owen, hindi ba naman ako nakilala?? tanong sa akin, sino ka ga? seryoso sya. hindi nya talaga ako nakilala. lumaki daw kasi ako at tumaba. doon na kami naghapunan. konting picture taking, then nag-uwian na kami, mga 9:00PM na yun. di naman ako lasing nun, ang isang san mig light ay hindi nakakalasing.
here is what happened today... linggo. gumising ako ng 5:00AM, kasama ko ang inay, umalis kami dito ng 6:00AM. saan kami pupunta? sa calamba police station. dumaan pa kami sa lipa, sa bahay ng kuya ko, sasama din daw kasi sya. pagdating doon, sya na daw magdadrive. sabi ko, "sure!"
dumating kami sa calamba, malay ba namin kung saan yung police station? sa ilang beses na kakatanong ay nakarating din kami. malas pa dahil medyo traffic, yun pala ay birthday ngayon ni lolo jose rizal (happy birthday lolo jose!), syempre angdami nilang activity ngayon dun sa calamba. dumating kami ng police station ng 7:45AM.
pagpasok namin dun sa police station, wow, ang daming police! hehehe. hinanap namin si barbosa, sya kasi ang may hawak nung kaso. wala pa raw. pero darating daw. lumabas muna kami, sa labas kami naghintay. napansin ko lang doon sa jail nila, siksikan yung mga preso. parang pinais na isda (alam nyo yung pinais? ask a batangenyo), buti at hindi sila nagkakapalit ng mukha doon. yung jail kasi ang nakabungad kaagad bago mo pa marating yung mismong office nila. weird no?
paglabas namin e nakasalubong ko na yung driver na nakabangga sa akin. sabi sa akin, "pare (feeling kumpare ko sya???, manigas sya, hehehe), andyan na ba si barbosa?" sabi ko, "wala pa. hintayin na lang natin dito sa labas."
8:30AM na, wala pa. 9:00AM na, wala pa rin. biglang may dumating, nakacivilian ng suot, tinanong kami, "anong ginagawa nyo dyan?" sabi ko, "hinihintay namin si barbosa." sabi nya, "para saan?" sabi namin, "banggaan." sabi nya, "pasok kayo sa loob, doon sa opisina ko, ayusin natin yan." syempre pasok kami. dumaan na naman kami doon sa kulungan. ang dami talagang nakakulong. napansin ko lang, may TV, ang palabas, HBO! grabe, nakacable pa sila samantalang kaming magkakasama sa bahay, tyaga sa kapuso at kapamilya channel lang! makapagpakulong na lang kaya? hehehe. hindi pede, di na ako kakasya dun.
pagpasok sa office nya, tanong nya sa akin, "kelan to nangyari?" sabi ko, "june 13, 3PM." inutusan yung isang police, check mo nga sa files natin. yung isang police, may kinuhang logbook. hinanap yung kaso namin. aba, at hindi makita. tinanong ulit ako, "kelan nangyari, anong oras?" same answer syempre. check nya ulit, wala talaga. sinabi nya dun sa nakacivilian which i later found out as the chief investigator, "wala talaga." so, hindi pala inirecord ni barbosa. lintek na barbosa yan, late na nga sa usapan (hindi pa nga dumarating e), palpak pa ang trabaho. sabi ni chief, tawagan natin si barbosa. inutusan yung isang police, "tawagan nyo si barbosa, iradyo nyo." hayun, iniradyo nga.
habang naghihintay kami dun sa opisina, may dumating na isang babae, maganda ang bihis. (bihis lang ang maganda, hehehe) lumapit kay chief, "sir, nakakulong yung kapatid ko dito." ipinakulong daw. idinemanda raw ng kumpanya nya. ang kaso nya, nagnakaw ng chips sa ph*l*ps semiconductor. sabi nung babae, "sir, hindi magagawa yun ng kapatid ko, ang bait bait nun. tagal na nyang janitor dun eh." hinanap ni chief yung file, sabi nya, nasa fiscal na yung kaso, nagprint sya ng record nung kaso, ibinigay dun sa babae. "yan po ang nagdemanda, yan po ang nangyari," tapos, tinawag yung pulis na may hawak ng kaso, "kayo na po ang mag-usap." nag-usap yung dalawa, di ko na narinig ang pinag-usapan.
tagal ni barbosa, wala pa rin.
after siguro 1 hour e dumating din sa wakas. kung pede ko nga lang batukan e binatukan ko na. sabi ko na lang sa sarili ko, cool ka lang, pulis yan. baka makapanood ka ng HBO ng libre, hehehe. yun, to make the long story short, nakagawa rin ng police report sa wakas. nakauwi kami 11:30AM na.
pagdating sa bahay, kain, then, tulog. pagkagising kain, then blog.
10PM na dito, bukas, maaga na naman akong gigising, luluwas ng manila at balik to my same old job. syempre, aasikasuhin ko pa rin yung insurance para maayos na itong kotse this week.
pagbati.. binabati ko pala yung mga instructor sa AMA batangas na nabalitaan kong binabasa pala itong blog ko! kumusta na? pag nabagot ako dito sa work ko, tanggapin nyo ako dyan sa AMA ha =) cheerz!
No comments:
Post a Comment