yesterday was a different day again. sa trabaho, wala pa akong masyadong ginagawa. medyo nagtataka nga ako kung bakit ipinadala agad ako rito, hindi pa naman pala umpisa nung turn-over and knowledge transfer nung system na hahawakan ko dapat. nasa UAT (User Acceptance Test) stage pa lang sila kung saan ang dami pang dapat nilang ayusin dahil hindi acceptable sa user yung ginawa nila, ang dami pang bugs. so, for the mean time, basa-basa ulit ako ng mga documentation, para may magawa ako. pero sa nangyayari, marerevise pa rin yung documentations dahil nga ang dami pa nilang dapat ayusin. in other words, petiks mode muna ako.
kahapon, naglunch kami sa Li Fan Hau yata yun, basta, ganyan ang tunog nung name ng restaurant. di ko matandaan eh. medyo nakakatuwa dahil yung menu are in chinese characters. malay ba naman naming basahin yun, buti na lang at marunong ng english yung waitress. so, ininterpret nya dun sa dalawa naming kasama kung ano-ano yun. nung makaorder yung dalawa, nung tanungin ako, sabi ko na lang, same order. hehehe. basta sabi nila, pork daw yung inorder nila, pero hindi pa rin nila alam kung anong luto. so, bahala na, come what may. nang dumating yung inorder namin, para lang syang giniling, lasang meat ball, pero ang shape nya, parang tortang talong. so, hayun ang tinanghalian namin. nakarequest naman kami ngayon ng spoon and fork. ok naman, naubos ko rin.
gabi na kami nakauwi. and i had my dinner at mcdo. wala lang, gusto ko lang matikman kung ganun din ang lasa ng big mac dito. hindi naman ako nabigo. medyo may kamahalan lang din yung big mac meal HK$20.30. pero ok lang, kailangang kumain eh. after the dinner, nauwi na ako, nanood ng tv at natulog. yung tv naman dun sa unit namin ay may dalawang channel na napapagtyagaan. Pearl channel at saka World channel.
actually, birthday kahapon nung isa naming officemate. nag-invite sya sa flat nila. kaso, di na ako nakapunta. ewan ko, tinatamad kasi akong magpunta ng solo. wala akong kasabay eh, nauna na yung iba kong kasama, yung iba naman, naiwan ko pa sa office. yung mga kasambahay ko, nagpunta, kaya walang tao sa bahay nung umuwi ako. hindi ko na rin namalayan nang umuwi sila. ayon sa narinig ko sa usapan kanina, around 2:00AM na daw sila nakauwi. videoke trip ata ang ginawa nila.
may dumating din kaming bagong housemate. nanonood ako ng tv ng dumating sya. babae. nagulat nga ako, hehehe. well, diretso na sya kaagad sa kwarto ni ana. hi, hello lang kami. tapos, tuloy ako sa panonood ng tv. yun nga, after watching tv, natulog na rin ako.
yun lang.
No comments:
Post a Comment