Saturday, November 11, 2006

ituloy angsulong ng mga Old School Pinoi Rock

nakaharap ako sa aking computer.. nag-iisip ng bagong maiipost sa movement... binuksan ang mp3 player, nag-play ng mga kanta ng dahong palay mula sa album nilang kapatiran ng bakal at apoy... bigla akong napaisip... nasaan nga ba ang banda ng aming henerasyon???
ilan sa aking mga natatandaan ay ang mga bandang the youth, alamid, color it red, rizal underground, mutiny, dahong palay, bad omen, the dawn, the wuds, phil vio, half life half death, eraserheads.. oo, maiituring na alternatibo ang eraserheads ng mga panahong iyon...
maraming pinagkaiba ang mga banda noon sa ngayon.. noon, basic ang mga tugtugan, madaling i-cover ng banda ang mga kanta nila.. ngayon, masasabi kong medyo kumplekado, may touch na ng mga foreign bands...
paikot ikot lang ang gusto ng mga tao.. banda > acoustic acts > revivals > biritan > disco > rap > hiphop > ballads ... then balik ulit sa banda...
ito lang ang masasabi ko, mananatiling alternatibong musika ang mananalantay sa dugo ko... teka gusto ko din nga pala si christian baustista.. hehehe... fafa!!!!

Tags:
,

3 comments:

Arvin said...

pakikialam ng journal ng may journal. naalaala ko ang pagkakataon ilang taon na ang nakalilipas nang mahalughog ko ang journal ng tita ko. doon ko nalaman na sikat na sikat pala ang bandang color it red noong mga panahong iyon. 90's--isang magandang dekada para sa mga bandang masasabi nating mahuhusay at may angking galing sa pagtugtog at maging sa paglikha ng mga awitin.

pagbabago. ngunit sa paglipas ng panahon, kitang-kita nating lahat ang malaking pagbabago kasabay ng pag-ikut-ikot ng hilig ng mga kabataang pilipino.

paggunita sa eraserheads. ang pinakapaborito kong banda ay ang eraserheads. bata pa man ako ay nahumaling na ako sa kabigha-bighati nilang musika. bata pa lamang ako ay mahilig na akong makinig sa mga kanta nila. maging ngayong labinlimang taong gulang na ako ay sila pa rin ang nasa puso ko. taglay nila ang isang tunay na pilipinong musika na may pag-ibig sa sariling bayan, sa mga kababayan at sa ngalan ng pagmamahalan.

ituloy natin ang sulong. marami pang araw ang magdaraan. magkaisa nawa ang bawat pilipino.

Anonymous said...

filipino music, no matter what genre, is made of drama, laidback, good time music.

"noypi" might be the only exception

eLf ideas said...

hlhd vocalist nasa canada na. half man half elf na siya. hehehe. ako yun.