When Ethol Met Ansol
May Chinese origin daw ang katagang ituloy angsulong. Ganito kasi yun, sa isang sementeryo habang ipinagdiriwang ang araw ng mga patay, nagkatagpo sina Ethol at Ansol, si Chin Chan Su ang common friend nila. Ganito ang kanilang naging usapan...
Chin Chan Su: Oy, Ethol, kanina ka pa ba dito?
Ethol: Hindi naman masyado. Hmm, sino ba yang kasama mo, ipakilala mo naman ako.
Chin Chan Su: A oo nga pala... Ansol, sya si Ethol. Ethol Uy. Ethol Uy, Ansol Ong.
Ethol: Nice meeting yun Ansol.
So hayun, dun daw unang nabanggit ang salitang ituloy angsulong. Nagsimula sa dalawang pangalang Ethol Uy, Ansol Ong at sa katagalan ay nag-evolve sya as ituloy angsulong.
Honeymoon nina Ethol at Ansol
May mga nagsasabi, mga skeptics baga, na hindi daw totoo na doon unang nabanggit ang mga katagang ituloy angsulong. Ito daw ay nangyari noong honeymoon nina Ethol at Ansol. Ganito daw kasi ang pangyayari. Nang maghubad na si Ethol, nagulat si Ansol sa haba ng alaga nito at napasigaw sya ng "Ethol, Oy! ang so long!!!"
Isang Konyotik sa Palengke
May mga nagsasabi naman na iba raw ang pinagmulan nito. Sa isang konyotik daw sa palengke unang narinig ang mga katagang ituloy angsulong. Ganito ang pangyayari.
Tindero: Ale, bili na kayo ng luya.
Konyotik: Magkano ito?
Tindero: (hindi nya masyadong nakita) alin po ale.
Konyotik: Ito.
Tindero: (hindi pa rin makita) hindi ko makita eh. Pakituro nga ng ayos.
Konyotik: (naasar na, itinaas ang luyang mahaba) Ito!! Luyang so long!
Erap And Loi
Hinahanap ni Loi ang salon na pinagpagupitan ni Erap. Hindi nya agad ito makita. Naghiwalay pa sila, at nung makita ni Erap ang salon, tinext ni Erap si Loi at nagkita sila. Nung magkita na sila, sabi ni Erap: Ito, Loi! Ang Salon!
Well, puro haka-haka lang yan. Kung saan man talaga nagmula ang mga katagang yan, si Marc Macalua lang ang nakakaalam. Hahaha!
yun lang!
1 comment:
hahahaha!!!love the origin of your name.=)
Post a Comment