Monday, March 13, 2006

kwentong hongkong

blogging thru e-mail ngayon ang drama ko. Since wala kaming connection sa outside world dito sa office sa hongkong except thru email, kaya heto, magboblog ako thru email. Disadvantage, I cannot read your comments kasi sa yahoo account ko nakadirect yung comments. Hindi ko rin mababasa yung mga tag nyo sa tagboard ko. Basta, post na lang ako ng post at pag-uwi ko 2 weeks from now, saka ko pa lang mababasa lahat yan.

Anyway, magkwento muna ako. My trip to Hongkong. Since 2:55PM yung flight, umalis kami ng batangas at 10:00AM. Inihatid ako ng kuya ko, kasama ang asawa nya at anak nya, at kasama din ang mother ko. Talaga nga naman, full support, parang dalawang taon akong mawawala, hehehe. Eh, 2 weeks lang naman. Ang kuya na ang nagdrive ng kotse ko. Nakarating kami ng NAIA terminal 2 at 12:00PM, diretso muna sa carpark para magtanghalian. First time namin sa terminal 2, sa tinagal tagal ko nang nag-aabroad, ngayon lang ako makakasakay ng PAL. Around 12:30PM, nagpasya na kaming magpunta sa departure area dahil nagtext na sa akin yung isa kong kasama na andun na raw siya.

Pagdating sa departure area, bumaba ng kotse at nagpaalam sa kanila. Unlike the usual settings na makikita mo kapag may nag-aabroad sa tv, sa amin, walang iyakan. Hahaha. Parang pupunta lang ako ng manila. Pagbaba ko, hila yung bagahe, isang kaway lang, babay na. tapos diretso na sa loob.

Medyo mahigpit ang security sa airport. Lahat na lang ng bakal sa katawan ay pinaalis. Buti na lang at di ako masyadong kumakain ng food rich in iron. Hehehe. After passing to the strict security measures, nagkita na kami nung kasama ko. Ang tanong nya sa akin, “Saan ka papasok?� nakapolo kasi ako, samantalang sya ay naka-T-shirt lang. hehehe. Tapos sabi nya sa akin, kapag nagcheck-in daw ako, sabihin ko, may nakareserve na akong upuan, row 66. hayun, ok naman yung check-in, 66F ako. Hinintay lang namin yung isa pa naming kasama, tapos diretso na kami. Bale apat kaming magkakasabay, tatlong lalake, isang babae.

Pagpasok ng eroplano, sa gitna pala kami nakapwesto. Yung apat na upuan sa gitna kami. 2 hours ang byahe. May meryendang pork with rice, cake na puro icing, pancit na bitin, at tinapay na may palamang butter. Orange juice ang kinuha kong drinks. After kumain, natulog ako. Nang magising ako, malapit na daw sa hongkong, fasten your seatbelt na ang sabi nila. Ok yung take-off nila, pero yung landing, nakakarimarim. Hindi smooth, parang akala ko nga ay nagcrash na yung eroplano. 20+ na beses na akong nakasakay ng eroplano, and for me, this is one of the worst landings ng eroplano. Kulang pa sila sa practice. Hehehe.

Pagbaba, ok lang, dirediretso lang kami. Punta sa immigration at patatak ng passport. Sabi sa akin nung nagtatak ng passport ko, “It’s your first time here in hongkong. Welcome!� tapos, diretso na kami pagkuha ng baggage. After waiting for around 10 minutes, nakuha na namin lahat ng bagahe namin. Dumaan ako sa money changer para magpapalit ng Hongkong dollar. Tapos diretso na kami sa labas. Walang sumundo sa amin. Kasi naman, mga batikan na itong mga kasama ko, alam na nila ang pagpunta doon sa tirahan.

Medyo mahaba-haba din yung nilakad namin habang hila-hila yung bagahe kong 20 kilos. Kakapagod, as in, hingal kabayo na ako pagdating sa dapat puntahan, sa bus stop. Oo, nagbus kami. Byaheng Sui Sai Wan. Ok yung bus nila, may second floor. Dito pala yung mga bus na nakikita ko sa tv na mukhang magkapatong na bus. Ok yung bus, malamig, aircon eh. May sadya silang lalagyan ng mga bagahe. Tapos, sabi sa akin nung mga kasama ko, matulog muna raw ako at isang oras at kalahati ang byahe! Medyo malayo nga, HK$45 ang pamasahe eh.

Sa byahe, hindi ako natulog, sight seeing muna, syempre, first time eh. Una kong napansin, right hand drive pala dito. Nasa kanan yung driver. At pati yung kalsada, baligtad, sa halip na keep right ka kapag may kasalubong, keep left ka dapat. As in yung highway, baligtad rin, nasa kaliwa kami. Basta ganun. Naisip ko tuloy, di pala ako pwedeng magdrive dito, at baka makabangga lang ako.

Ang haba talaga ng byahe. Dito ako nakakita ng mga building na nakatayo sa ibabaw ng bundok. Ang daming building, ang tataas. At ang daming tulay, masyado kasing maraming tubig. Feeling ko, we are hopping from island to island. Hindi ko nga mabilang kung ilang tulay yung dinaanan, mahahabang tulay. Nadaanan pa namin yung magandang tulay na nakita ko dati sa magazine ng isang eroplano dati. Yung korteng triangle yung side. Basta yun, hindi ako makapag-internet, sigurado, may picture yun sa internet.

Anyway, after 2 hours yatang byahe, nakarating din kami sa Hotel. Actually, hindi sya hotel, condominium sya. First class condo raw. Ang entrance nya, mall, Island Resort Mall. Island resort yung name nya, kasi, nasa tabi kami ng dagat. Tapos, sa itaas nung mall yung condominium. Diretso muna kami sa unit ng mga kasama ko dahil hindi ko pa alam kung saan ako tutuloy. Their unit is on Tower 8, 16th floor. Ok yung unit nila, kumpleto sa gamit, malinis. Then, sabi nila, they will contact our boss para malaman kung saan ako maninirahan.

To make the long story short, sa Tower 9, 43rd floor ako napaassign. May sarili akong room. Kasama ko sa unit, dalawang filipino rin, working on the same company, isang lalake, at isang babae. Ewan ko kung lalake nga yung isa, ang lambot kumilos eh. Anyway, pagdating ko doon, nag-ayos lang ako ng gamit, tapos natulog na. Di ko na muna sila kinausap, mukhang busy sila sa pag-iinternet eh. May laptop kasi sila. Sabi lang sa akin nung si lalake, 8:20 daw sya naliligo. So, sabi ko, gising na lang ako ng maaga. 9:00 kasi ang time dito sa office which is just a 5-minute walk away.

Natulog na nga ako around 10:00PM na yun. Ngayon, andito ako sa office, may sarili nang computer, petiks mode. =)

1 comment:

Anonymous said...

wow, two weeks sa hongkong? ang yaman talaga ni tito aga! *wink* maagang pamasko este.. pasalubong naman dyan! hehehe

enjoy!