dito pala sa hongkong ay walang central bank. unlike sa pilipinas na ang bangko sentral ng pilipinas lang ang gumagawa ng pera, dito, hindi. may sari-sariling version ng pera ang mga bangko. magkakasize naman sila per denomination, pero syempre, magkakaiba yung design. may sariling design ang bawat bangko. nagtaka nga ako dati, parehong HK$20, magkaiba ng itsura. akala ko dati, lumang design yung isa, pero nakakapagtaka naman na pareho pang malutong yung pera. yun pala, sa HSBC, yung isa, sa Bank of China Limited naman yung isa. they have the same value, pero yun nga, magkaiba ng design. kahit yung coins nila, magkakaiba ng design. same sizes ang shape, pero yung nakaukit na design, magkaiba.
another thing, usong uso dito yung tinatawag nilang octopus card. wala pa nito sa pilipinas. para syang debit card, pero kakaiba. you will treat the card as your money na rin. kasi, wala ka namang pipirmahan kapag ginagamit. halos lahat ng tindahan, tumatanggap nung octopus card. restaurant, shopping center, kahit sa bus at vending machines, pwede syang gamitin. pero hindi mo ibibigay yung card. may scanner lang sila, tapos, itatapat lang yung card, you don't even have to insert it, kahit nga nasa loob lang ng wallet mo, itapat mo lang dun scanner, then, babawasan ng value yung card mo depende kung magkano ang dapat bayaran. reloadable yung card sa mga atm machine. may mga reloading station din sila. less hassle nga naman, kasi, hindi mo na kailangang maghawak ng cash. kahit yun lang ang dala mo, you can go anywhere and buy anything, as long as may load yung card. at ang bilis ng transaction, split seconds lang, 0.3 seconds to be exact. inorasan ko eh. joke. yun ang sabi sa wikipedia.
ang nakita ko lang na disadvantage, walang gaanong security yung card. kapag nawala yung card mo at may nakapulot, ang daling gamitin. kasi nga, walang validation kapag ginagamit, walang pin code, no signature needed. itinatapat nga lang dun sa scanner. so, you have to treat it talaga like your money, na kapag nawala, kung sino mang makapulot, swerte mo kapag isinoli, malas mo kapag ginamit nya. nasa iyo na rin yun. nasa pag-iingat mo na rin.
wala pa ako nitong card na ito. but im planning to get one pag balik ko dito. malay ko ba naman kung para saan yun dati. hehehe. halos lahat ng officemates ko, meron na nyan, ako na lang ata ang wala. sigurista ako eh, pinabibili na nila ako nung nasa airport kami, hindi ako kumuha. isip ko, pag-aralan ko muna, kung talaga bang kailangan ko sya. di naman kasi ako yung taong gaya lang ng gaya sa iba, pinag-aaralan ko muna. so heto, pagbalik ko dito sa hongkong, i'm going to get my octopus card. for more info, see the related link below.
sa tingin nyo, pumatok din kaya itong card na ito sa pinas? tara, gawa tayo ng ganitong system, hehehe. pusit card itawag natin! hehehe! wala lang, naisip ko lang.
yun lang!
related link:
Octopus card by wikipedia
2 comments:
ok yang octopus card ah.. kso nga lang d yan advisable sa pinas sa dami ng mamggagancho hehe.. nkakatakot pg nanakaw ubos na pera mo hehe
gusto ko tuloy pumunta ulet ng HK. magshopping sa Mongkok at kumain ng masarap na masarap na yang chow fried rice.
Post a Comment