Maraming klase ng sabong. Sabong ng manok, tao (boksing) at marami pang iba. Nakatutuwang manuod ng mga sabong. Gaya ng away sa mga forum:
Debian Vs. Slackware
Linux Vs. BSD
Windows Vs. Mac OSX
AMD Vs. Intel
ATI Vs. Nvidia
Nakatutuwang nakaiinis basahin ang ganito. Maiinis ka minsan dahil nagkakaroon na ng out of topic. Matutuwa ka na rin dahil minsan ay parang mga bata na sila. At mayroon namang magagandang defenses.
Ang isa pang libangan ko ay ang basahin ang awayan ng mga fans. Fan ng isang banda versus sa ganitong banda. Batuhan ng salita ng mga Kapuso laban sa mga Kapamilya. Parang dadalawa lang ang TV network dito sa Pilipinas. Maingay kasi ang magkabilang kampo.
Ganyan din sa mga forum ng comics; DC Vs. Marvel. Sa Airsoft naman, Tokyo Marui Vs. Classic Army, G&G Vs. G&P. Made in Japan vs. Made in China.
Ano nga bang napapala ng passionate supporters ng isang kampo? Hindi ko talaga mabigyan ng depinidong paliwanag. Siguro nga ay likas na sa mga tao ang ganitong ugali. Ano naman ang kinalaman nito sa Ituloy AngSulong?
Well, basta Ituloy AngSulong! Ituloy!
1. 2.. 3... 4.... 5..... Five against one.....
10 comments:
oo nga..ganyan talaga sa mundo..competition palagi ang kaharap mo..minsan mahirap tuloy mag-desisyon. Pinili ko AMD versus Intel kasi mas mura... OKs naman ang PC (so far x my fingers muna)
ok, ex-links would be nice. thanks for dropping by.
oo nga. ano ba napapala nila dito? wala naman. di naman sila binabayaran. kumikita lang ang mga sinusuportahan nila pero sila, walang napapala. oh well.. ganyan tlga ang mga adik. hehehe :)
lagi na lang may pinagsasabong...
mistika vs. madam auring
Mahal vs. Mura
PGMA vs. Mahal
ang maganda lang sa ganyan nalalaman mo yung pros and cons!
Realistically speaking the world even if A isn't looking for a competition B will try to outlast A to be noticed by everyone. It's an unconditional competition which pisses me off. Anyway,...
Nvidia Vs. ATI ang sa akin. Currently rooting for NVidia. Kaso nalalaklak na 'ata.
XBox360 vs. PS3 vs. Wii
Xbox360 ako!
A Link-X sounds great. Excellent. Thank you for dropping by at my humble blog. :)
pare, salamat sa pag bisita sa blog ko ha. galing naman ng blog mo. naa add na kita sa blogroll ko. add mo rin ako ha.,
nasa link na po kaya kita..
haay.. sabong.. puro na lang away.. hekhek.. hehe.. lahat naman ganyan eh.. its natural.. hehe.. gulo ko..
anyway.. cge po link ex.. ill add you na po.. :)
Hi!^^
Thnx for droppin by my blog.^^
I'llbe glad to exchange links with you.^^ You're linked.^^
kung wala kasing competition walang challenges, kaya tuwa naman ang mga mokong kasi nadami supporters nila.. btw, thanks sa pagbisita sa blog ko :)
yung sa boxing, i think its a very masochistic game...i dont quite understand why anybody would want to be tortured that way just for a few bucks (na hindi naman talaga malaki unless ur at the top and built a name for yourself) siguro nasa male psyche na yan parang mga Romans watching gladiators, yung glorifying agression and physical prowess...
ang hula ko eh testosterone overdrive ang mga hobbies na yan, and women are naturally more empathetic and sensitive daw kaya siguro we identify with losers and i dont see the point in competition really,,, pwede pa you COMPETE w/ youtrself or outdo yourself but not others...
sa mga away ng bands, oks yun kung name-maintain yung good cheers and spirit in the end kasi despite youtr differing tastes, friendship and camaraderie remains.
maganda naman talaga mg-argue about the merits of your fave bands ang hindi ko maintindihan is yung bigotry and narrow-mindedness ng ibang tao who can't understand the fact that some people do have different tastes....
Post a Comment