Tuesday, March 14, 2006

kwentong hongkong ulit

it's my second day of work in hongkong. kahapon, we had lunch at steak house. syempre, kasabay ko yung mga officemates ko sa pinas na andito na rin, labing-isa kami lahat lahat. ayos naman, masarap yung pagkain, nakakabusog. may kabigatan lang sa bulsa, Hk$30 ang presyo eh, kaya kailangan ko talagang mabusog.

we had our dinner at maxim. chinese restaurant ata yun. yun kasing inorder namin, may kasamang chopstick. ang problema, hindi nakakaintindi ng english yung nagseserve. humingi yung kasama ko ng spoon and fork, ang ibinigay ba naman ay spoon and bowl. hehehe. kaya nung ako na, di na lang ako humingi. chopstick na lang ang ginamit ko sa pagkain. tutal, praktisado naman ako sa tokyo tokyo. yung mga katuwaan namin na pagkain sa tokyo tokyo using the chopstick e magagamit ko pala dito. hehehe. ito pa natuklasan ko, pag-upo ko kasi, yung pagkain, inalis ko sa serving tray, as i usually do kapag kumakain sa jolibee or mcdo. sabi sa akin ng kasama ko, hayan ang katunayan na bago ka lang dito sa Hongkong. kasi, hindi pala inaalis yung serving tray, dun sila mismo sa ibabaw ng tray kumakain. syempre, lingon-lingon ako at napansin ko nga na lahat sila, nakapatong yung pagkain dun sa tray habang kumakain. weird, pero nakisama na rin ako, ibinalik ko yung tray. hehehe.

after the dinner, nagpunta muna doon sa parknshop at bumili lang ako ng tubig at sabong panlaba. tapos, diretso na ako nauwi. malamig pa rin ang panahon. syempre, nakasanayan ko ang temperatura sa pinas eh, kaya medyo naninibago ako dito.

pagdating ko sa bahay, andun na yung mga kasama ko sa bahay. ok, sabihin ko na ang pangalan nila, si finong at si ana. nadatnan ko na nag-iinternet si finong, at si ana, nasa kwarto lang nya. diretso ako sa kwarto ko at nagbihis. tapos, lumabas ako at inilagay doon sa ref ang binili kong tubig. tapos, balik sa kwarto. i was kinda awkward pang lumabas ng kwarto, kasi, syempre, nahihiya pa ako doon sa dalawa. pero boring sa kwarto ko, so lumabas ako ng sala. sabi sa akin ni finong, gusto mong manood ng tv? feel at home. syempre, hiya pa ng konti, pero kinapalan ko na rin ang mukha ko. kinuha ko yung remote, hehehe. anyway, lahat naman kami, kumpanya ang nagpapatira doon, so we have equal rights sa mga appliances nung unit, except doon sa mga items na sila yung bumili, di ba? so, upo ako sa sofa, at nanood ng tv, habang si finong ay busy sa kanyang pakikipagchat. then, after a few minutes, lumabas si ana sa kwarto nya at nakipanood na rin ng tv.

then, it was bonding time. syempre, kailangan kong makisama sa kanila. para akong nasa pbb house eh. hehehe. mababato ako kung hindi ko sila kakausapin, di ba? syempre, kwentuhan. actually, para akong nasa the buzz, or star talk, kanya kanya silang tanong, at ako naman ay sagot ng sagot. mga tanong sa akin ni ana, ilang taon na daw ako, first time ko ba raw sa pag-aabroad, kung binata pa raw ba ako, kung may girlfriend na daw ba ako, etc.. etc. naisip ko nga, bakit? interesado ka ba sa akin? hehehe. well, later i found out naman na she's married na. so, curious lang sya talaga. or talagang type lang talaga nya ako. hehehe.

natawa naman ako sa remarks ni finong sa akin. kamukha ko raw yung mga kapatid at pinsan nya. hahaha! kaya daw medyo natuwa sya nung dumating ako, akala nya, kamag-anak nya. ows, siguro type nya ako. hahaha! well, sa totoo lang, bading sya talaga, kaya nga awkward akong makipag-usap. not that i'm against them, hindi lang talaga ako komportable makipag-usap sa kanila. kasi naman, baka ang habol lang nila sa akin ay ang aking pagkalalake. hahaha! anyway, mabait naman sya.

then, tuloy ang kwentuhan. iba't ibang topic, pati religion, napag-usapan. syempre, nacurious sila dahil INC ako. ganun naman talaga, sanay na ako. well, i just answer them, pero di ako nakikipagtalo. ang dami kasi nilang tanong. kung totoo ba raw na ganun, na ganyan, etc, etc. naligaw din ang topic sa pangalan ko, sanay na rin ako dyan. for 26 years, i've been explaining to the whole world kung ano ang tamang spelling ng pangalan ko, tamang pronunciation ng pangalan ko at kung saang lupalop ng mundo ito hinugot. hehehe. habang nagkekwentuhan nga pala, we are watching CSI, na hindi ko rin naman naintindihan.

siguro, nung magkaubusan na ng mapapag-usapan, nood na lang kami ng tv. and then later, nung inaantok na si finong, nag-log-off na sya, tapos, sabi nya sa akin, gusto mong mag-internet? hehehe. ako pa! e kanina pa akong naglalaway, hahahaha! nakaDSL connection naman sya sa bahay, so ok lang na gamitin ko. sabi nya lang, ishutdown mo na lang kapag tapos ka na at matutulog na ako. hehehe. hayun, so, nagcheck lang naman ako ng email at konting blog hop, nagpost ng konti sa blog, tapos, natulog na rin. i always lock my room kapag natutulog ako.

while sleeping, i had this bad dream. nagkaroon ng malakas na lindol, nasa loob ako ng bahay namin sa batangas. tapos, sa lakas ng lindol, i can see clearly kung paano nabitak yung dingding ng bahay namin, nagmamadali kaming lumabas ng bahay at saktong paglabas namin, gumuho yung bahay namin. tapos, nagising na ako. weird. ano kayang ibig sabihin nun?

yun lang!

4 comments:

Anonymous said...

feeling ko ang tagal ko na hindi bumisita dito sa blog mo. o talagang matagal na kasi ang daming happenings. nasa HK ka na pala? eh di nakita mo na disneyland dyan? congratulations pala.

Anonymous said...

ui, nsa hongkong ka pala... sarap naman! punta ka nga sa clock tower pre, pakitingnan kung anong oras na!!!

lojika said...

sobrang kwento mode ang lolo moH!

heheh..haba nito ah..

Yen Prieto said...

ilang araw lang ako hndi nakabisita d2 ang dami ko na palang namiss.. nasa HK ka na nga!!! disneyland na...weeeeee...pics naman jan..