Dalawang araw akong hindi nagblog, syempre, weekend, time to explore hongkong. at ngayon, kwentuhan time. ok, so, what happened?
good news and bad news. good news muna. maaga kaming umuwi last friday night, sabi kasi nung officemate ko, gagala kami, ipapasyal. bad news, we went to Wan Chai... kung anong meron dun, itanong nyo na lang sa mga kilala nyo dito sa hongkong.
last saturday, walang masyadong happening. kahit walang pasok, di ako nakapaggala. yung mga officemate ko kasi ay umexit sa shenzen, ako lang natira. so, kain, tulog, nood tv lang ako.
kahapon, nagpunta kami sa causeway bay. para syang glorietta ng makati. ang daming tao, ang daming paninda. nagpunta kami doon sa bonjour, tindahan ng perfume. mura daw kasi ang perfume dito. well, mura nga. bumili ako ng CK One, 200 mL. one of my favorite perfumes, kasi, sa lahat ata ng pabango, dun lang ako hindi nahihilo. i checked Ebay.ph, and someone bought it for Php2100. that price is far more expensive than what i got. mura nga!
now, bad news ulit. tumawag ang kuya ko. may nangyari daw sa kotse ko. dinala kasi ng kapatid kong bunso sa lipa dahil may okasyon daw dun. syempre, ipinark. pagbalik nila, hayun, puro gasgas ang buong katawan. palibot daw eh. ang nangyari, may isang pasaway na bata raw ang napagkamalang blackboard yung kotse ko at chalk yung bato. hayun, pinaglaruan, nilagyan ng design. nahuli naman ang salarin. at ngayon, may negosasyon na sa baranggay kung ano ang gagawin.
syempre, kausap ngayon nila yung magulang ng bata. matindi raw talaga yung gasgas eh. as in, sa palibot. kailangan daw, irepaint. nakipag-usap na daw sila sa toyota, ipinaestimate kung magkano ang magagastos, around Php50K daw. ngayon, mag-uusap daw ulit sa baranggay, kung sasagutin ba nila yung gastos lahat or what. tsk tsk. syempre, dapat, sagutin nila lahat. kasalanan ko bang hindi ko nalagyan ng warning yung kotse na bawal gasgasan? kaya para sa inyong may mga anak na makukulit at pasaway, teach them na yung ginagawa nilang vandalism sa bahay ninyo ay hindi pwedeng gawin sa kahit saan na lang. this might cost you Php50K. hehehe.
as for me, kailangan ko ba talagang iparepaint yun at pagastusin yung parents nung bata ng ganun kalaking halaga? napakawalang puso ko na ba kung gagawin ko yun? nakakasama naman kasi ng loob na yung kotse mong pinakaiingat-ingatan at kalahati ng sweldo mo ay nagugugol para dun ay gaganunin na lang nila. alangan namang pabayaan ko na lang na puno ng gasgas yung kotse ko? bata naman eh, di naman nya alam na mali yung ginawa nya. nung bata ako, di ko ginawa yun. kahit naman papaano, naturuan ako ng parents ko ng tamang asal. kulang sa turo yung bata. well, that's one way to teach his parents a lesson. para hindi na maulit ito.
yun lang!
2 comments:
kelan ba naging bad trip ang pagpunta sa wan chai? he he he.. kunwari ka pa wahahaha.
pre wag mo sa kasa ipa repaint grabe talaga kamahal ang kasa.
Post a Comment