Monday, November 13, 2006

Ituloy AngSulong Sa Pagtitipid!

Malapit na ang Pasko, ngunit nararamdaman mo ba? Nararamdaman ko rin ba? Parang hindi eh. Mapapansin mo ang Malls ngayon, lately lang naglagay ng mga dekorasyon. Dati-rati ay pagpasok pa lang ng ber months ay masaya at makulay na ang paligid. Maririnig mo na ang mga masasayang himig Pamasko.

Mapapansin mo rin ngayon na karamihan ay re-cycled ang mga dekorasyon. Mukha nga namang bagong hugot sa taguang bodega ang mga gamit. Alangang kupas, alangang bago. At mapapansin mo rin sa mga mall na bihira ang namimili kahit Linggo. Nasabi ko sa misis ko na tuwing may sale lang maraming namimili.

Tipid tipid tayo. Sa isang banda ay maganda rin naman ito, natutunan nating pahalagahan ang mga pinagpaguran natin. Ang kaso nga lang, yung mga buwis natin ay parang hindi natin nararamdamang tinitipid. At paano naman ang mga kababayan nating hindi kayang magtipid dahil walang titipirin?

Ah! Ituloy AngSulong sa pagtitipid! Ituloy!

4 comments:

Anonymous said...

hi thanks for visiting my blog! sure ill link you up. tc!

Anonymous said...

hay,tama ka jan kuya.. since 2001 hindi ko na naramdaman ang pasko... ehhe..sad noh?

ok po.link ex tau, para may celebrity naman sa blog ko.hehe.. joke lng baka magalit yung mga andun na... btw, link na kita...

lukewarmnolonger said...

mga bossing, salamat sa pagdaan sa blog ko, ang kulit ng inyo. sige, ex links tayo.

Francesca said...

sa pagtitipid, wala na hihigit pa sa Pinoy. Lalo na kung walang wala. pero kung meron, aba, ituloy ang sulong sa pamimili, hehehe!
may andoks pang uwi nyan si tatay...