magandang araw sa inyong lahat! for the past 2 days, hirap na hirap akong gumising ng maaga. ewan ko ba, ang sarap kasing matulog, naka-aircon pa. talagang kung hindi ko lang iisipin na nakakahiyang umabsent, e baka umabsent na ako, hehehe.
last night, we had dinner sa flat ng mga officemates ko. nagtake-out na lang kami ng food, tapos, doon na lang sa kanila kumain. wala naman, kwentuhan to the max lang kami. kwentuhan ng buhay-buhay sa trabaho dito sa hongkong, sa trabaho sa pilipinas, buhay nung mga estudyante pa kami, buhay ng isang chaperon ng pamangkin nya, buhay ng isang tambay sa riles, buhay ng isang chickboy, buhay ng isang gimikero, presyo ng lupa sa binondo, pagreresign ng isa naming officemate, gimik ng isa naming officemate, pagiging gimikero ng dalawa naming officemate, dahilan ng pagkasira ng tv sa flat nila, pagiging headline sa e-mail ng kanilang untidy flat, amoy ng mga pana sa office, kakaibang gimik ng isang pana sa office, pagluluto ng pagkain dito sa hongkong, pagdating at pag-alis ng mga tao dito sa hongkong, pagkaasar ng isa doon sa isa, mga magagandang bebot sa shenzen, ang anim na original staff ng kumpanya, kung paano nakapag-asawa kaagad ang isa sa amin, kung paano ang feeling ng pinagkaitan ng height na laging nasa unahan ng pila kapag flag ceremony, at kung ano ano pa. well, masaya. masaya talagang magkwentuhan. you learn from them, you learn from their experiences. from there, i learned na talagang ang bawat tao talaga ay may kanya kanyang adventures and mishaps, kanya kanyang kalokohan sa katawan, kanya kanyang kaalaman at kanya kanyang diskarte sa buhay.
No comments:
Post a Comment