Ronato Alcano. Noong elimination rounds pa lang, hindi mo sya mapapanood sa tv. Una ko syang napanood noong makalaban nya si Magician, in a do or die situation, kung saan sunod-sunod na minalas si Magician at natalo nga sya nito. Ang isip ko noon, swerte lang sya.
Pero kakaiba ang ipinakita nya. Mukhang yung magic ni Efren, ipinamana nya kay Ronato Alcano. Napanood ko ang laban nya nung talunin nya ang defending champion na intsik. After ng laban, sabi nya, dalawang laban na lang, champion na sya. He'll take it one game at a time. Aba, at nung semi finals, tinambakan na naman nya yung isa pang intsik na kalaban, at hayun, pumasok nga sya sa finals.
Inabangan ko yung finals kahapon sa channel 4. Alas kuwatro nag-umpisa. Alas otso natapos. Tinambakan na naman nya ng score ang kalaban. Hanggang sa nakamit nya ang kanyang pinakamimithing tagumpay. If you read his interview, sabi nya, pinipigil nya lang daw ang sarili nyang maiyak sa tuwa. I'm sure, talagang magbabago na ang buhay nya. Aside from the $100,000 na napanalunan nya, siguradong pagppyestahan na rin sya ng media, commercial offers siguro at kung ano ano pa.
Well, magaling naman talaga sya. Saludo kami sa kanya. Pabalato! Hehehe.
Saludo ang buong Ituloy AngSulong Movement sa iyo! Ang galing mong tumumbok! Shoot nang shoot!
Ituloy angsulong ng galing ng Pilipino! Ituloy!
Note: Photo taken at WorldPoolChampionship official website.
2 comments:
magaling siya! napanood ko finals nun...=)
yehey! mabuhay!^_^
http://pmmg1122.blogspot.com
hala! ang laki ng prize! $100,000? omg. anyways, nalink na kta.
Post a Comment