Tuesday, November 14, 2006

Mariposa

Desisyete anyos
Maganda ang hubog
Boses ay malamyos

Ito ba ang nais mo?
O pinilit mong ginusto?
Pambili ba ng luho?
O mapakain ang pamilya mo?

Sadya nga bang mapaglaro ka?
O hinubog ng lipunang malupit?
Magpasarap lang ba sa buhay?
O ang sa patalim ay kumapit?

Sayaw Mariposa, sayaw!
Itago ang lungkot
Sa likod ng musikang maharot!

Sayaw Mariposa, sayaw!
Gumiling, kumaway
Sumunod sa musikang mahalay!

Mariposa, ituloy mo angsulong sa buhay!

2 comments:

Cheska said...

may naalala ako nito...may kaibigan ako na lalaki na may ginawang himala sa banyo...nakita siya ng kasama niya sa bahay...kaya kung inuman, lahat ng kanta namin may mariposa na lyric.hehehehe...=)

qroon said...

cheska, bagay na kanta dyan eh..

arimunding munding... he he he

Si Mariposa ay generic na Magdalena, o ang bagong Magda :)