kanina, pagdating ko sa boarding house, ang aga-aga, ang sama ng balitang tumambad sa akin pagbukas ko ng tv sa channel 7. isang taxi driver, matapos holdapin, sinaksak ng tatlong salarin saka tumakas. nangyari ito sa may C-5 Road, sakop pa raw ng Makati kaninang alas tres ng madaling araw. Anak naman ng teteng no? bakit ba naman kailangan pang mabuhay ang mga gagong holdaper na yan at kumalat kalat dito sa maynila para mamerwisyo ng kapwa. buti na lang at may impyerno, sabi nga ng boss ni penoi. hehehe. buti na nga lang at may impyerno.
ituloy natin angsulong laban sa krimen! paano? huwag matakot, isumbong sa pulis ang masasaksihang krimen. kung ikaw ang biktima, mas lalo mong dapat ipablotter. kahit isang cellphone lang yan, or 500 pesos na nadukot sa wallet mo, ipablotter mo. maaaring sabihin nyo, wala din namang mangyayari. well, meron po. ang pagpapablotter nyo ay magdadagdag ng record doon sa presinto. at kapag marami ang nagpapablotter, ewan ko lang kung hindi sila kumilos. bad record din sa hepe ng pulis kung ang daming nakablotter, walang nareresolba. ang problema kasi, kapag nawalan tayo, hinahayaan na lang, hindi na nagrereport. ireport nyo kahit konting abala.
ituloy angsulong laban sa krimen! ihagis sa impyerno ang mga masamang loob! ituloy angsulong! ituloy!
1 comment:
linked! good luck! ituloy angsulong!
Post a Comment