mahigpit na rin ang mga domestic airport dito sa pilipinas. yan ang napansin ko noong nakaraang sabado nung magpunta ako ng davao. ang napansin ko lang, kahit gaano sila kahigpit, mukhang malulusutan pa rin sila ng mga liquid bombs. bakit? kasi naman, bawal lang ang mga liquid items sa hand carry, pero pwede sa baggage mo. so, anong logic nun? hindi ba kapag sumabog yung bomba sa baggage mo, babagsak pa rin yung eroplanong sinasakyan nyo?? hehehe. unless sa seperate na eroplano ipapadala yung checked-in baggage mo, eh hindi naman di ba? magkakasama pa rin kayo nung baggage na may liquid items, di ba? pano kung may bomba yun?
kung talagang seryoso sila sa security, dapat ituloy nila angsulong laban sa pagdadala ng liquid items, sa hand carry man sya or sa baggage. kung bawal ang liquid items, dapat, total ban. hindi lang sa hand carry. ano bang hinihintay nila? naghihintay pa yata sila na may sumabog na liquid bomb sa isang eroplano bago nila ipagbawal ang liquid items sa mga checked-in baggage eh. tapos, sasabihin nila, nalusutan sila dahil sa baggage nilagay yung bomba. tapos, saka nila ipagbabawal. hehehe. kalokohan. kabobohan.
ituloy angsulong laban sa terorismo! ituloy angsulong laban sa liquid bombs! ituloy angsulong ng airport security! ituloy angsulong! ituloy! loy! loy! (may echo pa! hahaha!)
offtopic: sa mga naglink na sa amin. maraming salamat. sa mga hindi pa, aba, ikaw na lang ang hindi naglilink, ilink mo na kami! ehehe. rest assured, we will link back, pasensya na, galing lang bakasyon kaya di ko pa kayo nalilink lahat. basta, ililink ko kayong lahat bago magfriday, ok? ituloy angsulong! yun lang!
No comments:
Post a Comment