Friday, June 11, 2004

Araw ng Kalayaan


Hunyo 12, 1898, iwinagayway doon sa Kawit, Cavite ang watawat ng Pilipinas, simbolo ng kalayaan natin sa mga dayuhang Kastila na mahigit tatlong dekadang umalipin sa ating bansa. At ngayon, makalipas ang isang daan at anim na taon, nasaan na tayo?

Masaya ako at napalayas natin ang mga dayuhan, salamat sa kabayanihan ng ating mga bayani. Pasalamat silang mga Kastila, hindi pa ako ipinanganak noong panahong yun. Kung ipinanganak siguro ako noon, baka ang larawan ko ang nasa piso ngayon. Hehehehe.

On serious matters, masasabi kong malaya na tayo. Malaya na tayo sa ilalim ng pamamahala ng mga dayuhan. Pilipino na ang presidente natin. Imagine kung gaano tayo kalaya? Kahit Pilipino ka, kung hindi ka natural-born, wala kang karapatang maging Presidente. Meron na tayong sariling konstitusyon at mayroon tayong sariling batas na sinusunod. Kung hindi tayo malaya, wala na sigurong malayang bansa. :)

Nasa atin nang mga kamay ang ikauunlad at ikababagsak ng ating bansa. Ang problema lang sa atin ngayon, punong puno ng karumihan ang pulitika natin. Ang daming corrupt na pulitiko. Walang iniisip kundi ang sarili nila. Pero nasa atin din ang kalayaan na palayasin sa kanilang mga pwesto ang mga gagong ito. Kaya nga may eleksyon. Ang problema lang, wala tayong masyadong choice. Sabi nga nila, we are choosing among evils. Hindi naman siguro ganun, may mga tao din naman jan na matitino, hindi lang napapansin.

Para umunlad ang bansa natin, magkaisa tayo tungo sa isang direksyon. Kung walang pagkakaisa, walang patutunguhan ang bansa natin. United we stand, divided we fall.

No comments: