Friday, March 17, 2006

kuwentong hongkong na naman

kahapon, kumain kami sa isang chinese restaurant. hindi ko alam ang pangalan nya, kasi, written in chinese characters, walang english translation. ang tawag ng mga kasama ko, swing restaurant daw yun. kasi, sa loob, may mga swing, nakabitin yung upuan. well, as usual, after umorder nung kasama ko, ang sagot ko na lang sa waiter, same order. hehehe. well, ok naman yung pagkain. parang minatamis na pork chop, na may kasamang gulay, repolyo ata yun. syempre, may ksama ring rice. tapos, yung drinks, lemon juice daw. pero nung tikman ko, ang pait. kailangan daw pigain yung lemon sa loob para maging maayos ang lasa. naging maayos naman nga, kahit papaano.

sa trabaho, ganun pa rin. ssdd. petiks mode.

nagdinner ako sa bahay nung mga officemate ko. niyaya ako eh, ikaw na ang yayain na kumain ng libre. hehehe. may mga de lata kasi sila doon, magluluto na lang daw sila. well, nagcontribute rin naman ako para hindi nakakahiya, ang dami ko pa namang kumain. habang nagluluto, nood muna kami ng tv. aba, at paglipat ko ng isang channel, nakita ko si kim sam soon! hehehe. oo, palabas din pala dito yung kim san soon. ang problema lang, translated sya in chinese, e di hindi rin namin naintindihan. hehehe. pero yung napanood namin, napanood ko na rin dyan. yung halikan ni cyrus at kim sam soon nung mga lasing sila. napansin ko lang, mas matagal at mas matindi ang halikang naganap dito. mukhang inedit ng gma 7 para makapasa sa mtrcb. pagkatapos kumain, nood lang ng tv, tapos umuwi na ako.

pagdating sa bahay. naglaba na ako ng mga tubal kong damit. yung mga puti muna. iniwan ko na lang sa washing machine, at kaninang umaga, tuyo na nga sya. bago ako pumasok sa office, isinalang ko naman yung mga de-color. mamaya, pag-uwi ko, ok na yun. bukas, wala naman akong pasok, so, mega-plantsa muna ako. sa sunday na lang ako maglilibot dito sa hk.

yun lang!

1 comment:

Anonymous said...

Try mo din kumain ng dim sum mga steam foods yun.I'm sure you'll love it.

JasAnn