Friday, March 03, 2006

three years to go

march 3, exactly last year, andun ako sa toyota batangas, pumipirma ng kontrata, nagbayad ng downpayment at drinayb for the first time ang altis na ipinautang nila sa akin. hehehe! na muntik ko nang ibinangga doon sa garahe namin, kung hindi ako nakapag-isip ng isang segundo, wasak kagad ang unahan nun. buti na lang, malakas ang preno.

ang bilis ng panahon, parang kahapon lang yun, naka-isang taon na pala ako ng paghuhulog. bayad na ang isang gulong, at isang upuan nung kotse, 4 years to pay kasi. hehehe. 3 years to go na lang! tapos, pwede na akong mag-asawa. hehehe.

bakit nga ba ako nagdecide kumuha ng car loan? kasi naman, noong wala pa akong kotse, lahat ng kita ko, sa tyan ko lang napupunta. puro pagkain, mga bulate ko lang sa tyan ang nakikinabang. hehehe. konti lang ang ipon ko. as in, at the end of the year, kapag iisipin ko kung anong nabili ko considering na buong taon na nagtatrabaho ako, wala. may konting savings, pero napakaliit. so sabi sa akin ni tatay, kumuha daw ako ng car loan, para naman daw may napupuntahan yung pinaghihirapan ko. hindi puro sa tyan. tinulungan nya ako sa downpayment at sa installment, he shouldered 25%. bait talaga ng tatay ko. usapan lang namin, kapag tumigil na sya sa pag-aabroad, ako na ang bahala sa lahat. he's retiring this May, so, starting May, ako na ang bahala. kaya ko na namang ituloy yung installment, kakayanin.

on other matters, natuwa lang ako sa picture ni vemsan dito. hehehehe. tinopak si ate at ginaya ako. hahaha!

yun lang!

1 comment:

Anonymous said...

nax! nahiya tuloy ako sa mga pinaglalagay ko sa blog. di pa nga kami tapos ni "anonymous" eh baka madagdagan pa ng another anonymous.hehehe. anyways tnx tito aga!


ako rin sa pagkain napupunta sweldo ko - obvious naman eh!


o cya sa kasal nyo, invited ako sa reception! :p