Wednesday, December 13, 2006

ituloy angsulong ng pagpapalitan ng kuro-kuro

this is one of the most controversial videos on youtube. at sumagot na rin si o'reilly. hayan, palitan ng kuro-kuro. kayo, sa tingin nyo, is this a case of child abuse?



8 Year Old Child


Video Reaction


ituloy angsulong sa pagpapalitan ng kuro-kuro!

ituloy angsulong ng dyip at elevator

magmasid tayo sa paligid. napansin nyo na rin ba na ang mga tao, kapag sumakay sa dyip at nakaupo na, automatic, nakataas na ang kamay at nakahawak doon sa hawakan ng dyip? almost 90% ng mga sumasakay sa dyip, ganyan. at napaisip ako, bakit kaya? mahuhulog ba tayo kung hindi tayo kakapit dun? hindi naman di ba? sabi nga nila, tradisyon na kasi, mahirap nang alisin. ehehehe. sinubukan ko kaninang huwag kumapit, ok naman. pero minsan, unknowingly, mapapansin ko na lang na nakakapit na naman ang kamay ko dun, parang may magnet. hehehe. subukan nyo.

napansin nyo na rin ba na kapag may sumasakay ng dyip, automatic, halos lahat ng nakaupo ay nag-aadjust ng kanilang pwesto. kahit hindi naman doon sa lugar nila uupo yung bagong sakay, kahit kita nang sa kabila naupo, automatic, umaadjust pa rin tayo. bakit? ewan.

ito naman, napansin ko sa probinsya na madalang ang pagdaan ng dyip, kagaya doon sa barangay namin na every 15 minutes kung may dumaan na dyip. ang napansin ko naman, yung mga tambay sa tambayan, yung mga nakaupong nagkekwentuhan sa harap ng tindahan at kung saan man. basta may dumaang dyip, pagmasdan mo ang kanilang mga mata. lahat, sa dyip nakatingin. hehehe. sabay sabay pa yan from left to right. hhmm, parang nakakita ng babaeng dumaan, eh dyip lang naman. a ewan.

gusto nyo bang maglagay ng advertisement sa loob ng elevator? minsan, may mga nakikita na rin akong mga elevator na may advertisement eh. usually, sa likod nakalagay. pero alam nyo bang hindi optimized yun? the best place to put an advertisement inside the elevator is below or above the floor number indicator. oo, dahil ang mga tao, pagsakay pa lang ng elevator, doon na nakatingin sa floor number. kung doon mo sa ibabaw nun or sa ilalim nun ilalagay yung ads mo, tiyak na mababasa. hehehe. napansin nyo ba? actually, nabasa ko ito kay redkinoko.

ituloy angsulong sa pagmamasid sa paligid! ituloy!

Tuesday, December 12, 2006

tuloy tuloy pa rin ang pasko!!! ituloy angsulong hanggang Pasko !!!

Tuloy na tuloy pa rin ang pasko
by orange and lemons

O bakit kaya tuwing pasko ay
Dumarating na
Ang bawa?t isa?y para bang
Namomroblema
Hindi mo alam ang regalong ibibigay
Ngayong kay hirap na nitong ating buhay

Meron pa kayang caroling at noche buena
Kung tayo naman ay kapos at wala nang pera
Nakakahiya kung muling pagtaguan mo
Ang ?yong mga inaanak sa araw ng pasko.

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

Mabuti pa nga ang pasko noong isang taon
Sa ating hapag mayroong keso de bola?t hamon
Baka sa gipit, happy new year mapo-postpone
At ang hamon ay mauuwi sa bagoong

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

(instrumental)

[refrain]
Ngunit kahit na anong mangyari
Ang pag-ibig sana?y maghari
Sapat nang si hesus ang kasama mo
Tuloy na tuloy parin ang pasko

[coda]
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin (tuloy na tuloy pa rin)
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko
Tuloy na tuloy pa rin ang pasko

Sa kapimilya mo tuloy ang pasko?..

Monday, December 11, 2006

Sa Banda Rito!

Heto ang ilan sa mga blog/websites ng mga pinakikinggan banda/artist ng Ituloy AngSulong Movement.

D'yan Banda with Kamikazee

Dong Abay
Datu's Tribe
Mishka Adams
Parokya ni Edgar
Siakol
eLf ideas

Dadagdagan pa namin ang listahan. Yan pa lang ang naisip ko ngayon. Kaya Ituloy natin AngSulong ng tugtugan! Ituloy!

ituloy angsulong ng airport security

mahigpit na rin ang mga domestic airport dito sa pilipinas. yan ang napansin ko noong nakaraang sabado nung magpunta ako ng davao. ang napansin ko lang, kahit gaano sila kahigpit, mukhang malulusutan pa rin sila ng mga liquid bombs. bakit? kasi naman, bawal lang ang mga liquid items sa hand carry, pero pwede sa baggage mo. so, anong logic nun? hindi ba kapag sumabog yung bomba sa baggage mo, babagsak pa rin yung eroplanong sinasakyan nyo?? hehehe. unless sa seperate na eroplano ipapadala yung checked-in baggage mo, eh hindi naman di ba? magkakasama pa rin kayo nung baggage na may liquid items, di ba? pano kung may bomba yun?

kung talagang seryoso sila sa security, dapat ituloy nila angsulong laban sa pagdadala ng liquid items, sa hand carry man sya or sa baggage. kung bawal ang liquid items, dapat, total ban. hindi lang sa hand carry. ano bang hinihintay nila? naghihintay pa yata sila na may sumabog na liquid bomb sa isang eroplano bago nila ipagbawal ang liquid items sa mga checked-in baggage eh. tapos, sasabihin nila, nalusutan sila dahil sa baggage nilagay yung bomba. tapos, saka nila ipagbabawal. hehehe. kalokohan. kabobohan.

ituloy angsulong laban sa terorismo! ituloy angsulong laban sa liquid bombs! ituloy angsulong ng airport security! ituloy angsulong! ituloy! loy! loy! (may echo pa! hahaha!)

offtopic: sa mga naglink na sa amin. maraming salamat. sa mga hindi pa, aba, ikaw na lang ang hindi naglilink, ilink mo na kami! ehehe. rest assured, we will link back, pasensya na, galing lang bakasyon kaya di ko pa kayo nalilink lahat. basta, ililink ko kayong lahat bago magfriday, ok? ituloy angsulong! yun lang!

Ituloy angsulong sa Pasko

ilang linggo na lang Pasko na!!! nakabili na ba kayo ng mga regalo nyo.. o baka naman, tulad noong isang taon.. lahat na ng klase ng pagtatago nyo sa inyong mga inaanak ay ginawa nyo na...
matagal na akong nakabili ng mga regalo sa pamangkin ko.. siguro, konti lang ang kulang sa mga reregaluhan ko ngayong taong ito...
basta makita ko lang na masaya ang mga bata.. masayang masaya na ako nun....

honga pala.. nood kayo sa Dec 15, Studio 23 10:30pm... ipapalabas sa tv ang NU107 Rock Awards 2006... hanapin nyo doon si Boy Gapang(aka kukote) at walang ginawa yan kundi ang kumaway ng kumaway sa harap ng camera...

ituloy angsulong ng pasko!!! ituloy angsulong ng NU107 Rock Awards 2006!!! ituloy... ituloy angsulong !!!

Saturday, December 02, 2006

Ituloy AngSulong Movement Sa NU Rock Awards

Heto na ang ilang pictures namin sa NU Rock Awards. Salamat kay Andre ng Datu's Tribe sa backstage pass! Nakasama ng Ituloy AngSulong Movement si Ofelia Joy.


Ituloy AngSulong ng Parokya ni EdgarBoy Gapang, Chito Miranda of Parokya ni Edgar, Ofelia Joy and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng KamikazeeBoy Gapang, Jay Contreras of Kamikazee, Ofelia Joy and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng SandwichBoy Popoy, Boy Dapa, Raimund Marasigan of Sandwich and Boy Gapang

Ituloy AngSulong ng The DawnBoy Gapang, Boy Dapa, Buddy Zabala of The Dawn and Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng PupilBoy Dapa, Ely Buendia of Pupil, Ofelia Joy, Boy Gapang at Boy Popoy

Ituloy AngSulong ng The DawnBoy Gapang, Jett Pangan of The Dawn, Boy Dapa and Boy Popoy

Parang Re-union na rin ng Eraserheads dahil andun si Ely, Raimund at Buddy, si Marcus na lang ang kulang. Ituloy AngSulong ng Pinoy Rock! Ituloy AngSulong ng NU Rock Awards! Ituloy AngSulong!

Update: Ituloy angsulong sa pagbasa ng aming mga kwento:

Thursday, November 30, 2006

Ituloy AngSulong Kontra sa Bagyong Reming

Suspendido ang klase ng lahat ng antas dito sa Metro Manila at sa mga karatig probinsya. Signal No. 2 na dito sa Maynila habang sa kasalukuyan ay hinahataw na ng bagyo ang Catanduanes na signal No. 4 ngayon. Ang bagyong Reming daw na ito ay mas malakas pa sa bagyong Milenyo na kamakailan lamang ay tumama dito sa Metro Manila kung saan marami ang nasira at nasiraan.

Ayon sa forecast ng PAGASA or HOPE (Handler Of Public Emergency), ang mata ng bagyo ay dadaan dito sa Manila bukas. Sigurado raw aabot pa hanggang sa signal no. 3 ang bagyo dito bukas kung tama ang forecast nila.

