magmasid tayo sa paligid. napansin nyo na rin ba na ang mga tao, kapag sumakay sa dyip at nakaupo na, automatic, nakataas na ang kamay at nakahawak doon sa hawakan ng dyip? almost 90% ng mga sumasakay sa dyip, ganyan. at napaisip ako, bakit kaya? mahuhulog ba tayo kung hindi tayo kakapit dun? hindi naman di ba? sabi nga nila, tradisyon na kasi, mahirap nang alisin. ehehehe. sinubukan ko kaninang huwag kumapit, ok naman. pero minsan, unknowingly, mapapansin ko na lang na nakakapit na naman ang kamay ko dun, parang may magnet. hehehe. subukan nyo.
napansin nyo na rin ba na kapag may sumasakay ng dyip, automatic, halos lahat ng nakaupo ay nag-aadjust ng kanilang pwesto. kahit hindi naman doon sa lugar nila uupo yung bagong sakay, kahit kita nang sa kabila naupo, automatic, umaadjust pa rin tayo. bakit? ewan.
ito naman, napansin ko sa probinsya na madalang ang pagdaan ng dyip, kagaya doon sa barangay namin na every 15 minutes kung may dumaan na dyip. ang napansin ko naman, yung mga tambay sa tambayan, yung mga nakaupong nagkekwentuhan sa harap ng tindahan at kung saan man. basta may dumaang dyip, pagmasdan mo ang kanilang mga mata. lahat, sa dyip nakatingin. hehehe. sabay sabay pa yan from left to right. hhmm, parang nakakita ng babaeng dumaan, eh dyip lang naman. a ewan.
gusto nyo bang maglagay ng advertisement sa loob ng elevator? minsan, may mga nakikita na rin akong mga elevator na may advertisement eh. usually, sa likod nakalagay. pero alam nyo bang hindi optimized yun? the best place to put an advertisement inside the elevator is below or above the floor number indicator. oo, dahil ang mga tao, pagsakay pa lang ng elevator, doon na nakatingin sa floor number. kung doon mo sa ibabaw nun or sa ilalim nun ilalagay yung ads mo, tiyak na mababasa. hehehe. napansin nyo ba? actually, nabasa ko ito kay redkinoko.
ituloy angsulong sa pagmamasid sa paligid! ituloy!
1 comment:
Kasama ako sa 10% na hindi kumakapit sa hawakan ng dyip. Baka kasi may nagpahid ng kulangot nila dun! bwahahahaha!
Post a Comment