Friday, March 31, 2006

abogasya

kagabi, napanood ka sa balita sa tv ang reaction ng mga pumasa sa bar exam. grabe, ang saya nila! parang gusto ko tuloy mag-abogado. hehehe. natuwa kami hindi sa pamangkin ni de venecia na topnotcher kundi doon sa isang nakapasa na sumigaw sa tv ng "Inay! Pasado ako! Katayin na ang baka! Yahoo!!!" As in, nakakatuwa sya na nagsisigaw doon sa harap ng camera. hehehe! Imagine nga naman kung anong hirap ang dinaanan nila bago nakapasa.

Speaking of abogasya, minsan ding dumaan sa buhay ko na mamili ng kurso sa college, at isa yan sa mga ikinonsider ko. pilit akong hinihimok dati ni ka cris (na ngayon ay attorney cris na) na yun daw ang kunin ko. tutal naman daw ay wala nang thrill sa akin kung engineering ang kukunin ko, puro daw kasi math, chicken lang sa akin. hehehe. kaso, di ko talaga sya feel. kasi naman, sa lahat ng ayaw ko ay yung magmemorize. Eh sa nakita ko sa kanya, yung Constitution ay memorize nya, as in, verbatim, sabihin mo lang kung anong article at irerecite nya yung sinasabi, tapos saka nya ipapaliwanag. hehehe. hindi ko kaya yun. hindi ko linya yun. mas matanda sya sa akin, 5 or 6 years older than me. actually, sabay kaming grumaduate nung 2001, sya sa abogasya nga, ako as inhenyero de talapindutan. Pumasa sya sa bar exam, syempre. Nagpatay din nga sila ng baka eh. hehehe. Matagal ko na syang hindi nakakausap, ang huli kong balita ay andun na sya sa Bureau of Immigration nagtatrabaho. Kung nag-abogado sana ako, di ba, 10 years yun? so, graduating pa lang dapat ako ngayon kung wala akong mga sabit na subjects, at next year or 2 years from now pa lang nyo akong makikita sa tv na sumisigaw din ng "Inay! Pasado ako! Katayin nyo na ang baka ng kapitbahay!"

yun lang!