Tuesday, March 07, 2006

two weeks

ang daming dapat ayusin. kailangan kong bumili ng mga longsleeves at tie, kasi, required daw na nakapamburol kami sa trabaho. hehehe. di naman ako magtatagal doon, 2 weeks to 1 month lang naman, makikipagkulitan lang doon. ang totoo, magsusupport lang ng system na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita, binabasa-basa ko lang yung mga documents na ipinadala nila sa akin. bahala na.

ano bang meron doon? disneyland? bahala na. kung may sapat na pera, e di pupunta, kung wala, e di hindi. ano ba namang makikita ko doon? si mickey mouse at si donald duck? wala naman doon sina b1 at b2, wala din dun si doraemon. kung andun sana si hannah kim, hindi si kim sam soon, si hannah kim, yung ex ni cyrus, pupunta ako dun. o, nagulat kayo at nanonood ako noon? hehehe. kapuso eh. pero bahala na, baka kasi mapagkamalan pa akong mascot doon.

isa pang bad trip, pagdating ko doon, di ko na mapapanood ang jewel in the palace! huhuhu. francis, pahiram na lang ng dvd noon, dun ko na lang panonoorin. ano kayang mangyayari kay jang geum?

yun lang!

2 comments:

nika said...

ui! sorry di ako nadadaan.. nawala ka pala sa links ko.. pasenxa ka na..T_T lalagay nlang ulet kita.. :* kapuso ka pala. hihi. kafamilya ako. :p

phoebe said...

wah... kapuso ka pala. hehe. ako wala lang. kahit ano. pangatlo na atah to. ingat po sa biyahe.