Kailangang magrecharge ng cellphone, bumili ng kandila, mag-ipon ng tubig at manalangin tayong lahat upang malampasan natin ng maayos ang darating na unos.

Sa ngayon ay may pasok pa rin kami. Maaliwalas pa ang panahon dito sa Maynila, hindi pa malakas ang hangin dito sa Manila Bay. Kulimlim lang. Mga estudyante lang ang walang pasok.

Basahin ang balita tungkol sa bagyong Reming dito:
Dahil dito, matuloy kaya ang NU Rock Awards bukas? Ang ganda pa naman ng promotion nila sa Youtube:



NU Rock Awards - "Air Drum"


ituloy angsulong kontra sa bagyong reming! lumihis ka na para matuloy ang panonood namin ng awards bukas! ituloy angsulong! ituloy!

Wednesday, November 29, 2006

Ituloy AngSulong Wins: Tapos Na Ang Boxing

Oo mga kapatid, tapos na ang boxing! Panalo na ang Ituloy AngSulong Movement!

Habang hindi pa tapos ang Ituloy AngSulong SEO, ay minabuti muna naming mag-test ng ibang keyword. Sinubukan namin kong makukuha namin ang triple number 1 post sa tatlong search engine sites (Google, Yahoo at MSN). Na-optimize namin ang keyword na TotooTV.

Kaya kahit saan ka mag-search gamit ang salitang TotooTV, ay unang una sa listahan ang weblog ng Ituloy AngSulong Movement. Kaya sulong mga kapatid! Ituloy AngSulong!

Ituloy angsulong Movement Cinema Presents:

Ituloy angsulong Movement Cinema Proudly Presents

ituloy angsulong

Kinuha mo na ang Lahat sa Akin Ka!!!!

Starring

Boy Popoy
Boy Dapa
Boy Gapang (aka Kukote)

Tuesday, November 28, 2006

Ituloy AngSulong ng NU Rock Awards 2006

Ituloy AngSulong ng NU Rock Awards 2006
NU107 ROCK AWARDS 2006 -- The 13TH. FRIDAY.
December 1, 2006, Friday ? World Trade Center, Pasay City
Gates open at 6PM ? Show starts promptly
at 9PM


Featuring performances by:
PUPIL ? PARAMITA ? UPDHARMADOWN ? DICTA LICENSE
CHICOSCI ? ITCHYWORMS
? DONG ABAY ? URBANDUB
PEDICAB ? LOKOMOTIV ? PAROKYA NI EDGAR
KAMIKAZEE ? SANDWICH ? THE DAWN

Ituloy angsulong ng Pagmamasid sa Paligid

Kaninang umaga magkasama kami ni boy dapa na bumili ng buko juice malapit lang sa bahay namin... as usual, peeping tom ang drama namin sa mga nagdadaan na mga chikas na papasok sa office...
may isang seksing babae na dumaan, pero may kasamang lalaki... sabi namin, "nanliligaw pa si boy.. magkalayo kasi.. at mukhang badtrip pa yung babae..." or "kuya niya yun"...
ayos na ayos na sana ang panonood namin sa mga nagdaraan ng biglang may dumaang taxi... at sa dinami dami pang pedeng sumakay doon, sina BabaJing at Diego ng Bubble GAng pa ang nakasakay.. Pusa, tagal ko ng tinitiktikan si Diego doon sa street namin... nakita ko nga.. nakasakay naman sa taxi... hehehehe.. Diego, yan ang the original..

Ituloy angsulong sa paninilip.. este sa pagmamasid pala..

ituloy angsulong ng PMS survival tips

Formal definition from Wikipedia:

Pre-menstrual Syndrome (PMS, also called Pre-menstrual Stress, Pre-menstrual Tension Syndrome, PMT, Premenstrual Syndrome, Periodic Mood Swing) is stress which is a physical symptom prior to the onset of menstruation.


Ngayon naman, for the guys out there, watch this video para makasurvive when your girl is PMSing =)



PMS Survival Tips


Ituloy angSulong ng PMS Survival tips! Ituloy angsulong! ituloy angsulong! ituloy!

yun lang!

Monday, November 27, 2006

Ituloy AngSulong: Sabong

Maraming klase ng sabong. Sabong ng manok, tao (boksing) at marami pang iba. Nakatutuwang manuod ng mga sabong. Gaya ng away sa mga forum:

Debian Vs. Slackware
Linux Vs. BSD
Windows Vs. Mac OSX
AMD Vs. Intel
ATI Vs. Nvidia

Nakatutuwang nakaiinis basahin ang ganito. Maiinis ka minsan dahil nagkakaroon na ng out of topic. Matutuwa ka na rin dahil minsan ay parang mga bata na sila. At mayroon namang magagandang defenses.

Ang isa pang libangan ko ay ang basahin ang awayan ng mga fans. Fan ng isang banda versus sa ganitong banda. Batuhan ng salita ng mga Kapuso laban sa mga Kapamilya. Parang dadalawa lang ang TV network dito sa Pilipinas. Maingay kasi ang magkabilang kampo.

Ganyan din sa mga forum ng comics; DC Vs. Marvel. Sa Airsoft naman, Tokyo Marui Vs. Classic Army, G&G Vs. G&P. Made in Japan vs. Made in China.

Ano nga bang napapala ng passionate supporters ng isang kampo? Hindi ko talaga mabigyan ng depinidong paliwanag. Siguro nga ay likas na sa mga tao ang ganitong ugali. Ano naman ang kinalaman nito sa Ituloy AngSulong?

Well, basta Ituloy AngSulong! Ituloy!

1. 2.. 3... 4.... 5..... Five against one.....

Tuesday, November 21, 2006

ituloy angsulong ng mga kung ano-anong bagay

hindi kami nakauwi ni boy dapa sa probinsya noong weekend... umatend si boy dapa ng anniversary ng isang church sa may baclaran.. ako naman ay dumiretso sa Hataw Hanep Hero 2006 noong sunday... ano kamo?? saturday?? ahhh... wala, tulog lang maghapon sa bahay...
uuwi ako this coming weekend at may pinagagawa sa akin ang bayaw ko, tumawag siya sa akin noong monday... o d bah!!! monday pa lang, nakaline-up na ang gagawin ko next saturday.. so much for my whole day siestah....

------------------------------------

2 days ng offline yung banco de oro atm na malapit dito sa office... hmmmm.... buti naman, at least hindi ako natetempt... "magcheck ng balance" hehehe.... wala kasing mawiwidraw..

------------------------------------

kung nabuhay ako noon sa panahon ng imperial ancient china.... hindi ko na papangarapin pa na maging eunuch....alam nyo kung bakit??? kasi puputulin ang iyong ttttoooooottttt, bago ka maging eunuch... ayaw ko nga.. kung puputulin nila ito... ano pa ang gagamitin ko sa pag-iisip.. heheheehe.... masama talagang impluwensya ang national geographic....

Tags:

ang sumbrero ni Pacman sa SM Lipa

Habang masaya ang buong Pilipinas noong November 19 dahil sa pagkapanalo ni kuya Manny, (kuya daw o!) isang crew ng McDonalds sa SM Lipa ang nalulungkot at nawiwindang dahil sa isang pagkakamaling kanyang nagawa.

Ganito kasi ang nangyari. Namimigay na ng meryenda doon sa SM Cinema sa Lipa sa may entrance nang dumating sya. Dala nya ay tatlong plastic bag ng McDonald's Team Pacquiao cap, or sa maigsing salita, ay sumbrero. Then, biglang ipinamigay nya yung sumbrero sa mga tao. Syempre, dahil libre, pinagkaguluhan sya, at ilang minuto lang, ubos na yung tatlong plastic bag. Yung kapatid ko nga ay tatlong sumbrero ang nakuha.

So, anong problema? After more than an hour, paglabas ko para magCR habang suot ko pa yung sumbrero, hinarang ako ng McDonald's crew na ito. Sabi nya sa akin, "Sir, pasensya na po, nagkamali lang po ako kanina, akala ko po ay libre yung sumbrero kaya ipinamigay ko. Ipagbibili pala po yun. Pwede ga sir kunin ko yang sumbrero, or bayaran nyo na lang kung gusto nyo, 90 pesos. Sa akin kasi ichacharge yung lahat nang naipamigay ko." Dahil naawa naman ako doon sa crew, ibinalik ko na lang yung sumbrero, (wala kasi akong 90 pesos!!). At nung matapos ang laban, andun pa rin yung crew sa labas, isinoli na rin ng kapatid ko yung sumbrero nila.

Siguro, more than 100 yung naipamigay nya. What's the possibility na makuha nyang muli ang lahat ng iyon? Ewan ko. Kung iiawas sa sweldo nung crew yung sumbrerong naipamigay nya, magkano kaya lahat yun? Kawawa naman sya. Kahit sampung sombrero lang yung hindi nya naibalik, that's worth 900 pesos pa rin. Ngayon, kung isa ka sa nakakuha nung sumbrero at hindi mo alam na ganito ang nangyari, punta ka lang sa McDonalds sa SM Lipa at isoli mo yung sumbrero or bayaran mo, maawa naman kayo doon sa mali-maling crew.

