Wednesday, March 22, 2006

kwento mode

bumaba ang ulap at lumukob sa mga building dito. zero visibility. pero di naman ganun kalamig. pero maulap talaga, hindi ko na matanaw ang mga bundok dito. yung building namin, parang nasusunog sa malayo, natabunan na ng ulap. or sabihin na nating fog sa tamang konsepto ng pananalita. hehehe. yeah, it's a foggy day here.

sa mga nakaraang araw, madalas naming pag-usapan ang dalawang pana dito na malapit lang ang pwesto sa aming kinalalagyan. wala lang, kakaiba lang talaga ang amoy nila. kahit nagkaroon na ako ng mahaba-habang training sa pag-amoy sa kanila nung nasa kuwait ako, nakakahilo pa rin sila. hehehe.

yung mga tao dito, may kanya kanyang alias na. pero kami-kami lang mga filipino ang nagkakaintindihan. yung isa, si harry potter ang tawag nila. kamukha kasi ni harry potter. yung isa daw, kamukha ni kuhol. natatawa na lang ako kapag nakikita ko sya at naaalala ko ang sinabi ni b*l**, na kamukha nga daw ni kuhol. meron pa dito, mongoloid daw. ang taas daw kasi ng bewang kung magpantalon, at medyo mukhang mongoloid nga. yung isa namang janitress dito, duday ang tawag nila. ewan ko, di ko naman kilala si duday eh.

sila kaya? do you think, they are labeling us too? siguro. hehehe

No comments: