Thursday, October 27, 2005

apology, confession, brownout at pizza

una sa lahat, ako ay humihingi ng paumanhin sa mga nakabasa, kinilabutan at natakot sa previous entry ko. sorry, i forgot to put a warning. anyways... wala naman sigurong inatake sa puso sa inyo. hehehe. pero totoo lahat yan. ok... magkwento na ako...

konting confession.... at kung sinong malinis ang kaluluwa at konsensya can throw the first stone at me, ok? ok. kagabi, nahuli ako ng traffic enforcer dito sa makati for violating traffic rules. aminado ako, kasalanan ko. alas nuebe ng gabi, may nanghuhuli pa! putek! ayoko ng abala, ang dami ko nang isipin, dadagdag pa yung violation na yun.. hayun, dahil nagmamadali ako at ayaw ko nang humaba pa ang usapan, at ayaw ko nga ng abala, naging bahagi ako ng isang bulok na sistema. putek! ang nagagawa talaga ng pera... tsk tsk tsk. binigyan ko lang ng isang daang piso, ibinalik na ang lisensya ko at pinasibat na ako! putek pa rin! tao lang talaga ako, nagkakamali. i hate it!!! ok... now... batuhin nyo na ako!

oopps.. ibang topic ulit. naalala nyo yung brownout two days ago? kami, apektado rin noon. something funny happened dito sa office, nagkatinginan na lang kami ng mga officemate ko at napatawa ng lihim... bakit kanyo? ito kasing aircon namin ay remote-controlled. nung magbrownout ba naman, hinanap ni big boss yung remote control at akmang itinutok doon sa aircon to turn it off daw! para nga naman pag nagkakuryente, patay muna yung aircon... hahahaha! e wala na ngang power yung aircon at brownout, how could you turn it off via remote control? a ewan... take note, seryoso sya nung gawin nya yun, hindi sya nagpapatawa. reaction namin? syempre nga, big boss sya eh, eh di nagkatinginan na lang, pag-alis nya, nagkatawanan na lang.

final words... ang sarap ng stuffed crust pizza sa pizza hut.

6 comments:

jinkee said...

Ayaw mong maabala at ayaw mo ring mang-bribe, di ba? Gayahin mo yung style ng younger sister ko. Kunyari first time nyang nahuli at sobrang ninenerbyos sya. Habang kinakausap sya ng traffic enforcer, medyo teary-eyed sya hangaang sa tumulo na ang luha nya (practisado yong umiyak, thanks to teleseryes). Eh di syempre matatakot si Mr. Parak/MMDA, baka isipin ng mga nagdadaan eh kung inaano na nya yung driver. Tapos non, palalayasin na sya ng walang padulas.

Kaya mo yon? Kung ikaw ang gagawa non, abay talagang matatakot ang huhuli sa yo. mabilis pa sa alas kwatro eh pasisibatin ka na. he he he

Anonymous said...

natawa naman ako dun sa boss mo. pero lahat naman tayo may katangahan minsan. inaamin ko yan. hahaha....

at least kahit na pumatol ka sa bulok na sistema, na-realize mo naman at guilty ka naman. guilty ka ba? hehehe... eh, yang mga pulis, araw-araw nila ginagawa yan. ibig sabihin, hindi na sila nakukunsensya. pero pasalamat ka na din kaysa naman ikulong ka. hehehe...

binx said...

aba, brownout nga, asan na ung light bulb, nakakandila ka lang ngayon ah. :)

kukote said...

jinkee... naku... di ko kaya yun.. hehehe.

evi... oo nga, minsan nga, dinaraanan tayo ng katangahan... hehehe. sana lang, pag dumating yung katangahan ko... konti lang makakita..hehehe

tin... nagtitipid lang sa kuryente, cost cutting.. hahaha

may... tama ka.. di kuryente nga ata utak ni boss... nyahahaha

Anonymous said...

Hahahaha!!! Natawa naman ako sa big boss nyo... Thanks for posting. :-) hehehehe

debbie said...

nkktawa naman yung boss nyo..mahirap pigilan ang tawa pag ganon...hehe