On a funny note, iniimagine ko pa lang, natatawa na ako sa reaction ng manager nya nang malaman na ipinamigay nya yung mga sumbrero. Hehehe. Ano nga kayang itsura nun nang sabihin nyang, "Sir, ubos na yung sumbrero, naipamigay ko na!" Siguro, natulala na lang din yun, parang si Erik Morales. Or napasigaw at napamura? Or what? Ah ewan.

Lesson learned: clean your ears before going to work, para maintindihan mo ang instructions ng boss mo.

Yun lang!

Ituloy AngSulong: Hero Invasion


Galing kami ni Boy Popoy sa pakulo ng Hero sa World Trade Center. Isa ito sa all-time favorite namin, Voltes V! Kaya lang medyo sablay ang pagkakagawa ng scale at ilang details. In a scale of 1-10, 10 being the highest, I give them 7 for the effort :)

ituloy angsulong ng Google Adsense

ituloy angsulong ng Google Adsense
My First Google Adsense Check


marami nang nagkapera, marami nang pinayaman. hanggang tingin ka na lang ba? aba, walang mangyayari kung tutunganga lang. putting an adsense ad is a simple copy and paste, tapos, maghintay na lang. make your website popular, and watch your earnings grow. pictured above is my first adsense check. sensya na, medyo malabo, kasi, low tech pa ang cellphone ko. kagaya ng nabasa ko sa isang forum, ipapaphotocopy ko muna yan bago ko ideposit sa bangko, para may souvenir ako.

ituloy angsulong ng Google Adsense! ituloy!!!

yun lang!

Friday, November 17, 2006

Ituloy AngSulong: Kanyon

Ituloy AngSulong Movement as Superheroes

Huwag ituloy angsulong ng hoax websites

ituloy angsulong hoax website
Sa una aakalain mong tunay ito.. pero isang hoax site lang pala ang www.msfirefox.com at ang www.msfirefox.net.. pero ang galing ng concept ng website nila... aakalain mo talagang nag-merge na ang dalawang leading na browser, ang microsoft internet explorer at ang firefox...

Visiting the following sites using MS Firefox 2007 will cause your computer to shut down unexpectedly

  • www.google.com
  • www.gmail.com
  • www.apple.com
  • www.itunes.com
  • www.yahoo.com
  • Any sites with the phrase: microsoft/windows/explorer/vista/bill sucks

at may built in urlfilter na ha... hehehehehe...

huwag ituloy angsulong ng mga mapaglinlang na websites!!!!

Pacquiao-Morales III - The HBO Countdown

Ilang araw na lang ang nalalabi at maghaharap na sa ikatlong pagkakataon si Manny Pacquiao at Eric Morales. At sa mga boxing afficionados, or kahit sino pang nag-aabang na mapanood ito sa darating na Linggo, you should see this video. You'll see career highlights of the two boxers at yung mga pinagdaanan nila. Dito ko lang nalaman na talaga palang mortal na magkaaway si Morales at Barrera. Imagine, nagsuntukan sila sa pictorial bago ang laban nila?? Sa WWE lang ako nakakakita ng ganun eh (which is scripted!), pero kung sa pre-fight pictorial sa boxing, aba, totohanan yun! Heto na ang videos. Well, sit back, relax and enjoy!



Pacquiao-Morales III - The HBO Countdown Part 1


Pacquiao-Morales III - The HBO Countdown Part 2


Pacquiao-Morales III - The HBO Countdown Part 3


ituloy angsulong ng galing ng Pilipino! ituloy!

yun lang!

Thursday, November 16, 2006

ituloy angsulong ng bugtong at salawikain

salawikain
"Pagkahaba-haba man ng prusisyon.. traffic"
"ang hindi lumingon sa pinanggalingan, may stiff neck"
"aanhin mo ang damo kung ang nakatira ay kuwago"
"ang maglakad ng matulin, walang pamasahe"

bugtong
"hayan na, hayan na... hindi mo pa nakikita ang hanging"
"nagtago si pedro.. labas ang ulo ng pako!!"

Ituloy AngSulong ng Tame The Tikbalang

Asan na kaya ang bandang ito? Isa ito sa mga maraming banda noon na angat ang tugtugan. Ilan sa mga larawan nila ay matatagpuan dito.

Ituloy AngSulong Ng Adsense Optimization!

Medyo matagal-tagal ko na ring hindi na-uupdate yung aking blogtimizer blog - the blog for optimizing Blogger blogs. Hehehe. Wala kasi akong maisip na maipost, until madiscover ko kung paano maglagay ng Adsense ads inside your post. Oo, hindi lang sa ibabaw under the title, but within your post. Iniapply ko na sya sa aking bagong blog. (oo! may bagong blog na naman ako! sayang ang kita sa adsense eh... hehehe.) Check nyo ang resulta kung paano ko naisingit yung Adsense ad sa loob mismo ng post. Visit my new blog here.

It has been proven by experience among Adsense publishers na takaw click ang ads kapag nakaembed sya sa content, kagaya nga nun. So, paano ko ginawa yun? Syempre, hindi naman ako makasarili para sarilinin ko lang ang aking nalalaman. Spread the word! Para lahat tayo, yumaman! hehehe! Kamukha ko na ata si Ninoy ah. Di naman, si Rizal pa rin ang idol ko. Mukha pa ring pera, hahaha! Ok, here is the step by step guide.

Ito, isang tip ko pa. I already experimented with this for the past 3 days. Although sabi ni Yuga, one week ang kailangan to prove na a change on your ad will really increase your CTR, for me 3 days is enough. Konting change, for 3 days nang sunod sunod, tumaas yung CTR ko ulit at syempre, tumaas ang kita ko per day. So anong ginawa ko? Well, actually, nabasa ko ito sa The Adsense Code. Ganito lang yun. Change your link color to blue! Oo... dapat yung google_color_link = "0000FF".

What's the logic behind? Ganito daw kasi yun. Kung ang stop sign ay red at ang warning sign ay yellow, nasanay na rin daw tayo na ang link ay kulay asul! Check it out. When you type in MS Word, kapag gumawa ka ng link, anong default na kulay ng link? Blue! Kapag nagtatype ka sa Excel at gumawa ka ng link, anong default na kulay ng link? Blue! Kapag may kachat ka sa Yahoo at nagsend ka ng URL, automatic, magiging link yun, di ba? Anong kulay? Blue! Kapag gumawa ka ng e-mail at automatic ikinonvert ng software mo ang mga URL at e-mail address into a link, anong kulay?? Blue! Dahil dyan, nasanay na tayo na kapag blue, link yun. At dahil dyan, kahit wala kang nakasulat na "Click Here", makita pa lang ng visitor mo na kulay blue yung link mo, natetempt na syang iclick ito! Oo!!! Hindi nila alam ito, it's just the way they behave, dahil nakasanayan na. Kung hindi kayo naniniwala, bahala kayo. Hehehe. Basta ako, tumaas ang CTR ko nung gawin kong asul ang kulay ng link.

You'll see a little change in CTR, around 25% increase. Talaga? Meaning kung 3% ang CTR mo, magiging, 3.75%. Kung 10% yung CTR mo, magiging 12.5%. How's that? Aba, yung dalawang click na napadagdag sa isang daang pageviews ay 20 clicks sa 1000 page views. Kung meron kang average na 1000 page views per day at ang isang click ay $0.10, that's additional $2 per day, or $60 in a month! So, bakit hindi mo susubukan, di ba?

You might say, Oh kukote, 10% CTR is too high for a blog! Ito ang masasabi ko, if you have a niche blog, traffic coming from search engines and your ads are properly positioned and blended, 10% CTR is normal and 3% CTR is way too low.

Ituloy AngSulong ng Adsense Optimization! Ituloy angsulong sa pagpapayaman para sa magandang kinabukasan! Ituloy angsulong? Ituloy!!!

Yun lang!

Wednesday, November 15, 2006

ituloy angsulong sa beach

ituloy angsulong sa beach
Laiya, SanJuan Batangas

tayo na sa beach!!!! tayo na magswimming!!! kahit hindi summer... heheheheh....

ituloy angsulong sa pagbugbog kay Eric Morales

After 3 weeks of waiting, finally, dumating na ang aking unang Adsense check. Sorry, wala pa yung picture, nagtext lang sa akin ang tatay ko ngayon, may dumating daw na cheke sa bahay sa Batangas from Googel. Nakahinga rin ako ng maluwag, mabuti at hindi yun nadale ng mga kawatan. Hehehe. Dumating na ang pambayad ko sa credit card at pambayad sa ticket para sa panonood ng live ng laban ni Manny Pacquiao sa SM Lipa. Apat na ticket kaya ang binili ko, para kay tatay, sa akin, at sa dalawa kong kapatid. Sana manalo si Manny, para hindi naman ako lugi. Hehehe.

Ituloy angsulong! Go Manny Go! Ituloy angsulong sa pagbugbog kay Eric Morales!! Ituloy! Hehehe.

Tuesday, November 14, 2006

Mariposa

Desisyete anyos
Maganda ang hubog
Boses ay malamyos

Ito ba ang nais mo?
O pinilit mong ginusto?
Pambili ba ng luho?
O mapakain ang pamilya mo?

Sadya nga bang mapaglaro ka?
O hinubog ng lipunang malupit?
Magpasarap lang ba sa buhay?
O ang sa patalim ay kumapit?

Sayaw Mariposa, sayaw!
Itago ang lungkot
Sa likod ng musikang maharot!

Sayaw Mariposa, sayaw!
Gumiling, kumaway
Sumunod sa musikang mahalay!

Mariposa, ituloy mo angsulong sa buhay!

ituloy angsulong sa pagbabasa ng aklat

wala akong maisip isulat. nakita ko lang sa mga bahay nila na si Boy Dapa ay nagbabasa ng Google Story at si Boy Popoy ay ganun din, heto ako, may sarili ding binabasa, dumating na po ang mga inorder kong aklat sa amazon.

ituloy angsulong sa pagbasa ng the adsense code by joel comm
"The Adsense Code, show me the money!!!"


ituloy angsulong sa pagbabasa! ituloy!

yun lang!

Monday, November 13, 2006

Ituloy AngSulong Sa Pagtitipid!

Malapit na ang Pasko, ngunit nararamdaman mo ba? Nararamdaman ko rin ba? Parang hindi eh. Mapapansin mo ang Malls ngayon, lately lang naglagay ng mga dekorasyon. Dati-rati ay pagpasok pa lang ng ber months ay masaya at makulay na ang paligid. Maririnig mo na ang mga masasayang himig Pamasko.

Mapapansin mo rin ngayon na karamihan ay re-cycled ang mga dekorasyon. Mukha nga namang bagong hugot sa taguang bodega ang mga gamit. Alangang kupas, alangang bago. At mapapansin mo rin sa mga mall na bihira ang namimili kahit Linggo. Nasabi ko sa misis ko na tuwing may sale lang maraming namimili.

Tipid tipid tayo. Sa isang banda ay maganda rin naman ito, natutunan nating pahalagahan ang mga pinagpaguran natin. Ang kaso nga lang, yung mga buwis natin ay parang hindi natin nararamdamang tinitipid. At paano naman ang mga kababayan nating hindi kayang magtipid dahil walang titipirin?

Ah! Ituloy AngSulong sa pagtitipid! Ituloy!

Paurong ang Ituloy angsulong ni Boy Popoy dahil sa Tax

Mainit ang ulo ko ngayon sa sobrang laki ng tax na aking babayaran hanggang sa katapusan ng 2006.. it means, magtitipid ako ng todo nito para mabayaran ang mga kautangan ko..
oks lang, baka naman manalo ang inay sa lotto sa isang araw.. magdilang anghel ka sana boy popoy...

Ituloy Angsulong Movement salutes Renato Alcano!

Renato Alcano with trophy Ronato Alcano. Noong elimination rounds pa lang, hindi mo sya mapapanood sa tv. Una ko syang napanood noong makalaban nya si Magician, in a do or die situation, kung saan sunod-sunod na minalas si Magician at natalo nga sya nito. Ang isip ko noon, swerte lang sya.

Pero kakaiba ang ipinakita nya. Mukhang yung magic ni Efren, ipinamana nya kay Ronato Alcano. Napanood ko ang laban nya nung talunin nya ang defending champion na intsik. After ng laban, sabi nya, dalawang laban na lang, champion na sya. He'll take it one game at a time. Aba, at nung semi finals, tinambakan na naman nya yung isa pang intsik na kalaban, at hayun, pumasok nga sya sa finals.

Inabangan ko yung finals kahapon sa channel 4. Alas kuwatro nag-umpisa. Alas otso natapos. Tinambakan na naman nya ng score ang kalaban. Hanggang sa nakamit nya ang kanyang pinakamimithing tagumpay. If you read his interview, sabi nya, pinipigil nya lang daw ang sarili nyang maiyak sa tuwa. I'm sure, talagang magbabago na ang buhay nya. Aside from the $100,000 na napanalunan nya, siguradong pagppyestahan na rin sya ng media, commercial offers siguro at kung ano ano pa.

Well, magaling naman talaga sya. Saludo kami sa kanya. Pabalato! Hehehe.

Saludo ang buong Ituloy AngSulong Movement sa iyo! Ang galing mong tumumbok! Shoot nang shoot!

Ituloy angsulong ng galing ng Pilipino! Ituloy!

Note: Photo taken at WorldPoolChampionship official website.

Sunday, November 12, 2006

ituloy angsulong ng laban ng mga pinoy

matapos ang mahabang labanan sa worldpool championship.. isa na namang pinoy ang nakapasok sa finals... sabi nga nila, " tayo, tayo din ang magkikita sa finals"... sana manalo si alcano para mabigyan na ulit ng karangalan at moral boost ang mga pinoy....
malapit na naman ang laban ni manny pacquiao.. sigurado, sa laban ni manny, 0 crime rate at walang traffic... sana araw araw ay may laban si manny, basta ba wag lang siyang lalaban sa eleksyon....

Tags:
, , ,

Saturday, November 11, 2006

ituloy angsulong ng mga Old School Pinoi Rock

nakaharap ako sa aking computer.. nag-iisip ng bagong maiipost sa movement... binuksan ang mp3 player, nag-play ng mga kanta ng dahong palay mula sa album nilang kapatiran ng bakal at apoy... bigla akong napaisip... nasaan nga ba ang banda ng aming henerasyon???
ilan sa aking mga natatandaan ay ang mga bandang the youth, alamid, color it red, rizal underground, mutiny, dahong palay, bad omen, the dawn, the wuds, phil vio, half life half death, eraserheads.. oo, maiituring na alternatibo ang eraserheads ng mga panahong iyon...
maraming pinagkaiba ang mga banda noon sa ngayon.. noon, basic ang mga tugtugan, madaling i-cover ng banda ang mga kanta nila.. ngayon, masasabi kong medyo kumplekado, may touch na ng mga foreign bands...
paikot ikot lang ang gusto ng mga tao.. banda > acoustic acts > revivals > biritan > disco > rap > hiphop > ballads ... then balik ulit sa banda...
ito lang ang masasabi ko, mananatiling alternatibong musika ang mananalantay sa dugo ko... teka gusto ko din nga pala si christian baustista.. hehehe... fafa!!!!

Tags:
,

Ituloy Mo AngSulong

Saan nga ba
Oo, saan ang tungo mo?
Alin nga ba
Ito ba'y matatamo?

Walang maisip
Direksyon ay naglaho!
Bakit naiinip
Paningin ay lumalabo!

Wala nga, wala ngang kwenta.
Meron ba, meron bang halaga?

Kaya pa ba
Kaya mo bang sumabay?
Halika na
Huwag kang sasablay!

Lipad muna
Iwanan mo ang kahon!
Langoy muna
Ikaw ay makaaahon!

Ituloy, ituloy lang angsulong!
Ituloy, ituloy pa angsulong!

Friday, November 10, 2006

Make Money Blogging on Review Me

This is a paid review:

I found another site where you can make money by just blogging! Yes, it's true, and they will pay you via Paypal or check, depending on your preference. For most of us here in the Philippines, of course, we'll be selecting the check option.

So, what you have got to lose? Nothing. All you have to do is to go to the review me site, create an account, submit your blog and wait for advertisers to ask for a review. You have a total control of everything, if you don't want to make the review, you can reject it. Of course, the more reviews you make, the higher earnings you'll get. So, check it out!

How much is the cost of a review? Well, it depends on your blog. They check the popularity of your blog from Alexa and Technorati. As for this one, this review costs $20. Not bad for a 10 minute work? Right? There is just a minimum requirement of 200 words per review. That is not too long nor too short. And another thing, you are not required to say positive things on the advertiser you are reviewing. You can tell whatever you want, an honest opinion is what they want. And they will still pay you!

This is a new service on the blogosphere. And to spread the word, they are giving away $25000. If you have a popular blog with traffic as much as this blog, why don't you give it a try? What are you waiting for? You have nothing to lose and everything to gain! Go and visit Review Me.

Ituloy angsulong sa pagpapayaman sa blog! Ituloy!

ituloy angsulong sa kalendaryo ni angelica

napabilis daw ang pagpapagawa nya ng bahay dahil sa kalendaryong kumakalat ngayon ni angelica. magkano kaya ang ibinayad sa kanya? sarap naman nun, nagpapicture lang ng naka 2-piece, nakapagpatayo ng bahay. watch her interview:


Angelica on her 2007 Calendar


yun lang!

ituloy angsulong sa panonood ng tv commercial

when I first saw this video, ang naisip ko, ang galing ng computer technology. I never thought na those balls are not computer generated, but real bouncing balls! nalaman ko lang ito nang mabasa ko sya sa Guinness World Records, as the tv commercial with the most number of props... 250,000 balls! Luckily, nagsearch ako sa youtube at nakita ko pa yung commercial, and with an added bonus, the making of this tv commercial. so, paano? manood na muna kayo ;)



The Sony Bravia Commercial


The Making of Sony Bravia Commercial


ituloy angsulong sa panonood ng tv! ituloy!

Ituloy angsulong Movement VS. Superman

ituloy angsulong vs superman
Boy Dapa Vs. Superman
"Letch!!!! sama mong makatingin ah!!!"





ituloy angsulong vs. superman 2
Boy Popoy vs. Superman
"Face the fury of my kungfu... hhhuuuwwwwaaaahhhh!!!!"

ituloy angsulong sa pagkanta

kung sabi ni manny pacquiao, lumalaban sya para sa bayan pero sa bulsa nya ang tuloy ng premyo, ang sabi naman ni efren reyes, lumalaban sya para sa pera, dahil yun lang ang trabaho nya. oo nga naman! kung tutuusin, tama naman si efren. magboboxing ka ba kung walang premyo? makikipagsapakan ka ba kay morales para lang sa bayan? walang premyo?? ewan ko lang. para sa iyo ang laban na ito, para sa bulsa ko ang premyo. hehehe. di ba, yan naman ang totoo? well, i have nothing against manny pacquiao, baka suntukin ako kapag nakita ako, kawawa naman ako. hehehe.

well, anyway, since sumali kami sa contest, nagcompose din ako ng isang kanta, idol ko kasi si manny, boksingero na, singer pa. hehehe. well, just sing this song to the tune of para sa 'iyo ang laban na'to.





Para Sa Iyo Ang Blog Na Ito
(Para sa Bulsa Ko)
by kukote

Gagawin ko ang lahat para sa'yo
kung ito ang dahilan upang mag number 1 tayo
ito ang tanging paraan na naisip ko
upang magkaisa ang Google, MSN at Yahoo!

para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo ang blog na ito
hindi ako susuko, isisigaw ko sa mundo
para sa'yo ang blog na ito

Kahit buhay koy itataya sa'yo
ipagtatanggol kita gamit ay aking SEO
ito ang tanging paraan na naisip ko
upang magkaisa ang Google, MSN at Yahoo!

para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo ang blog na ito
hindi ako susuko isisigaw ko sa mundo
para sa'yo, bulsa ko!

Sa bawat laban sa mundo
Diyos ang laging kakampi ko.

para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo ang blog na ito

hindi ako susuko isisigaw ko sa mundo
pinoy ang lahi ko
mahal ko ang bayan ko
para sa'yo ang blog na ito
para sa'yo... bulsa ko!

Thursday, November 09, 2006

Ituloy AngSulong: TotooTV and Boy Dapa...

... Made it to Yahoo Time Capsule. Ituloy angsulong ng TotooTV!

ituloy angsulong sa pagbreak ng records!

today is november 9, at anong meron? today is guinness world records day! check out their site here kung hindi kayo naniniwala. today is the day where people around the world will attempt to break records. hhmmm, ano kayang mabreak na record? siguro, ito, kayang ibreak ng mga addict sa text. nabasa ko kasi ito sa philstar 2 weeks ago. the fastest texter daw texted this message in 48 seconds:
The razor toothed piranhas of the genera Serrasalmus and Pygo centrus are the most ferocious fresh water fish in the world. In reality they seldom attack a human.
kayo, can you beat the record? walang shortcut, walang predictive text input. kailangan, yung tamang pagtetext. kaya nyo? kung kaya nyo, contact kayo sa guinness para mapalagay ang pangalan nyo sa susunod nilang edition. hehehe.

ituloy angsulong sa pagbreak ng records! ituloy angsulong! ituloy!

nagtitinda pala ako ng aklat. bili na kayo sa amazon. hehehe.




yun lang!

Ituloy angsulong ng pagiging skeptic

napanood namin kahapon ni boy dapa sa tv yung tungkol sa conspiracy theory about crop circles. Gawa nga ba ito ng mga alien??? ng government ??? ng mga artist ?? ng mga magnanakaw ng mga crops na sa kananakaw nila, hindi nila napansin na nakagawa na sila ng work of art ?? who knows ??

ituloy angsulong ng pagiging skeptic


may mga debate tungkol sa authenticity ng crop circles...marami din naman ang mga naniniwala na totoo ito.. scientist vs. scientist vs. believers...
sa pilipinas kaya?? bakit walang crop circles??bumibisita din ba dito ang mga alien.. sa divisoria, maraming illegal alien....

pero iisa lang ang alam ko.. alien si jay ng kamikazee..

ituloy angsulong ng pagiging skeptic sa mga bagay-bagay....

ituloy angsulong ng billboard law!

SEO muna ng konti. si angelica panganiban lang pala ang kailangan namin para pansinin kami ng search engine ni bill gates. hehehe. itong si bill gates, napapaghalata, chick boy din. hehehehe. ipinost ni penoi kagabi ang kalendaryo ni angelica, aba, at nagulat na lang ako pagcheck ko ng msn at no. 1 na kami. hahaha! hope it stays there until february 23.

well, sana, february 23 na ngayon. hehehe, para sa amin na ang triple jackpot. kaso, ang tagal pa. siguradong yung iba, bumibwelo pa lang. kapag naindex na ng mga search engines ang lahat nang dapat iindex, doon pa lang magkakaalaman. ang dami pa kasing hindi naiindex. kami naman ay sinwerte laang. malay ga namin sa search engine optimization na yaan. wala pa sa kalingkingan ng kaalaman ng iba ang kaalaman namin. sumali lang kami dahil mahigpit ang aming pangangailangan sa pera. hehehe.

well, tama na ang usapang SEO, let's go back to business. sa topic na tayo. as usual, nanood ako ng balita kaninang umaga. naipasa na daw sa senado ang bill tungkol sa mga billboard. hindi naman total ban, pero mas maigi kesa dati. ang natatandaan ko lang na isa sa probisyon, 300 square feet maximum na lang ang billboard. ituloy angsulong sa pagsasaayos ng batas para sa mga billboard! ituloy angsulong! ituloy!!!

yun lang!

Wednesday, November 08, 2006

ituloy angsulong hanggang 2007 !!!

ituloy angsulong with angelica panganiban calendar
Wish you were her .....

basta... ituloy ang sulong hanggang 2007 !!!!

Ituloy angsulong ni Terminator

nanalo pala ulit governor si arnold Schwarzenegger as governor ng california. Winning 63 percent of the vote. mukhang humahataw si gov arnold ah...

isa lang naman ang sinabi niya sa mga kalaban niya sa pulitika...

" I'll be back!!!! "

hehehhe...

Ituloy AngSulong sa Panunood ng Videos


Halik lang ng halik

ikaw ba ay infected?

isang nakakahawang sakit ang kumakalat sa pilipinas. tinalo pa ang dengue, tinalo pa AIDS, tinalo pa ang meninggococcemia. (tama ba spelling?) masyadong contagious ang sakit na ito, kung saan saan na po nakarating. kung ano ang sakit na ito, ituloy na lang ninyo angsulong sa pagbasa sa pagclick ng link sa baba. =)

ang sakit na tinutukoy ko ay ang boom tarat fever! hahaha! at ito ang ebidensya kung gaano kalubha ang sakit na ito. ang dami nang infected...


















hehehe! ituloy angsulong sa pagsayaw ng boom tarat! hahaha! ano kayang itsura ni boy dapa kapag sumayaw nito? abangan. hehehe.

yun lang!

ituloy angsulong laban sa mga kawatang magnanakaw ng Adsense check

hindi lang pala isang beses nangyari na may nagnakaw ng Google check sa post office. natatakot na tuloy ako. kaya yung second Google check ko, I opted for the secured delivery na, kahit may bayad na $24. mas magaling na yung siguradong makakarating, kesa naman para akong tangang naghihintay sa wala dahil dinekwat na pala ng taga post office. pwedeng sabihin nyo, kahit ba makuha, hindi naman nila nadedeposit sa bank account nila. yun nga ang akala ko eh. pero grabe na ang kasamaan ng mundo. biruin nyo, at nag-open pa ng bank account na kapangalan nung may ari nung cheke. ang lupet no? putek naman, kung gagawin nila sa akin yun, finally, magkakaroon na rin ako ng kapangalan sa mundo! hehehe. pero ipapahanap ko sya, at pahihirapan ko sya sa pamamagitan ng karayom. opo, karayom lang, masakit na torture yun. yung itatali mo, tapos, tutusukin mo ng tutusukin ng karayom sa iba't ibang parte ng katawan. yung aguha pa ang gagamitin ko, yung malaki. hehehe. hay, kung anu ano na naman naiisip ko. nakakaasar eh. ngayon, iniisip ko, dumating pa kaya ang cheke ko?? sana naman.

dito ko pala nalaman ang tungkol sa nakawan ng tseke. ituloy angsulong laban sa mga kawatan! ituloy angsulong! ituloy!!!

yun lang!

Tuesday, November 07, 2006

ituloy angsulong ng galing ng Pilipino sa bilyaran!

Sa mga hindi nakakaalam, there is an ongoing World Pool Championship match here in the Philippines. Ginaganap sya sa PICC. You can watch it on ESPN, pwede rin sa channel 13. Syempre, ang inaabangan kong laro, yung laro ni Efren "Bata" Reyes. Maaaring minalas sya noong unang game, pero nakabawi na sya, at kahapon, panalo ulit sya. Sana, tuloy tuloy na. Ang dami nilang magkakalaban eh, at lahat magagaling, pero wala pa ring tatalo kay Bata, because he is the Magician. Hehehe. Well, bakit nga ba sya tinawag na magician? Ganun ba talaga sya kagaling magbilliard? Well, panoorin nyo na lang ito...



The Magician Doing His Magic Tricks



A tribute to Efren "Bata" Reyes


Ituloy angsulong ng mga kababayan nating kasali sa World Pool Championship! Ituloy angsulong ng galing ng Pilipino sa bilyaran! Ituloy!

Yun lang!

Ituloy AngSulong Para sa Masa

Minsan ay may nagsabi sa akin na nabibilang daw ako sa burgesya. Isa rin daw akong burgis. Hindi ko matanggap ito. Bakit nga ba? Dahil sabi ko ay nabibilang ako sa masa, sa uring manggagawa; isang kahig isang tuka.

Kaibigan: Pero nakatapos ka ng pag-aaral di ba?
Ako: Oo
Kaibigan: E di hindi ka na masa!
Ako: Bakit, wala bang karapatang makatapos ng pag-aaral ang masa?
Kaibigan: Hindi naman sa ganun. Pero the mere fact na nakapag-aral ka ay angat ka na sa masa, makapag-oopisina ka na. Hindi mo kailangang magtinda sa kalye.
Ako: Nagtinda ako ng fishballs noong estudyante pa ako. Magaling akong gumawa ng sauce!
Kaibigan: Ayaw ko nyan, may pawis mo! Anyway, di ba may access ka sa internet? Di ka na rin masa.
Ako: Wala bang karapatang mag-internet ang masa?
Kaibigan: Nak ng.... Why do you have to resort to that question? Social classes ang pinag-uusapan natin dre!
Ako: WTF are classes anyway?
Kaibigan: Well, dyan nasira si Marx.....
Ako: Masa ako. Nakikinig ng balita at drama sa radyo. Nanunood ng patalastas sa TV. Nagbabasa ng tabloid. Nagbabasa ng komiks. Nakikinig ng novelty songs.....
Kaibigan: Tama na ang litanya...
Ako: Masasapak ako ng misis ko pag di pa ako sumweldo ngayon, he he he.


Para sa Masa: Isa sa pinakamagandang kanta ng Eraserheads. Kung hindi man yung melody ay lyrically, ang pinakamagandang kanta nila. Ituloy angsulong para sa masa! Ituloy!

ituloy natin angsulong sa panonood ng video

ang cute nila. kaso, ang kulit ng video nila. massacre. madugo. kagimbal-gimbal. cartoon na hindi pwede sa mga bata. pwede sa mga batang isip, pero sa mga bata, hindi pwede. siguro, mga sadista at masokista ang umiisip ng concept na ito. pero in fairness, although nakakairita sa iba, nakakatawa pa rin. lunukin nyo na lang ang mga laway nyo. hehehe. ok, this video is not advisable sa mga may sakit sa puso, sa mga maaanihin, sa mga marurumihin, at sa mga nadidiri. para lang ito sa mga taong kakaiba ang trip sa buhay. una kong napanood ang videong ito sa dati ko pang office, at ang reaction ko, nakakatawa. hehehe. so paano, ang haba na ng intro ko. sige, panoorin na ang video...



happy tree friends' out on a limb


ituloy angsulong sa panonood pa ng ganitong uri ng video, magpunta lang sa kanilang website. click here.

yun lang!

Monday, November 06, 2006

Ituloy AngSulong: Alternative to TV

Bihira akong manuod ng TV. Marami nga namang pwedeng pagkaabalahan bukod sa telebisyon. Anu-ano nga ba?

Libro - Madaming sale na libro, ibinebenta ko nga ito. :D
Comics - Maraming comics na mature ang theme :)
Music - Halukay lang sa mga tambak ng CDs sa mga audio stores. Up to 75% off!
Radyo - AM masarap makinig ng balita. Mabilis pa.
Internet - Kailangan bang ipaliwanag ko pa?

Madaming alternatibo sa telebisyon. Sino ba naman ang hindi maghahanap kung ang nag-iisang cable provider nyo ay ini-encrypt ng lahat ng magagandang channels!

Ituloy angsulong laban sa encryption ng signal! Ituloy!

Ituloy angsulong sa pagbabago

Lahat ay nagbabago...

ang isip nagbabago
ang paraan ng pagsusulat nagbabago
ang pananamit nagbabago
ang mga kaibigan mo nagbabago
ang mga gusto mong kainin nagbabago
ang mga telenovela nagbabago
ang buhok nagbabago
ang oras ng paggising mo at pagtulog nagbabago
ang mga desisyo mo nagbabago
ang mga kinakain mo nagbabago
ang template mo sa blog mo palaging nagbabago
ang URL ng blog mo nagbabago
ang mga blogmates mo nagbabago
ang cellfone mo palaging bago
ang katxtmate mo nagbabago
ang officemates mo come n go kaya nagbabago din
ang trabaho mo nagbabago
ang pamasahe pabago bago
ang dollar exchange palaging nagbabago
ang bf mo nagbabago
ang gf mo nagbabago
ang boy bawang nagbago na
ang timpla ng kape mo nagbabago
ang mga ranking ng google, yahoo at msn result palaging nagbabago...
kahit saan ka tumingin lahat nagbabago..
hindi kaya? hindi kaya? ang hindi lang magbago ay ang pagbabago??
ewan ko sa inyo.. pati ako nahilo na.. ah basta..
ituloy angsulong !!! ituloy angsulong !!! ituloy angsulong sa pagbabago...

PS. gobyerno lang ata ang hindi na magbago!!!

Tags:
,

ituloy angsulong sa pagtuloy ng kwento

Since nauuso na naman ang meme, or tagging baga, ay gagawa rin ako. pero ito, kakaiba. we will try to make a world record, at kung papalarin at makukumbinsi natin ang Guinness World Records, baka pwede tayong maisama sa next edition ng book nila. Oh ha, yun ngang pinakamaraming nakolektang vomit bag sa eroplano, pinatulan nila, ito pa kaya? hehehe. well, ito lang naman ang naisip ko. We will set the Most Number of Bloggers Participated In A Meme For 1 Year. O hayan, isang taong project ni kukote ito. Ako na ang bahalang mag-email sa GWR kung papatulan nila ang naisip kong ito.

Here are the rules /guidelines.
1. Copy and paste this entry.
2. Continue the story by writing at least a 5-word sentence. The sentence must be relevant to the story. Use your imagination.
3. Increment the Meme count.
4. Put the tagger's permalink meme on the previous post.
5. Tag someone to continue the story. Put his name on the to be continued by:
6. Don't forget to put the link back to this post so that we can track this meme easily.
Ok, let's start.
Ituloy angKwento
An Ituloy angSulong Movement's Initiative

Noong unang panahon, sa isang hindi kalayuang lupain, may isang dalagang nakatawa.

Meme Count: 1
Previous Post:
To Be Continued by : Penoi

Nagsimula ang lahat ng ito sa ituloy angsulong movement blog.

Ituloy AngSulong Laban Sa Krimen!

kanina, pagdating ko sa boarding house, ang aga-aga, ang sama ng balitang tumambad sa akin pagbukas ko ng tv sa channel 7. isang taxi driver, matapos holdapin, sinaksak ng tatlong salarin saka tumakas. nangyari ito sa may C-5 Road, sakop pa raw ng Makati kaninang alas tres ng madaling araw. Anak naman ng teteng no? bakit ba naman kailangan pang mabuhay ang mga gagong holdaper na yan at kumalat kalat dito sa maynila para mamerwisyo ng kapwa. buti na lang at may impyerno, sabi nga ng boss ni penoi. hehehe. buti na nga lang at may impyerno.

ituloy natin angsulong laban sa krimen! paano? huwag matakot, isumbong sa pulis ang masasaksihang krimen. kung ikaw ang biktima, mas lalo mong dapat ipablotter. kahit isang cellphone lang yan, or 500 pesos na nadukot sa wallet mo, ipablotter mo. maaaring sabihin nyo, wala din namang mangyayari. well, meron po. ang pagpapablotter nyo ay magdadagdag ng record doon sa presinto. at kapag marami ang nagpapablotter, ewan ko lang kung hindi sila kumilos. bad record din sa hepe ng pulis kung ang daming nakablotter, walang nareresolba. ang problema kasi, kapag nawalan tayo, hinahayaan na lang, hindi na nagrereport. ireport nyo kahit konting abala.

ituloy angsulong laban sa krimen! ihagis sa impyerno ang mga masamang loob! ituloy angsulong! ituloy!

Sunday, November 05, 2006

Ituloy angSulong ng Mobile Blogging

Wala lang. Wala akong computer dito sa bahay sa batangas eh. Kaya heto, magpopost sa pamamagitan ng cellphone. Salamat sa Smart GPRS at sa kanilang 10 pesos per 30 minutes na surfing rate. Nakakapagupdate ako habang nakatambay dito sa bahay at nanonood ng world pool championship sa channel 4. Bukas, papasok na ulit sa office. Maaga akong matutulog ngayon. Para maagang magising. Nasa SM batangas daw ang MYMP kanina ah, pero hindi ako nagpunta. Tinatamad ako eh, natulog na lang maghapon. Hayan, konting update lang. Ituloy angsulong patungo sa pupuntahan! Ituloy angsulong! Ituloy!

Yun lang!

Bitin??? ItuLoY mo kasi AngSulong

ituloy angsulong ng ipod
Masama talagang tingnan ang BITIN..... Ituloy mo kasi angsulong !!!! hindi ka mabibitin!!!! ituloy ang sulong !!!!

