Saturday, November 04, 2006

ituloy angsulong ng pagiging makulit !!!

kelan nga ba naging maganda ang pagiging makulit??? aba marami po mga kaibigan.. heto isa-isahin natin

Pag makulit ka:
  • sikat sa eskuwela, o dili kaya kung sobra naman, sa buong iskul
  • madalas mapagalitan ng titser
  • ang ikalawa mong room ay ang principal office, kasama na ito sa attendace mo sa araw-araw
  • madalas isnabin ng crush mong kaklase, pero wag mag-alala, nagpapakipot lang yun
  • kung magkaroon ka na ng trabaho, lagi kang isasama sa mga outing-outing kasi lahat sila boring at nerd... kelangan nila ng clown
  • kung may talent ka naman sa pagtugtog, pede kang magtayo ng banda na istayl kamikazee o kaya parokya ni edgar
  • madalas kang mapapaaway kasi naging habit mo na ang mang-bara ng mga kakilala, at mga taong hindi mo kakilala
  • kung may talent ka naman sa pagsusulat, pede kang magblog ng mga makukulit na bagay... sisikat ka pa!!!
  • pede kang maging next bob ong (side comment: d ko gusto yung last niyang isinulat o baka naman natuto lang ako ng konti na isulat ang mga bagag-bagay sa aking paligid)
marami pang advantages ng pagiging makulit... kaya mga kaibigan... ituloy angsulong !!! ituloy ang sulong !!! ituloy ang sulong ng pagiging makulit !!!!

Tags:
,


Del.icio.us Tags:
,

1 comment:

Anonymous said...

salamat sa pagdalaw :)

ok sanang maging makulit kaya lang nakakairita minsan lalo na sa trabaho hehehe...