Friday, March 10, 2006

the tot

ilang minuto na lang at uwian na ulit, pauwi na ulit ako sa batangas. meron na akong ticket, round trip ticket na, sa march 12, 2:55PM ang flight ko, PAL ang sasakyan ko. sa march 26 ang balik ko. saktong 2 weeks nga, unless, iextend nila ang stay ko dun. bahala na.

ilang buwan na rin na laman ng balita si captain faeldon at ang magdalo. ano nga ba ang ipinaglalaban nila? i'm the type of person who always wants to see both sides of the story. sabi nga ng eraserheads sa kanilang fruitcake na awitin.. there are b-sides to every story. kaya natuklasan ko ang website nila. click here kung gusto nyo lang naman. ang masasabi ko, kakaiba rin silang mag-isip. well, kanya kanya naman talagang paniniwala yan. mapapatalsik ba si GMA? i don't think so. nakasulat na yan sa ginawang hula ng isang bulaang propeta noon bago pa man mag-eleksyon na sinulat nya dito. hehehe! natawa lang ako, tumama kasi ang hula ko sa mananalo. medyo mali lang ang hula ko kay noli.

happy weekend na lang po sa inyong lahat! this will be my last post for today. kung kailan ito masusundan, hindi ko pa alam dahil hindi ko alam ang sitwasyon doon sa hongkong. anyways, pagbalik ko, balik blogging ulit ako.

sa mga textmates ko, keep on texting, nakaroaming ako!

yun lang! paalam!

text message: it is not the words that matter when you send a message, not the quotes, not the smileys, not the jokes. it's the tot that counts. u know the tot? the tot tot sound ba. tot-tot. ganun! =)

2 comments:

Anonymous said...

new link!link exchange tau ha!rare invitee ka,kasi cute at intelligent ang blog mo!no kidding!

Yen Prieto said...

ingat sa iyong paglalakbay kuya.. aabangan nmin ang iyong pagbabalik.. weeeee...