Tags:
,


Del.icio.us Tags:
,

Ituloy AngSulong sa F(r)ee Parking

Bawal yata dito ang hindi naka-costume, he he he.

ituloy angsulong sa maling costume

Saturday, November 04, 2006

Ituloy AngSulong sa Pangungulit

Eto pa ang dagdag kakulitan:

ituloy angsulong sa pangungulit ka mcdo
ituloy angsulong sa pangungulit kay mcdo 2

ituloy angsulong ng pagiging makulit !!!

kelan nga ba naging maganda ang pagiging makulit??? aba marami po mga kaibigan.. heto isa-isahin natin

Pag makulit ka:
  • sikat sa eskuwela, o dili kaya kung sobra naman, sa buong iskul
  • madalas mapagalitan ng titser
  • ang ikalawa mong room ay ang principal office, kasama na ito sa attendace mo sa araw-araw
  • madalas isnabin ng crush mong kaklase, pero wag mag-alala, nagpapakipot lang yun
  • kung magkaroon ka na ng trabaho, lagi kang isasama sa mga outing-outing kasi lahat sila boring at nerd... kelangan nila ng clown
  • kung may talent ka naman sa pagtugtog, pede kang magtayo ng banda na istayl kamikazee o kaya parokya ni edgar
  • madalas kang mapapaaway kasi naging habit mo na ang mang-bara ng mga kakilala, at mga taong hindi mo kakilala
  • kung may talent ka naman sa pagsusulat, pede kang magblog ng mga makukulit na bagay... sisikat ka pa!!!
  • pede kang maging next bob ong (side comment: d ko gusto yung last niyang isinulat o baka naman natuto lang ako ng konti na isulat ang mga bagag-bagay sa aking paligid)
marami pang advantages ng pagiging makulit... kaya mga kaibigan... ituloy angsulong !!! ituloy ang sulong !!! ituloy ang sulong ng pagiging makulit !!!!

Tags:
,


Del.icio.us Tags:
,

Friday, November 03, 2006

Patutunayan ko na ang Google ay hindi search engine!

O ha, title pa lang kakaiba na. Siguro, iisipin nyo, si kukote ay maluwag ang turnilyo ngayon. It's a common knowledge na nga naman na ang Google ay isang search engine, and even Guinness World Records recognized it as the biggest search engine in the world. Oo nga naman. Eh bakit ganyan ang title ng post ko? Just to get your attention? O come on, hindi ko na kailangan ng attention at ang dami ko na nun. Hehehe. Eh bakit nga yan ang title ng post ko? Well, dahil matapos nyong mabasa ang mga susunod na sasabihin ko, maniwala pa kaya kayo na search engine ang Google? Hehehe. Ok, ituloy angsulong ng pagbabasa...

Well, sinabi ko nga sa title ng post na ito na patutunayan kong hindi search engine ang Google. So, umpisahan ko na. Kung hindi sya search engine, eh ano sya? Hehehe. Ok, ganito lang naman ang premise dyan. Google is not a search engine but a search company. Ok, ok... totoo naman yan eh. Pero yung www.google.com, search engine yun. Well, ito naman ang masasabi ko. www.google.com is a search website, not a search engine. It is a website for searching, not the search engine itself. Yung mga software at hardware sa likod ng website ng google na syang nagpeperform ng totoong search after you clicked the search button, yun ang search engine! the backend system that do the searching, yun ang search engine. pero ang www.google.com, it's a search website. tama ba? Isipin nyo nga, kapag nakakita ba kayo ng kotse, you call it a car engine? Hindi di ba? It's a car. At yung nasa loob nun na nagpapatakbo sa kotse, yun ang car engine. Do you get my point?

Oh, kitam?! Naniniwala na kayo ngayon, na ang Google is not a search engine? Yung search engine, isang bahagi lang ng Google.

Ituloy angsulong sa pag-iisip ng kakaiba! Hehehe! Ituloy!

Pahabol... teka, napansin ko lang sa Pinoy Top Blogs, sino ba yung kasali dun na ituloy angsulong ang pangalan ng website na pasok sa top 100? As of now ay nasa top 84? Sino nga kaya yun? Ang galing naman nun. Ang daming traffic at pasok kaagad sa top 100! Hehehe!

Yun lang!

Ituloy AngSulong Audiocast

Dahil merong natuwa sa aming pakana, magkakaroon ng susunod na kabanata. Abangan ang threesome, ang susunod na putok!

Kasama na namin dito si Kukote, kaya may brainy inputs :) Hopefully di na kami conscious sa aming mga boses. Para daw pa-cute, sabi ng misis ko. Honestly, I hate the way I sounded (naks, tama ba ang ingles ko?). Hindi natural, hindi malibog.

Kaya tuluy-tuloy lang, Ituloy AngSulong!

Thursday, November 02, 2006

Ituloy AngSulong Para Sa Free Parking

Ituloy angSulong Movement fully supports Catanduanes Rep. Joseph Santiago and other lawmakers on their call for "free" parking in commercial establishments as provided under the Consumer Act.

Dapat lang talaga na libre yung parking. para naman bawas gastos na rin sa aming mga mamimili. Natural lang naman na magprovide sila ng parking space, because that is required by the building code. pero bakit kailangan pa naming bayaran yung space? sana, maisabatas ito. Basahin ang balita tungkol dyan dito.

Dagdag ko lang, dapat, wala ding bayad yung parking sa public places kagaya dito sa may roxas blvd. kinakaltasan na nga ako ng buwis eh, bakit babayaran ko pa yung lugar na pagpaparkingan ko? di ba? eh di magaling pa ay alisin na lang ang buwis at magbayad na lang kami sa mga serbisyong gusto namin sa gobyerno. dapat, libre na ang serbisyo ng gobyerno sa mga taxpayers. doon na lang sila maningil sa mga hindi nagbabayad ng buwis. sa mga tambay, sa mga foreigner, etc. ilang libo na nga ang kinakaltas sa akin monthly, tapos, yung nakuha kong sweldo, ibubudget ko pa rin yung para sa parking fee? sobra naman kayong manghuthot.

ituloy angsulong sa libreng parking, commercial man or public places! ituloy angsulong! ituloy!!!

yun lang!

Ituloy AngSulong Etymology

Siguro ay ngayon nyo lang nababasa ang mga katagang yan. Marami nang website ang nabuo para sa katagang Ituloy AngSulong, pero, saan nga ba nagmula ang salitang yan? Oo, tama po, talagang magkadikit po yung AngSulong, hindi sya ang sulong, kundi angsulong. Pero saan nga ba nagmula ang katagang yan? Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng mga katagang yan... at ito ang ilan sa kanila.

When Ethol Met Ansol

May Chinese origin daw ang katagang ituloy angsulong. Ganito kasi yun, sa isang sementeryo habang ipinagdiriwang ang araw ng mga patay, nagkatagpo sina Ethol at Ansol, si Chin Chan Su ang common friend nila. Ganito ang kanilang naging usapan...

Chin Chan Su: Oy, Ethol, kanina ka pa ba dito?
Ethol: Hindi naman masyado. Hmm, sino ba yang kasama mo, ipakilala mo naman ako.
Chin Chan Su: A oo nga pala... Ansol, sya si Ethol. Ethol Uy. Ethol Uy, Ansol Ong.
Ethol: Nice meeting yun Ansol.

So hayun, dun daw unang nabanggit ang salitang ituloy angsulong. Nagsimula sa dalawang pangalang Ethol Uy, Ansol Ong at sa katagalan ay nag-evolve sya as ituloy angsulong.

Honeymoon nina Ethol at Ansol

May mga nagsasabi, mga skeptics baga, na hindi daw totoo na doon unang nabanggit ang mga katagang ituloy angsulong. Ito daw ay nangyari noong honeymoon nina Ethol at Ansol. Ganito daw kasi ang pangyayari. Nang maghubad na si Ethol, nagulat si Ansol sa haba ng alaga nito at napasigaw sya ng "Ethol, Oy! ang so long!!!"

Isang Konyotik sa Palengke

May mga nagsasabi naman na iba raw ang pinagmulan nito. Sa isang konyotik daw sa palengke unang narinig ang mga katagang ituloy angsulong. Ganito ang pangyayari.

Tindero: Ale, bili na kayo ng luya.
Konyotik: Magkano ito?
Tindero: (hindi nya masyadong nakita) alin po ale.
Konyotik: Ito.
Tindero: (hindi pa rin makita) hindi ko makita eh. Pakituro nga ng ayos.
Konyotik: (naasar na, itinaas ang luyang mahaba) Ito!! Luyang so long!

Erap And Loi

Hinahanap ni Loi ang salon na pinagpagupitan ni Erap. Hindi nya agad ito makita. Naghiwalay pa sila, at nung makita ni Erap ang salon, tinext ni Erap si Loi at nagkita sila. Nung magkita na sila, sabi ni Erap: Ito, Loi! Ang Salon!


Well, puro haka-haka lang yan. Kung saan man talaga nagmula ang mga katagang yan, si Marc Macalua lang ang nakakaalam. Hahaha!

yun lang!

Wednesday, November 01, 2006

Ituloy angsulong Supports Datu's Tribe

ituloy angsulong ng Datu's tribe
Boy dapa at boy popoy with Datu's Tribe

Ituloy angsulong sa English Speech !!!

Penoi: Hello Mam, followup ko lang ang application ko on Technical Support Engineer for "insert name of company here"
Ms. Ewan: Ah, is this "insert name of penoi here" ??
Penoi: Yes mam...
Ms. Ewan: ah sir, hindi ko na pinursu ang application nyo kasi napansin ko noong interview mo na hindi ka marunong mag-ingles... ang kailangan nila ay yung taong American Accent ang dating... kung itutuloy natin ang application nyo, PAREHO LANG TAYONG MAGSASAYANG NG ORAS!!!!
PenoI: ( pls break it to me gently)... OK!!! LETCH!!!

