Wednesday, November 08, 2006

ituloy angsulong laban sa mga kawatang magnanakaw ng Adsense check

hindi lang pala isang beses nangyari na may nagnakaw ng Google check sa post office. natatakot na tuloy ako. kaya yung second Google check ko, I opted for the secured delivery na, kahit may bayad na $24. mas magaling na yung siguradong makakarating, kesa naman para akong tangang naghihintay sa wala dahil dinekwat na pala ng taga post office. pwedeng sabihin nyo, kahit ba makuha, hindi naman nila nadedeposit sa bank account nila. yun nga ang akala ko eh. pero grabe na ang kasamaan ng mundo. biruin nyo, at nag-open pa ng bank account na kapangalan nung may ari nung cheke. ang lupet no? putek naman, kung gagawin nila sa akin yun, finally, magkakaroon na rin ako ng kapangalan sa mundo! hehehe. pero ipapahanap ko sya, at pahihirapan ko sya sa pamamagitan ng karayom. opo, karayom lang, masakit na torture yun. yung itatali mo, tapos, tutusukin mo ng tutusukin ng karayom sa iba't ibang parte ng katawan. yung aguha pa ang gagamitin ko, yung malaki. hehehe. hay, kung anu ano na naman naiisip ko. nakakaasar eh. ngayon, iniisip ko, dumating pa kaya ang cheke ko?? sana naman.

dito ko pala nalaman ang tungkol sa nakawan ng tseke. ituloy angsulong laban sa mga kawatan! ituloy angsulong! ituloy!!!

yun lang!

3 comments:

Anonymous said...

hmmm.. delikado nga po kuya..

cge po add kita sa links...

Miss F said...

yeah sobrang nakaka-miss taLaga!


ang galing ng mga music non kasi talagang may reaction sila sa experience nila, so parang art "expression of personal vision" or art xa talaga unlike many musicians nowadays na manufactured by their producers and i think they get into it just to pick up some chicks.



you're right tungkol sa simplicity ng mga bands, that's what i love about them. hindi naman kailangan maging majestic and complicated, right?

as for dahong palay, their eddie van halen wanna be guitarist, ngkataong bestfriend sya ng bestfriend ko, wala na ang band nila, he's now playing for a show band in Japan.

favorite ko yung cover nila ng kantag "magaganda ang mga Pinay"....swak na swak sa kin, hehe

Jepoy said...

welcome me to the club :P

my jan2007 check has been stolen and deposited somewhere. Google has yet to send me a scanned copy of the check. Damn post office bastards.