Tuesday, December 28, 2004

Sigaw vs Spirit of the Glass

last vacation, i was able to watch both horror movies that were included in the metro manila film festival... here are my movie comments....

Sigaw

A story of a battered wife killed by her husband asking for "justice".

Hindi ko alam kung saan nyo kinuha yung title, pero mapapasigaw talaga ang mga manonood, kasi, ang sound effects nyo, ang galing manggulat. Mas magandang title sana is "Bulaga!". Mga tanong ko naman sa kanila... anong klaseng multo ba yun? Doing the reenactment of their pagkamatay? Kung paano sila pinatay, pati yung pumatay, ginagawa muli yung ginawang pagpatay sa kanila? Meron bang ganun na multo, ginagawa muli ang nakaraan? Isa pa, patay na ba si Jhun? Bakit kasama sya sa reenactment nung pamilyang multo? At anong katarungan ang hinihingi nung babae, e nagpakamatay na rin naman yung asawa nya na pumatay sa kanya? Kung buksan ba ang pinto, mabubuhay ba syang muli??? Maililigtas pa ba sya? Nagkaroon ba ng katarungan nung buksan nya ang pinto at mabaril nung babae yung kanyang asawa? E reenactment lang naman yun, ang totoong nangyari, sya pa rin ang napatay. For me, this movie is a crap. Recommendation: Don't watch it, sayang ang pera, ibili nyo na lang ng hamon.


Spirit of the Glass

A love story gone astray because of family pressure.

The title is justifiable, because dun talaga umikot ang kwento. Comments... hindi nakakatakot yung multo nyong si Marvin Agustin. Saan sya kumuha ng all-white na damit? Shoes, pants, belt, sapatos... everything is white... e nung mapatay naman sya ay hubad sya at black yung pants nya. Natatandaan ko pa is yung suot nya nung sunduin para patayin is black pants, nakajumper pa, and white shirt. Di ba, yung mga nagmumulto, kung anong suot nya nung mamatay, yun yung dapat na suot nya kapag nagmulto sya, logically speaking? Alangan namang nagshopping pa sya ng mga puting kasuotan? Anong tawag sa kanya? White Gentleman? Male version ng white Lady??? Another point, pareho silang nagmumulto ni Auring sa bahay na yun.. di ba? Andun din si Auring... as far as I can remember nagparamdam din sya, sya ba yung nakapaldang puti na parang pangkasal na dumaan? Bakit hindi sila nagkita ng multo ni Marvin Agustin? Pareho na silang multo, nagmumulto sa parehong bahay, pero hindi sila nagkatagpo. Kinailangan pa nilang manakot at gumamit ng mga buhay na tao para magkita sila. Very illogical. Isa pa, wala bang kamag-anak si Marvin? Walang naghanap o nagreport man lang nung mawala sya? Ano sya, singaw?? Marvin's death is so brutal... pinahirapan at inilibing ng buhay. If you are choosing between the 2 movies, mas maganda ito kesa sa Sigaw. Pang best actress ang acting ni Alessandra de Rossi... ehhehee, masyado syang taklesa sa pelikula.



Honestly, I don't believe in ghosts, sa mga multong hindi matahimik na humihingi daw ng katarungan. Kung naniniwala ka na wala silang makakamit na katarungan kung hindi sila magmumulto, para mo na ring sinabing walang Diyos. Alam ng Diyos ang lahat ng bagay, at kayang kaya nyang ibigay ang katarungan. Hindi na kailangang magmulto pa ang isang tao, God will do justice to all the oppressed. Kaya yung mga may utang sa akin, kung pinagtataguan nyo ako, ang masasabi ko lang, Diyos na ang bahalang sumingil sa inyo.

Happy New Year to All!!!

No comments: