Friday, March 10, 2006

facial wash para sa mga mukhang paa

good morning sa lahat ng umaga sa kanila. andito na ulit ako sa opisina namin. gumising nang 4:00AM, umalis ng 5:00AM, at dumating sa boarding house ng 7:00AM. umidlip ng isang oras, tapos, pumasok ng 8:00AM, dumating dito sa opisina ng 8:31AM. late ako ng isang minuto! first time kong malate dito. ok lang, last day ko na naman dito at sa sunday nga ay punta na ako sa hongkong. mamayang gabi ay uuwi na ulit ako sa batangas.

kahapon, nagpunta ako sa sm batangas. nagpabili sa akin si inay ng foot softener, sabi kasi ng doktor nya. tumigas kasi yung talampakan nya matapos yung operasyon. so, punta ako sa watson dun sa sm. malay ko ba kung anong itsura noong foot softener na yun. pagpasok ko, gala muna sa loob, gala-gala, hanap ng magandang sales lady. hehehe. then, nung makakita ako nung pwede na, sya yung tinanong ko. miss, asan ang mga foot softener nyo? dinala nya ako doon sa may mga nakadisplay na foot lotion. alin kaya dito? tapos nakita ko yung isa, nakalagay, softening foot lotion. bare foot yung brand name nya, at korteng paa yung lalagyan. so, yun na yung kinuha ko at binili. Php 187.50. mahal ba yun o mura? yung master eskinol nga, 57 lang, pangmukha na yun, e ito, pang-paa lang, 187? anyway, binili ko rin dahil kailangan.

pagdating sa bahay, bago ko binigay kay mother, binasa-basa ko lang muna yung mga nakasulat doon sa likod, directions for use, ingredients, etc. well, natawa lang ako dun sa nakasulat na caution. nakasulat kasi, caution: do not use on face. hehehe! kailangan pa ba talaga nilang isulat yun? siguro, may mga gumamit na nun sa kanilang mukha, napagkamalang paa yung kanilang mukha. hehehe! ang sama naman nila, mukhang paa. hahaha! kasi, bakit pa naman nila kailangang isulat yun? obvious naman na pang-paa yun, unless may mga incident nga na may nagreklamo sa kanila dahil nagamit nya sa mukha nya. hehehe! ewan, naisip ko lang, maganda rin yang pangregalo sa kaaway mong mukhang paa. hahaha! ilagay mo sa dedication, facial wash for you. hahaha!

tama na, agang-aga pa, tinotopak na ako. well, sabi ni mother, effective naman daw yung foot softener.

yun lang!

4 comments:

jho said...

haha! adik ka talaga! pero maganda yang foot lotion na yan. ang usually effective na beauty products eh yung ang price is in between. not too cheap, not too expensive. may beauty advice daw ba ako. off-topic na yun! haha!

Anonymous said...

kahit anong lotion effective as long as pinapahid mo right after maligo habang open pa yung skin pores mo... ;)

Anonymous said...

ay meron ako nyan! actually what i have is a foot scrub, ginagamit kong panghilod sa paa, para hindi kumapal pa lalo ang kalyo ko! yung lotion mas magandang gamitin after paligo sa gabi, magpahid ng lotion sa paa, tapos magmedyas...the best yun!

Anonymous said...

natawa naman ako sa entry mong ito *hehehe* nakakaaliw ka talagang sumulat. ingatz