Wednesday, March 22, 2006

paalam

this poem is dedicated to a special friend... be happy, ok?

Paalam
Kuquotes

nais kong lumayo
para wag nang manglumo
sa sakit na natamo
sa kabiguan ko sa 'yo

hiling ko ay wakas
sa sakit na dinaranas
wala na itong lunas
kailangan nang tumakas

ako ay aalis
at di na magbabalik
ako ay lilisan
at ikaw ay iiwan

di na tayo magkikita
di na tayo magkakasama
di na ako tatawag
di na tayo mag-uusap

paalam kaibigan
kaibigan ko, paalam
nawa'y iyong matagpuan
ang tunay na kaligayahan

1 comment:

lojika said...

waaaaaahhhhh.... pare maninindigan ka na? hmpppp............mukhang nawiwili kang tumula..talaga atang malakas akong humawa