inalis ko na yung script para sa firefox download. wala lang, sinubukan ko lang naman ng isang araw eh. subok lang.
on other matters, nakita nyo na ba yung commercial ng meralco sa tv? nagtataka lang ako, kailangan ba talaga nilang magcommercial sa tv? parang nag-aaksaya lang sila ng pera. bakit? wala namang choice ang mga tao, di ba? may lugar ba dito sa pilipinas na pwede kang mamili kung saan ka papakabit, meralco or napocor? di ba, wala naman? kung meralco yung linya sa inyo, sa meralco ka. kung napocor ang linya ng kuryente sa inyo, sa napocor ka. you don't have a choice. so, para saan yung commercial? para sa mga taong hate ang meralco at pinili pa nilang wala na lang kuryente sa bahay nila? hehehe. para sa mga taong napocor ang linya? see, kung hate nila ang meralco at walang kuryente sa bahay nila, hindi rin nila mapapanood ang commercial. kung para sa mga napocor users, siguradong wala namang linya ng meralco sa kanila. so para saan yung commercial? nagtatanong lang, kasi, tumataas ang singil sa kuryente, ang mahal kaya ng bayad sa commercial sa tv. nagsasayang sila ng pera, di ba? opinyon ko lang naman po. taga meralco, pakisagot nga nang maliwanagan ang aking kukote. hehehe.
yun lang!
No comments:
Post a Comment