Thursday, November 30, 2006

Ituloy AngSulong Kontra sa Bagyong Reming

Suspendido ang klase ng lahat ng antas dito sa Metro Manila at sa mga karatig probinsya. Signal No. 2 na dito sa Maynila habang sa kasalukuyan ay hinahataw na ng bagyo ang Catanduanes na signal No. 4 ngayon. Ang bagyong Reming daw na ito ay mas malakas pa sa bagyong Milenyo na kamakailan lamang ay tumama dito sa Metro Manila kung saan marami ang nasira at nasiraan.

Ayon sa forecast ng PAGASA or HOPE (Handler Of Public Emergency), ang mata ng bagyo ay dadaan dito sa Manila bukas. Sigurado raw aabot pa hanggang sa signal no. 3 ang bagyo dito bukas kung tama ang forecast nila.

Kailangang magrecharge ng cellphone, bumili ng kandila, mag-ipon ng tubig at manalangin tayong lahat upang malampasan natin ng maayos ang darating na unos.

Sa ngayon ay may pasok pa rin kami. Maaliwalas pa ang panahon dito sa Maynila, hindi pa malakas ang hangin dito sa Manila Bay. Kulimlim lang. Mga estudyante lang ang walang pasok.

Basahin ang balita tungkol sa bagyong Reming dito:
Dahil dito, matuloy kaya ang NU Rock Awards bukas? Ang ganda pa naman ng promotion nila sa Youtube:



NU Rock Awards - "Air Drum"


ituloy angsulong kontra sa bagyong reming! lumihis ka na para matuloy ang panonood namin ng awards bukas! ituloy angsulong! ituloy!

7 comments:

penoi said...

tuloy as of now... tumawag ako sa NU at sa ticketnet.. wala pang announcement na hindi siya tuloy...

Anonymous said...

waaahh! bagyo na naman? tumutulo pa naman ang bubong namin!

tin-tin said...

sabi hindi na daw dadaan dito ang bagyo

kukote said...

lumihis na ang bagyo, hindi na direct hit ang manila. ang problema, sa probinsya namin pupunta, sa batangas. tsk tsk tsk.

Anonymous said...

matagal ka na naka link sa akin eh hehehe. btw thanks sa pag daan sa blog ko.

Anonymous said...

buti ka pa nakapunta sa NU rock awards. hindi na ba showbiz yan ngayon?

ayan, nag-comment na ko ha. naaliw ako kakabasa ng entries mo. ung iba nga lang kelangan ko basahin ng 2 beses, ang labow kse chief!

padayon!

Anonymous said...

Hi -- sorry for the late reply. I added your link to my blog already. Cool, aliw na blog by the way!