Ituloy angsulong!!! ituloy angsulong sa American Accent DAW!!!!

Tags:


Kwangk Kwangk

ituloy angsulong with ariel and maverick
Boy Dapa of Ituloy AngSulong Movement supports TotooTV!

People On The Street

May mga kinausap si Boy Dapa upang malaman ang pulso ng masa:

Boy Dapa: Ano pong masasabi nyo sa mga kasulukuyang pangyayari?
Mamang Driver: Ituloy angsulong sa pagbaba ng presyo ng diesel!
Boy Dapa: Kayo naman ale?
Aleng Pasahero: Ituloy angsulong sa pagbaba ng pamasahe!
Boy Dapa: Ikaw naman bata?
Estudyante: Ituloy angsulong sa pagtaas ng baon!

Tuesday, October 31, 2006

Ituloy AngSulong tungo sa kalidad na serbisyo ng mga Barangay Tanod !!!

Pinsan ko: may report po akong attempt nakawan sa bahay namin
Barangay Tanod: kilala mo ba kung sino ang magnanakaw?
Pinsan ko: opo, ?insert name here?
Barangay Tanod: Mahirap yan.. dapat alam mo ang full name niya.
Pinsan ko: hindi ba dapat kayo ang nag-iimbestiga at hindi ako
Barangay Tanod: dalhin nyo na lang dito kapag nahuli niyo na ang magnanakaw
Pinsan ko: Hindi ba dati meron tayong ronda ng mga Barangay Tanod?
Barangay Tanod: Sira ang sasakyan ng ronda eh
Pinsan ko: kita ko lang noong isang araw na gamit ng anak ng Barangay Captain ang sasakyan ng ronda ah

Ituloy angsulong !!! ituloy angsulong !!! ituloy angsulong tungo sa kalidad na serbisyo ng mga Barangay Tanod!!!!

Ang post na ito ay hindi patama sa mas nakakataas sa barangay tanod a.k.a. konsehal at barangay captain

Tags:
,


Ituloy angSulong sa Pag-iingat sa Halloween

Ang post na ito ay ninenok ko sa articlecity. ito ay para sa ating kaligtasan, ituloy angsulong sa pag-iingat sa darating na halloween!

Halloween Safety For Your Family
by: Ralph Winn

Ghosts and ghouls will be about this October 31. But you must protect your little goblins from the real dangers that are out there on Halloween. Keep your kids safe and your holiday fun with these Halloween safety tips.

Halloween Safety Tip #1: See and Be Seen

It?s usually dark when kids go trick or treating, and in their costumes, they can be very hard for drivers to see. Your kids will be crossing the street and walking along the sidewalk, so keep them safe from traffic by making sure they are clearly visible to drivers. You can do this in two ways. One, keep their costumes light. Dress them in light colors like white, or orange, or yellow. However, this only works for kids dressed as ghosts, pumpkins, or bananas. You can also outfit your child with a reflective vest or tape that will light up in drivers? headlights. Make sure your children won?t be left in the dark - keep the little monsters visible.

Halloween Safety Tip #2: Arm Against Animals

Your neighborhood is probably full of pets, raccoons, badgers, and opossums. Protect your children from loose dogs or angry raccoons with animal repellant. Security Stores sells canine repellant that will fend off smaller animals and even stronger bear repellant that will get the big guys.

Halloween Safety Tip #3: Arm Against Bad Guys

Dogs and bears aren?t the only living danger children can run into. When it comes to Halloween safety, protecting your child from people who mean to do harm to them is parents? number one concern. We sell pepper sprays that can effectively disarm a criminal and give your child time to run and scream for help.

Halloween Safety Tip #4: Make Some Noise

Personal safety alarms will draw attention to your child?s situation immediately. If a stranger approaches and tries to attack your child, they can set off their personal safety alarm, which will emit a high pitched siren to call for help. Often, the criminal will run away.

Halloween Safety Tip #5: Go Along for the Fun

The best way to protect your kids during Halloween trick-or-treating is to accompany them on the adventure. Younger children should always be supervised by an adult, and older kids, though they may not want a parent tagging along, will be safer with mom or dad around. You don?t have to ring to the doorbell for them. You can just hang back a little and observe, increasing the Halloween safety of your children.

Halloween Safety Tip #6: Examine Before You Eat

Your Halloween safety vigilance doesn?t end when you get home. Before your children eat any of their treats, inspect the candy for anything that looks suspicious. Homemade candies, though they can be a thoughtful effort by a well-meaning neighbor, are dangerous because you don?t know what is in them. The same goes for unwrapped candies - they may have been tampered with. Once you have confirmed that your child?s candy is safe, then you can let them go nuts. You?ll feel better knowing that all they?ll get is a bit hyper and maybe a sick tummy.

Halloween safety should be your number one concern this Halloween, but once that?s taken care of, you and your family can have a spooky, scary, fun holiday filled with all the treats - and none of the tricks.

About The Author
Ralph Winn has over 32 years of experience in the security industry. Throughout his career, he has developed cost effective security programs for numerous small, medium, large commercial and government properties and for many nationally known corporations. http://www.homesecuritystore.com.

This article was posted on October 17, 2006


ituloy angsulong sa pag-iingat! mag-ingat tayong lahat! ituloy angsulong! ituloy!

ituloy angsulong sa panonood ng video

well, sa kakablog hop at kakayoutube, aba, this girl caught my attention. artistahin, ang ganda pa, at higit sa lahat, may talent! o sige, ituloy angsulong sa panonood ng video.





ang dami pa nyang video. ituloy angsulong sa panonood ng video sa sarili nyang bahay! ituloy ang sulong sa pagclick dito! hehehe. boy popoy, boy dapa, pwede siguro natin syang gawing muse ng ituloy angsulong movement. hehehe.

yun lang!

ituloy angsulong sa pagkain ng cake!


ituloy angsulong sa cake na ito


ituloy angsulong sa pagkain ng cake



nakalimutan kong may diabetes ako noong cake na ito ang inihain sa akin. hahaha! ituloy angsulong sa pagkain ng cake na ito! ang sarap ng cake na yan, promise! hahaha!

Ituloy AngSulong ang Pagdadasal para Araw ng mga Patay

ituloy angsulong sa pagdadasal sa araw ng patay
Undas na naman bukas mga katropa.... kanya kanya na namang pa-istaran ang mga tinedyer... meron ka din makikitang doon mag-a-eyeball ang mga textmates.... family reunion... paistaran ng mga mukhang spaceship na motor....
ngunit hindi ba ang tunay na spirit ng Araw ng mga Patay ay alalahanin natin ang mga mahal natin sa buhay na namayapa na..

Ituloy angsulong sa pagdadasal para sa Araw ng mga Patay!!!!

Tags:
, ,

ituloy angsulong sa pagtaas ng sweldo

Boy Popoy: May increase ka na ga boy?
Boy Dapa: Wala pa nga eh, 2 years na ako sa company ay katiting lang ang itinaas nung ma-regular ako.
Boy Popoy: Pasok ka ng naka-long sleeve tapos half day.
Boy Dapa: Oo nga, tapos may dala akong transparent na folder na may resume sa loob.
Boy Popoy: Baka atakihin sa puso ang boss mo.
Boy Dapa: Di rin, baka nga magpahanap na ng kapalit ko, he he he.
Kukote: Mag-blog na lang tayo para kumita!
Boy Dapa at Boy Popoy: Oo nga! Maraming pambili ng pancit canton at Pepsi Max!


Tama, ituloy angsulong sa pagtaas ng sweldo! Ituloy angsulong sa pagba-blog!

ituloy angsulong laban sa terorismo

ituloy angsulong laban kay osama bin ladenhanggang ngayon, mapanganib pa rin ang buong mundo. ang dami na kasing mga terorista na mga uto-uto ni osama bin laden. kagaling ga nitong si bin laden. biruin mong napapapayag nya ang kanyang mga tauhan na magsuicide para lang sa kanilang adhikain. kung ako yun, hindi nya ako mauuto. siguro, kung ako ang uutusan ni bin laden para magsuicide bomb, ganito ang magiging usapan namin.

bin laden: oy, kukote, dahil ikaw ang isa sa pinakamagaling na tauhan ko dito, aatasan kitang ituloy angsulong laban sa mga amerikanong kontra sa atin.
kukote: ano po ang gagawin ko para ituloy angsulong laban sa mga amerikanong ito?
bin laden: simple lang. pasasabugin natin ang whitehouse.
kukote: paano?
bin laden: papasok ka sa whitehouse. may dala kang maliit na bomba na nakapasak sa pwet mo. siguradong hindi ka na nila matetrace. pagpasok mo sa loob, isang utot mo lang, sabog ang whitehouse!
kukote: ang talino mo, amo! ang galing mo! mas maganda siguro kung ikaw ang gumawa nun para walang sablay! mas malakas ka namang umutot sa akin eh!
bin laden: aba, gagong ito. hindi ka magpapauto sa akin?
kukote: ano ako? hilo? ituloy angsulong sa mga kano? ituloy mo angsulong mong panot!


ewan ko ba kung bakit may nauuto si bin laden na magsuicide. dapat, follow the leader. sya muna magsuicide bago ako, di ba?

ituloy angsulong laban sa terorismo! ituloy angsulong laban sa katangahan ng mga kampon ni osama! ituloy angsulong! ituloy!!!

itutuloy...

Tags: osama bin laden, ituloy angsulong, terorismo