kwento mode muna ako. walang magawa eh.
noong nasa college pa ako, isa ako sa mga panglaban ng aming paaralan kapag merong mga quiz show. hindi naman ako umuuwing kulelat, may mga pinanalunan din naman ako. magaling kasi akong manghula, hehehe.
1st year, second sem sa college of engineering sa BSU, batangas state university, na noon ay kilala pa sa tawag na PBMIT (Paaralang Bulok ng Mga Istudyanteng Tutut, hehehe), nope, actually, it's Pablo Borbon Memorial Institute of Technology, nang una akong mapasabak. nagkaklase kami noon sa chemistry lab, nagpapasabog ng kung ano anong chemicals nang biglang may pumasok na bading na professor at hinahanap ako. akala ko, kung ano, tapos, sabi nya sa akin, may regional statistics quiz daw, kasali daw ang paaralan namin at ako ay isa sa mga napili para makigulo.
ang matindi nito, statistics quiz yun, regional pa, sponsored ng NSO, e yung statistics na subject ay sa 3rd year pa ng engineering itinuturo at natutunan ko lang ng konti nung hayskul ako. sa madaling salita, engot ako sa subject na yun, mean, median, mode lang ata ang alam ko. hehehe. nagschedule sila ng review, saturday daw. one week lang ang preparation namin.
tatlo kaming representative ng paaralan namin. nagkita-kita kami nung sabado at nireview kami nung professor namin. wala lang, binigyan kami ng makakapal na statistics book, tapos, binigyan kami ng mga kopya ng exam niya sa statistics, tapos, yun, kanya-kanya nang aral. ang ginawa ko, pinag-aralan ko lang yung basics, tapos, nagbasa na lang nang nagbasa ng mga problem solving questions and answer. syempre, inalam ko rin kung paano nakukuha yung sagot. pero most of the time, tinatandaan ko na lang yung question and final answer.
dumating yung schedule ng quiz show, it was held in Manuel Enverga University sa Lucena. ang daming kasali, more than 100 kami. pagdating doon, akala ko, magkakakampi kami, hindi pala. kaming tatlo, magkakalaban din. magkakahiwalay pa kami sa upuan. pag-upo ko sa pwesto ko, tinanong ako nung katabi ko. anong course nyo? sabi ko, engineering. ikaw? sagot nya, bs statistics. sabi ko na lang sa sarili ko, patay na, mga hustler pala kalaban namin, hehehe.
unang sabak, elimination round. written exam lang, 25 items na multiple choice. madali lang yung exam, pipili ka lang. ang natatandaan ko noon, kapag hindi ko alam ang sagot, letter A lagi isinusulat ko. bahala na, hehehe. well, sa kabutihang palad, sinwerte, hindi ako naeliminate. yung kasama kong isa, nalaglag kaagad.
out of 100+, 30 na lang kaming itinira nila. pagkatapos nun, yun, hindi na written. may quiz master na. magtatanong si quiz master, at isusulat namin ang sagot sa papel, ipapass, tapos, babanggitin ni quiz master ang tamang sagot, tapos, babasahin yung mga sagot namin, tuloy itatara sa scoreboard. ang maganda dun, multiple choice pa rin, and i did the same thing, kapag di alam ang sagot, letter A ang sagot ko. hehehe. out of 30, 15 lang yung kinuha nila sa final round. well, kumain yata ako ng maraming promil noon at sa final round ay nakasama pa rin ako. hehehe.
final round, may kahirapan na ang mga tanong. puro problem solving, pero may pagpipilian pa rin. sa final round, tatlong taga UPLB ang kalaban ko na bs statistics ang course, may mga kasali pang ibang school, pero di ko na matandaan. sila lang yung nakita kong matinding kalaban eh, ang dami pang reklamo. talagang ipinaglalaban pa nila ang sagot nila kapag sa tingin nila ay mali yung sagot na sinabi ni quiz master. ako, tahimik lang, kung mali ang sagot, e di mali, kung tama, e di salamat.
nung last question na, apat kaming naghahabulan sa 2nd place at yung isang taga UPLB, kahit hindi na sumagot, 1st na sya. di ko na matandaan yung last question, ang natatandaan ko lang, nung basahin na ang tanong, alam kong nabasa ko na yun, at alam ko na rin ang sagot kahit hindi na ako magcompute. swerte eh. after that final question, ako lang yung nakatama, yung tatlong kahabulan ko, nagkamali. hehehe. kaya hayun, nanalo ako, second place.
ewan ko, natatawa na lang ako. pag-uwi ng batangas, proud na proud sila sa akin dahil nakasecond place ako ganung sa isip ko, ang galing kong manghula ng sagot at ang swerte ko pa. hehehe. sinong mag-aakala na yung mga kalaban kong bs statistics ay natalo ko pa ay statistics quiz nga yun. hehehe. cash prize ang napanalunan ko at isang trophy. yung cash, ibinili ko ng pantalon, yung trophy, kinuha ng school. siguro, nakadisplay pa yun hanggang ngayon doon sa office ng college of arts and sciences, inaamag na. hehehe.
hindi yan ang huli kong sabak. madami pa. pero saka ko na lang ikwento kapag nasa mood na ulit akong magrewind ng kukote ko.
yun lang!
1 comment:
elo kuya. kahit previous entry na to, i can't help but pive a comment!
galeng! galing! kahit ano pa speling, isa lang meaning nun. matalino ka talaga. may talent.
atually yung school nyo lagi me nag pupunta jan nung bata pa ako. sa tagaytay kasi kami nakatira at yung pinsan ko ay dun nag-aaral.
kuya, link kita ha!! hehe.
Post a Comment