Friday, November 03, 2006

Patutunayan ko na ang Google ay hindi search engine!

O ha, title pa lang kakaiba na. Siguro, iisipin nyo, si kukote ay maluwag ang turnilyo ngayon. It's a common knowledge na nga naman na ang Google ay isang search engine, and even Guinness World Records recognized it as the biggest search engine in the world. Oo nga naman. Eh bakit ganyan ang title ng post ko? Just to get your attention? O come on, hindi ko na kailangan ng attention at ang dami ko na nun. Hehehe. Eh bakit nga yan ang title ng post ko? Well, dahil matapos nyong mabasa ang mga susunod na sasabihin ko, maniwala pa kaya kayo na search engine ang Google? Hehehe. Ok, ituloy angsulong ng pagbabasa...

Well, sinabi ko nga sa title ng post na ito na patutunayan kong hindi search engine ang Google. So, umpisahan ko na. Kung hindi sya search engine, eh ano sya? Hehehe. Ok, ganito lang naman ang premise dyan. Google is not a search engine but a search company. Ok, ok... totoo naman yan eh. Pero yung www.google.com, search engine yun. Well, ito naman ang masasabi ko. www.google.com is a search website, not a search engine. It is a website for searching, not the search engine itself. Yung mga software at hardware sa likod ng website ng google na syang nagpeperform ng totoong search after you clicked the search button, yun ang search engine! the backend system that do the searching, yun ang search engine. pero ang www.google.com, it's a search website. tama ba? Isipin nyo nga, kapag nakakita ba kayo ng kotse, you call it a car engine? Hindi di ba? It's a car. At yung nasa loob nun na nagpapatakbo sa kotse, yun ang car engine. Do you get my point?

Oh, kitam?! Naniniwala na kayo ngayon, na ang Google is not a search engine? Yung search engine, isang bahagi lang ng Google.

Ituloy angsulong sa pag-iisip ng kakaiba! Hehehe! Ituloy!

Pahabol... teka, napansin ko lang sa Pinoy Top Blogs, sino ba yung kasali dun na ituloy angsulong ang pangalan ng website na pasok sa top 100? As of now ay nasa top 84? Sino nga kaya yun? Ang galing naman nun. Ang daming traffic at pasok kaagad sa top 100! Hehehe!

Yun lang!

4 comments:

Anna said...

parang nalito ako ng binasa ko to.. ang sakit ng ulo ko.. pero in fairness na kuha mo nga ang atensyon ko..

Anonymous said...

Salamat sa pagdaan saking bahay. Kung sabagay, tama ka dyan sa sinabi mo! Wag kang magalala at ikakalat ko ang mabuting balita.

Toink.

Lyka Bergen said...

Nahilo ako doon!

Anonymous said...

uy, change look ka ha. talagang total revamp ang blog mo. hehe. anyway, just thought i'd stop by =) happy weekend!