Wednesday, March 01, 2006

my first gf

ngayon ko lang ito ikekwento. sa mga nakakakilala sa akin, mali kayo, hindi si ce*i*le ang una kong gf. and this post is not about her. may nauna pa sa kanya. ok, ito na ang mga nangyari...

this happened when i was in 2nd year college... 18 years old pa lang ako noon, wala pa sa katinuan ng pag-iisip pagdating sa pag-ibig, wala pang muwang, ika nga.. hehehe.

matagal ko nang naririnig ang pangalan nya. pinsan kasi sya ng gf noon ng kuya ko. pero wala naman akong balak manligaw noon, dahil kasalukuyan pa akong nag-aaral noon, focusing my mind only on one goal. ang makagraduate.

nakilala ko sya sa telepono dahil lagi rin syang tumatawag sa bahay namin. minsan ay tumawag sya, ako ang nakasagot, hinahanap ang kuya ko, wala sya, kaya ako ang kumausap at nakatelebabad ko nang mga isang oras lang naman. ayos namang kausap, may kakulitan din. akala ko, hanggang dun lang ang lahat, pero nag-iba ang takbo ng aking kukote nang minsang isama sya ng gf ng kuya ko sa bahay namin.

first time naming nagkita. ewan ko kung anong masamang hangin ang dumaan. mga 6pm sila dumating, at nag-usap kami hanggang sa magpaalam sila around 9pm. at nung magpaalam sila, kami na. ewan ko kung anong sinabi ko or something, basta, nung magpaalam sila at ihatid na sila ng kuya ko pauwi, kami na. pagdating sa bahay, todo tawag, todo kwentuhan ulit. ewan ko, natatawa lang ako noon. hindi naman ako seryoso eh, first time na pagkikita, naging kami. nagkagf ako nang hindi ko sinasadya. ang alam ko kasi, binibiro ko lang, aba, at bigla ba namang sinagot ako. hekhekhek. gwapo eh. hekhekhek. (kapal ko, shet!)

what happened then? well, it just lasted for 1 day. sabi ko nga, di naman talaga ako seryoso. kinabukasan ng gabi, tinawagan ko sya at nakipagbreak na ako. syempre, nagsorry din, di ko naman akalain na sasagutin nya ako nung mga oras na yun. after kong makipagbreak, binagsakan nya ako ng phone. tapos, hayun, no call, no text.

until kinabukasan, umuwi ang kuyang galit na galit sa akin. huh? bakit ko daw pinaglaruan yung pinsan ng gf nya. doon pala sya nanggaling sa bahay nila. umiiyak daw. ewan ko ba, naguilty din ako, pero di ko akalain na tinamaan pala talaga sya sa akin. hehehe. sabi ko, ayaw ko pa talagang magkagf eh. istorbo sa pag-aaral. e bakit ko raw niligawan? sabi ko, testing lang yun, malay ko bang sineryoso nya. hehehe. after that, di na sya muling sumama sa pagpunta sa amin kapag pumupunta yung gf ng kuya. at wala na akong narinig sa kanya.

well, matagal na yun. matagal ko na rin syang hindi nakikita. wala na akong balita sa kanya. wala na rin sya sigurong balita sa akin. unless nagbabasa sya ng blog na ito.. hehehe. iba rin kasi ang nakatuluyan ng kuya.

bakit ko ba naikwento ito? kasi naman, kapangalan nya yung gusto kong pakasalan someday. tsk tsk tsk. wala lang!

yun lang!

4 comments:

lukin4gf said...

"kapangalan nya yung gusto kong pakasalan someday."

Ibig mong sabihin tito aga, Diego ang name ng pakakasalan mo someday? ha ha ha. jk!

JO said...

at least naging honest ka kaagad.

lojika said...

neversay ur going to
if u never will
never talk about the feelings
if they aren't real
never sa i love you
if you don't really feel
never touch and break a heart
cause sometimes it doesn't heal

anyways, the fault was not all urs..ang bilis kase bumigay nung babae.ang bilis ngtiwala...

phoebe said...

wah! syempre mag cocoment ako lalo nat aalis kana ng bansa. nakakatuwa naman yung kwento moh. hehe. 3 hours lang nagka gelprend kana. eh baka naman pangarap nung babae na mag artista kaya umiyak nalang... imposible kasi eh pero posible.