natapos na maghapon, hindi ko pa rin tapos ang technical documentation na ginagawa ko!
nung pauwi na ako last sunday sa bahay namin sa batangas after going to church, i saw this jeepney, pinicturan ko (ang kuya ang nagddrive kaya napicturan ko, sya kasi driver ko sa batangas, hehehe), naalala ko tuloy nung panahong nag-aaral pa ako sa bauan high school. wala pa kaming sasakyan noon. isa rin ako sa mga estudyanteng sumasabit sa dyip, wag lang mahuli sa klase. e yung dyip kasi sa amin, every 15 minutes kung dumaan lang. so, pag nalampasan ka ng isa, e maghintay ka na ulit ng 15 minutes. kaya ang nangyayari nga e walang choice kundi sumabit sa dyip. nung mag-aral pa ako sa batangas city ng college, there are times na kapag ang hirap talaga sa pagsakay ay napipilitan kaming sumabit from batangas city to bauan. hay buhay. sabagay, masaya yun. imagine, the jeepney is running at approximately 60-80kph, andun ka lang sa likod, nakasabit. hehehe. minsan, gusto ko pa ring subukang sumabit sa dyip. swerte naman ng magiging anak ko, hindi na yun mararanasan. swerte nga ba o malas? kasi, yung isa dito sa mga boss ko, tuwang tuwa ba naman dahil nakasakay daw sya ng tricycle? hehehe. iba pa rin yung maexperience mo ang mga ganitong bagay, di ba?
that's all folks
No comments:
Post a Comment