Wednesday, March 22, 2006

quatrophobia

kung sa pilipinas, malas daw ang number 13 kaya yung mga building ay walang 13th floor, mas malupit pala dito sa hongkong. para sa kanila, malas daw ang number 4. at hindi lang 4th floor ang wala sa building nila! doon sa tinitirahan ko ngayon, napansin ko, walang 4th, 14th, 24th and so on na floor! kahit yung number ng tower, wala ding tower 4! kaya walo yung tower, sa halip na from tower 1 to tower 8. hanggang tower 9 sya, kasi nga, walang tower 4.

it made me curious, what is wrong with number 4? bakit malas sa kanila? tinatamad pa akong magresearch eh, kaya wala pa akong maibigay na link dito. ang sabi ng isa kong officemate, kapag binasa daw kasi ang number 4 sa chinese, katunog raw ng death sa wikang chinese. ewan ko kung yun nga, pero parang ang babaw naman. katunog lang ng kamatayan, malas na? well, anyway, kanya kanyang paniniwala yan. tanong ko lang, yun ba ang dahilan kaya namatay si yellow 4 sa bioman? hehehe. eh yung fantastic four, pinanood kaya dito? a ewan.

update!!! nagresearch na ako ng konti sa wikipedia... hindi pala quatrophobia ang tawag, tetraphobia pala, at ito ang kwento sa likod ng phobia. tama nga sila, napansin ko rin yun dito sa building namin, walang 13 and 14th floor.

4 comments:

lojika said...

kaloka ang eksena nila tito aga!

Empress Kaiserin said...

sa chinese and japanese malas ang 4 kasi sa character ng letter 4, it means DEATH. kaya they avoid the number. kami din iwas kami tumira sa 4th floor... malas din ang combi na 4 and 2, death din ang meaning.

pb said...

wah! kakaiba toh. ok lang sana kung 4 lang eh pero sabi mo pati 14, 24 eh kasali? nakakatawa. buti nalang di ako japanese.

JO said...

4 in chinese means death... kaya ayaw ng mga chinese yan.