sa mga gumagamit ng chikka, alam nyo na siguro na limited lang yung bilang ng text messages na pwede mong isend sa isang number kung hindi sya nagrereply, di ba? kailangan pa syang magreply sa iyo para pwede ka na ulit magtext. pero alam nyo ba na pwede pa rin kayong magtext sa kanya kahit hindi na sya magreply sa chikka mo? paano? simple lang. kapag hindi ka na makasend sa kanya, idelete mo sya sa listahan mo, delete buddy yung command. pagkatapos, i-add mo na lang ulit, tapos, hayun, pwede ka na ulit magtext. ang galing ng system nila, di ba? hehehehe. sa taga-chikkang makakabasa nito, i'm not a hacker, talaga lang ang galing ng system nyo, may butas. hahahaha! note, natutunan ko ito from a friend.
isa pa, maglaro naman tayo ng solitaire. oo, yang solitaire dyan sa windows. kung hindi mo alam, click Start, then Run. itype mo sol, press enter. pagkaopen ng solitaire, hayan, laro-laro ka muna. pilitin mong matapos, pero kung hindi mo matapos and you are in a point of no return, na akala mo ay hindi na mabubuo, pindutin nyo lang sa keyboard ang Alt+Shift+2. tapos, hayun, abangan mo na lang ang mangyayari. salamat din sa tip ng isa kong friend sa microsoft. hehehe.
yun lang!
No comments:
Post a Comment