Habang masaya ang buong Pilipinas noong November 19 dahil sa pagkapanalo ni kuya Manny, (kuya daw o!) isang crew ng McDonalds sa SM Lipa ang nalulungkot at nawiwindang dahil sa isang pagkakamaling kanyang nagawa.
Ganito kasi ang nangyari. Namimigay na ng meryenda doon sa SM Cinema sa Lipa sa may entrance nang dumating sya. Dala nya ay tatlong plastic bag ng McDonald's Team Pacquiao cap, or sa maigsing salita, ay sumbrero. Then, biglang ipinamigay nya yung sumbrero sa mga tao. Syempre, dahil libre, pinagkaguluhan sya, at ilang minuto lang, ubos na yung tatlong plastic bag. Yung kapatid ko nga ay tatlong sumbrero ang nakuha.
So, anong problema? After more than an hour, paglabas ko para magCR habang suot ko pa yung sumbrero, hinarang ako ng McDonald's crew na ito. Sabi nya sa akin, "Sir, pasensya na po, nagkamali lang po ako kanina, akala ko po ay libre yung sumbrero kaya ipinamigay ko. Ipagbibili pala po yun. Pwede ga sir kunin ko yang sumbrero, or bayaran nyo na lang kung gusto nyo, 90 pesos. Sa akin kasi ichacharge yung lahat nang naipamigay ko." Dahil naawa naman ako doon sa crew, ibinalik ko na lang yung sumbrero, (wala kasi akong 90 pesos!!). At nung matapos ang laban, andun pa rin yung crew sa labas, isinoli na rin ng kapatid ko yung sumbrero nila.
Siguro, more than 100 yung naipamigay nya. What's the possibility na makuha nyang muli ang lahat ng iyon? Ewan ko. Kung iiawas sa sweldo nung crew yung sumbrerong naipamigay nya, magkano kaya lahat yun? Kawawa naman sya. Kahit sampung sombrero lang yung hindi nya naibalik, that's worth 900 pesos pa rin. Ngayon, kung isa ka sa nakakuha nung sumbrero at hindi mo alam na ganito ang nangyari, punta ka lang sa McDonalds sa SM Lipa at isoli mo yung sumbrero or bayaran mo, maawa naman kayo doon sa mali-maling crew.
On a funny note, iniimagine ko pa lang, natatawa na ako sa reaction ng manager nya nang malaman na ipinamigay nya yung mga sumbrero. Hehehe. Ano nga kayang itsura nun nang sabihin nyang, "Sir, ubos na yung sumbrero, naipamigay ko na!" Siguro, natulala na lang din yun, parang si Erik Morales. Or napasigaw at napamura? Or what? Ah ewan.
Lesson learned: clean your ears before going to work, para maintindihan mo ang instructions ng boss mo.
Yun lang!
1 comment:
kawawa nga naman siya. i hope hindi naman sana siya na-sisante dahil sa kanyang pagkakamali.
Post a Comment