Friday, March 31, 2006

pasaway daw

i wish i could evaporate, or be an invisible man. now they think, i'm a pasaway or something. or am i? no, im not. i am just misinformed. kabago-bago pa lang, pasaway na. tsk tsk.

ok, ganito yun. nabanggit ko nang minsan dito na kapag dumarating yung japanese boss namin, we are required to wear a formal attire. long sleeves with tie, di ba?

so, anong nangyari? nung pumasok ako last tuesday (absent ako nung monday), naririnig ko na sa usapan nila na parang may darating ngayong friday. but no one is informing me directly. wala rin akong nareceive na e-mail, unlike before. yesterday, nung naglulunch kami, tinanong ko na yung mga officemates ko. kung ngayon ay nakaformal coz parang narinig ko nga na may darating na boss. what happened was they just laughed at me. at parang pinagkatuwaan ako. ang dating sa akin, it was all joke. pinagtawanan nila ako nung sabi ko, magnenecktie ako ngayon eh. so, ang akala ko, it was all joke. this morning, iniisip ko, shall i wear a formal attire or the casual attire dahil friday ngayon? i chose to wear the casual one, maong, t-shirt, rubber shoes.

my reasoning, wala namang e-mail akong nareceive na nagsasabi sa akin na kailangang nakaformal, walang nag-inform sa akin na may darating. when i asked them, they just made fun of me. inisip ko, kung magfoformal ako, lalo nila akong pagtatawanan kung wala naman talagang darating. at kung may darating man, di ko na problema yun, hindi ako properly informed eh.

so, ngayon, pagdating ko sa office. ako lang ang nakacasual. nakita ako ng big boss namin, sabi nya sa akin, bakit ka nakaganyan, di ka ba nasabihan? sabi ko, hindi ko alam. yun, tapos sabi nya, sige, ok lang, sabihin ko na lang na kadarating mo lang from flight. hehehe.

but still, hindi pa rin ako komportable. mukha talaga akong pasaway dito eh, imagine, lahat sila nakaformal, ako, nakamaong at tshirt! shet! nanliliit ako. gusto kong uminom ng felix felicis.

5 comments:

Anonymous said...

Di naman pasaway si Marghil! Distracted lang sya nung sinabihan sila ng big boss nila na may darating ngang boss! kasi namam tong si marghil puro ligaw tingin na lang! Go for it na kasi!

Anonymous said...

ha ha ha. aminin mo na pasaway ka talaga he he he. kunwari ka pa eh.

Empress Kaiserin said...

gusto ko mag comment sa previous posts mo, pero gusto ko dito ipost... ah yun sa law... alam mo ang dami kong relatives na lawyers at napansin ko na ang bilis ng pera dumating sa kanila... i wonder why??? as in mayayaman sila... dati i wanted to be a lawyer, pero tinamad ako (nag M.A. na lang ako, mas nakakatamad pala...), at di po 10 years and law, 4 years lang, 1 year ang review then bar exams ka na... of course pag sinama mo ang undergrad degree mo 4+4+1= 9 years... ;)

Yen Prieto said...

di ka naman pasaway.. e d m naman kasalanan na hndi ka ininformed noh! labo naman kc ng mga ofcmates mo eh.. tatanungin mo tas tatawanan ka! hndi ba pwdeng sumagot ng maayos diba???!!! tsk tsk...di bale next time kaya maglagay ka na lang ng long sleeves at tie sa kotse mo in case of emergency hehe

Anonymous said...

actually ang rule of thumb better be overdressed than underdressed.... kaso yun nga na mis-informed ka nga. kaya nga ako di agad agad na-niniwala sa mga co-workers ko... hahaha joke!