natawa naman ako sa kwento ng officemate ko. kasi daw, yung mga thai, hirap daw bigkasin ang R, L at S sa mga salita, lalo na kapag nasa gitna at huli ito ng salita. kaya daw minsan, natatawa na lang sya kapag hindi nya maintindihan yung sinasabi nila. like minsan daw kausap nya, nabanggit daw yung word na ekemel. syempre, bago sa pandinig nya, kahit ako, di ko alam eh. ano nga ba yung ekemel? XML pala! hahaha! tapos, minsan daw, may sinabi pa, sipatpat. ano naman yung sipatpat? hulaan nyo nga kung ano. hehehe. C plus plus pala. ang dami pa, yun nga daw ruler, hindi nila masabi. yung salitang description, ewan ko kung paano nila sabihin. ang hirap nun para sa kanila. sumasakit daw ang ulo nya kapag kausap nya ang mga thai. hehehe.
kasi naman, ang mga koreano, nung magsabog ng letter R sa mundo, sinalo nila lahat. naalala ko lang yung koreano kong dating boss, sabi nya kasi, meet me at the robby. yun pala, lobby.
2 comments:
Tama yung kaibigan mo kukote ganon talaga sila tsaka dagdagan ko yung mga letrang hindi mabigkas ng thai, yung D nagiging T, yung J naman nagiging CH, yung V nagiging W naman, kaya noong una ko dito sa Thailand lagi akong nakatanga at nag-iisip kung ano sinasabi nila eh. lol
pahabol hulaan mo ano ibig sabihin nila pag narinig mo ito LEWATION
(ELEVATION) lol ulit.
imbes kasi na magbitaw sila ng salita eh gumamit na lang sila ng flash card.. heheh joke!
Post a Comment