Monday, March 20, 2006

si-ar

yesterday, lumipat ako ng flat. nag-uwian na kasi sa pinas yung iba kaya may nabakanteng flat. not that i don't like my housemates, ibang company kasi sila. napasabit lang ako sa kanila kasi, puno na yung accomodation na allocated para sa company namin. kaya kahapon, lumipat na ako doon sa isa pang flat, from tower 9, unit 43h, nasa tower 5, 39c na ako. kasama ko ngayon sa flat ay syempre, officemates ko na, we are under the same company. dalawa lang kami ngayon sa flat, tigisa syempre kami ng room. babae sya. sya si ate chello.

medyo nakakapanibago lang doon sa bago kong flat. naglinis ako ng lababo kagabi. dalawa kasi yung toilet, yung isa, sa master's bed room kung saan yun ang ginagamit ni ate chello. yung isa, yun ang ginagamit nung dating nakatira. well, ewan ko kung paano sya nakatagal dun sa cr na yun. ang dumi eh, hindi ko matake. siguro, nakasanayan na nya, or wala syang time maglinis. kaya hayun, since ako yung gagamit nun, nilinis ko na kagabi. eh kasi naman, hindi ako makapagteethbrush (teethbrush kasi, marami pa akong ipin! hahaha!), makita ko lang yung lababo eh nandidiri na ako. kaya hayun, nagdyanitor mode muna ako kagabi. e di ngayon, maputi na yung lababo. mamaya, lilinisin ko naman yung bath tub, pati yung bowl. dirty white na ang kulay eh. wala namang amoy, yun nga lang, dirty sya. hihingi na lang ako ng piso sa makikigamit. hahaha! sa manila nga, kapag madumi ang cr, lumilipat kami ng boarding house, hehehe. magdumi na ang lahat sa bahay, wag lang yung cr.

hayan, alas sais na. uuwi na ako. bukas na ulit ako magkwento! paalam!

4 comments:

yen said...

kadiri tlga pg madumi ung cr.. buti nga d p mabaho kc kng may amoy pa pra ka ng nasa public toilet diba hehe..

gs2 ko lang sabihin, lagi n lng ako nagu2lat sa WOWOWEEEEE haha

vemsan said...

ganun talaga, CR ang unang lilinisin pag nag lipat bahay.

speaking of maduming CR, ewan ko lang kung di ka masuka everytime na pumasok ka sa CR namin dito sa kirkland. me mga pagka baboy din kasi ang mga kasambahay ko eh lalo na yung mga mehikano! ang mahirap pa, ako lang ang me lakas ng loob na linisin yung banyo..... feeling banyo queen. grrrrrr.

lojika said...

heheh..kwento mode ah..janitor ka pla ngaun. aus yan pan tanggal umay..

tanggal inip... di ba?

Saint Eroica said...

ang personality ng tao ay nakikita daw sa linis o dumi ng kanyang cr... malinis ka palang tao dong!!! ;)