Thursday, March 16, 2006

visit visa sa dubai ii

here is another forwarded e-mail i've got from a yahoogroup. sabi, iforward eh, ipost ko na lang ulit. mas detalyado ito, tungkol pa rin sa visit visa ng dubai. di ko pa rin alam kung sino talaga ang nagsulat nito, anyway, ang mahalaga, mainform tayo. kung ikaw ang nagsulat nito, kindly inform me so that i can give you the credits, ok? ok. here it goes...
With the permission of the moderator, post ko lang itong forward sa akin ng barkada kong nasa Dubai ngayon on a tourist or "visit visa". sa mga hindi po nakakaalam, ang "Visit visa" ang pinakauso ngayon sa pagpunta sa Dubai, kung saan parang turista na pupunta dun ang isang pinoy, at dun na sya maghahanap ng trabaho. usually 2 months ang limit, at kung hindi ka makakakita ng trabaho in two months, wala kang magagawa kundi umuwi na lang na bigo o kaya mag-exit.

okay sana ito, ang kaso, NAPAKARAMING pinoy na ang andun ngayon, at halos NAPAKARAMI na rin ang nasisira ang buhay dahil pupunta sila dun umaasang makakakita ng matinong trabaho, pero wala na pala dahil sa bawat trabahong available, 20 or more pinoys ang nag-aagawan. imagine, makapunta lang dun, magsasangla ng bahay o magbebenta ng kalabaw ang isang typikal na pinoy, at paniwalang paniwala syang madali syang makakakita ng trabaho dun at mababayaran ang utang nya, pero dun na lang sa dubai nya madidiskubre ang mapait na katotohanan.

ang masama pa, malaki ang kasalanan dito ng mga kapwa natin pinoy na nasa dubai ngayon. sila yung mga nagrerecruit ng mga pinoy na gustong pumunta ng Dubai. dati mo silang ka-officemate, o kaya ka-barkada, na "nag-o-offer" sa iyo ng visa assistance papunta dun; hindi nila sinasabi ang tutoo, hindi nila sinasabing halos napakarami nyong maghahati hati sa iisang kwarto, na napakahirap maghanap ng matinong trabaho ngayon dun, na halos gabi gabi kung makikinig ka, puro impit na iyak ng mga pinay na "napasubo" sa pagpunta sa dubai ang maririnig mo. nakakaawa.

ang mga pilipino recruiters na ito, sila ang Makapili ng panahon natin ngayon. mga traydor sila. bakit? kasi malaki ang porsyento nila sa bawat pinoy na mapapapunta nila sa dubai. isipin mo na lang na typikcal na ibabayad mo for a visit visa ay P50k to P80k--samantalang kung tutuusin, nasa P35k lang talaga ang fees. pero dahil ang karaniwang pinoy ay hindi nakakaalam ng mga ganyang sistema, maniniwala na lang sila sa lahat ng sasabihin ng recruiter nilang "kaibigan.

okay lang magpunta ng dubai, kung dadaan ka sa isang employment recruiter dito sa pinas. okay lang magpunta ng dubai kung bago ka pumunta dun, may job offer ka na. pero WAG na WAG kang pupunta dun on a Visit Visa.

kaya kung may kaibigan ka, o kakilala, o kamag-anak, na nagbabalak magpunta sa dubai on a visit visa, please, ipadala mo rin sa kanila ang email na ito, at baka-sakaling mailigtas mo sila.
yun lang!

related post: visit visa sa dubai

4 comments:

Anonymous said...

pambihira ano?

kapwa pinoy mo ang magpapahamak pa sa'yo...

I sympathize with our fellow men na nawalan na ng pag-asa sa Pinas.. at sana makaabot sa kanila ang mga gantong hayop na sistema.

tsk tsk...

Anonymous said...

thanks for the info. i'll certainly pass this on to my friends in manila.

iceyhot said...

True yan talaga, kahit san ka mag punta d2 ang dami ng pinoy sa Dubai...Kahit sa Friendster nga eh! hahaha! Location DUBAI.. ahahah! Yung iba okay nakakahanap ng work agad.. yung iba ayun mukhang kawawa, xempre pulitika din d2 kase ang dami kayang ibat ibang lahi d2...

Pero sana naman mga kababayan kong anjan sa pinas wag kayo mag papa daya... maging praktikal kayo.. OO madaming trabahong nag bubukas sa Dubai.. abangan nyo pa lalo sa 2008-2009 pero maganda kung dumaan kayo sa legal na paraan para menos gastos.... Usually d2 ang employer pag kumuha ng tao sa pinas sila na ang gagastos sainyo ng airline ticket visa at accomodation... kaya mabuti pang dunaan kayo sa Agencies na certified ng gobyerno jan sa pinas Check nyo sa OWWA at POEA website para mkasigurado kayo..

Maging Smarte kayo... ang dahilan nang pag aabroad ay ang mkatulong sa pamilya at kumita ng pera... Hindi ang Maglabas ng pera at walang babalik sa perang lumabas sa mga bulsa ng magulang, kapatid, kamag anak, kapit bahay at Tropa (getz nyo mga hiniraman ng pera.. heheh)... Toto naman dibah.. maging wais..

Masaya d2 sa Dubai... pinag halong USA,Europe at ASIA ang nakapalibot sayo.. maganda, malinis at safe ang place pero Hindi masarap ang buhay d2 kahit saan pa sa mundo kung wala naman tayong pera... isang masakit na katotohanan dava?..

Goodluck mga kabayan!=)