Friday, March 24, 2006

feed me

nagdownload ako ng feed reader. it is an RSS and Atom reader. eh ano ngayon? ngayon ko lang natuklasan ang gamit ng RSS na yan, sa tagal ko nang nakikitang pakalat kalat sa website ng may website. medyo outdated na ata itong kukote ko. eh kasi naman, though IT field rin ako, hindi naman ako sa web technologies. blogging lang. hehehe.

ngayon, instead of hopping from blog to blog para magcheck kung may mga bago kayong post, hindi ko na ngayon gagawin yun. the feed reader will read the RSS or Atom feeds of your blogs, at doon pa lang, malalaman ko na kung nag-update kayo, at doon din, mababasa ko na ang update nyo. pambawas oras din, para mas marami akong nagagawa sa isang araw. hehehe. paano nya maichecheck? syempre, hanap ako ng RSS or Atom feeds nyo. FYI, sa blogspot, ang default atom feeds nyo ay nasa http://blog_nyo.blogspot.com/atom.xml samantalang sa blogdrive, nasa http://blog_nyo.blogdrive.com/index.xml. so, ayan, add lang ako ng add ng feed ng mga blog na interesting na binabasa ko. tapos, isang refresh lang, malalaman ko na kung sino ang sinipag mag-update at sino ang tinamad.

aside from blog, pwede ka rin magsubscribe sa RSS feeds ng news website at kung ano ano pang website na may rss feed. ang inadd ko lang ay yung sa inq7 at sa cnet news. yun lang naman binabasa ko dito eh. yung abante at manila bulletin, wala pa atang RSS feeds, di ko makita eh, naunahan ko pa, itong blog ko, meron. hahaha! kung may feed reader din kayo, hayan, nasa sidebar ko ang RSS feed ko.

ano bang ipinagkaiba ng RSS feed sa Atom feed? tingnan nyo na lang sa wikipedia. andito sya.

yun lang!

No comments: