Thursday, March 02, 2006

kudeta

absent ako nung monday, feb 27. nagkudeta kasi ang mga alaga kong bulate sa tyan. tsk tsk. grabe, sumakit talaga ng husto ang tyan ko. matitinding pasabog siguro ang ginamit nila, wasak ang mga bomba. at hindi lang isang beses yung kanilang pag-atake. tatlong beses sa iba't ibang oras, lumusob sila. talagang sa lakas ng labanan sa loob ng tyan ko, naririnig ko pa ang mga pagsabog. kumukulo kasi.. hehehe. dahil nga sa ganoong sitwasyon, nagpasya akong magpadala ng negotiating team para matigil na ang kaguluhan. pinaentrada ko si diatabs, dalawa sila. hehehe! uminom pa ako ng pinakuluang dahon ng bayabas na hindi ko maintindihan ang lasa. hayun, sila ang nagnegotiate sa mga bulate ko para matigil na ang kudeta. after ilang oras ng pakikipag-usap, nagkaroon din ng cease fire at umiral na muli ang kapayapaan. ang lufet! matapos ang ilang oras na paglalabanan, naayos din ang lahat, at ako ay nakahinga ng maluwag. yun nga lang, absent ako, leave without pay. perwisyo talaga sa buhay yang kudeta. buti na lang at nadaan sa mabuting usapan ang mga bulate ko at hindi ko na kailangan pang magdeclare ng proclamation 1017 or stomach of national emergency, hehehe!

yun lang!

1 comment:

Anonymous said...

Hahaha, akala ko naman kung anong emergency yan! Nagkudeta pala ang mga bulate mo sa tiyan! hahaha